Unexpected 36

48 8 0
                                    

Ayann's POV

Wala pang 6am,umalis na ako ng bahay namin. Alam kong masyadong maaga pa para umalis pero kailangan ko talagang gawin. Baka kasi pag umalis ako sa usual na oras kong pag-alis,marami akong makakasabay na estudyante at baka may mangyari na namang gulo.

Actually,napag-usapan namin ni Kheean na magsabay ngayon. Balak niya akong sunduin para daw mabantayan niya ako sa mga nangbubully sa akin. At dahil nauna nga ako,tiyak yari ako nito sa kanya. And speaking of the devil,tinatawagan niya na ako ngayon. Yari na nga ako!!!

"Hello"pagsagot ko sa tawag.

"Hello Ayann! Asan ka? Umalis ka na daw ng bahay niyo sabi ni tita. Ano bang usapan natin? Di'ba sabay tayong papasok?"sunod-sunod na sermon ni Kheean sa akin mula sa kabilang linya.

"Hey kalma lang"sabi ko sa kanya.

"Kalma? Paano ako kakalma kung pagdating ko dito sa bahay niyo ay wala ka na? Asan ka ba?"tanong niya.

"Andito na ako sa classroom namin"sagot ko.

"Ano? Akala ko ba usapan natin sabay tayong papasok?"sabi niya.

"Nauna na ako para wala akong masyadong makasabay na mga estudyante. Baka may mangyari na naman kasi"sabi ko.

"Kaya nga natin na pag-usapang magsabay ngayon para mabantayan kita mula sa nambubully sa iyo. Tss"sabi niya.

"Don't worry wala namang nangyari sa akin eh"sabi ko.

"Buti naman. Oh siya sige na. Papasok na din ako"sabi niya at pinatay na ang tawag.

Dahil nga medyo maaga pa,nagcellphone na lang muna ako sa loob ng classroom. Hindi na ako lumabas ng classroom para tumambay sa kung saan man na madalas kong ginagawa kapag wala pang masyadong tao sa classroom namin. Isa-isa na ring dumadating ang mga kaklase ko sa paglipas ng oras pero wala pa din ang mga kaibigan kong hinihintay ko. Isa rin kasi sa rason kung bakit ako maagang pumasok para makausap sila.

"Kate puwede ba kita makausap?"agad kong tanong nang makita kong dumating silang dalawa ni Kyla.

"Nga pala Kyla,may assignment ka na ba sa Math? Pakopya naman ako"hindi niya ako pinansin at dire-direcho siyang naglakad at nilagpasan ako. Imbes na ilagay niya ang bag niya sa upuan sa tabi ko kung saan siya nakaupo,nilagay niya ito sa puwesto ni Sky na kasunod naman ng upuan ni Kyla at doon na nila sinimulan ang pagkokopyahan.

"Ano hindi ka pa din ba pinapansin?"tanong sa akin nang kakarating na si Sky. Umupo siya sa tabi ko. Marahil alam na niya na ayaw akong makatabi ngayon ni Kate.

"Oo eh"sabi ko.

"Hays intidihin mo na lang sila. Nag-aalala kasi talaga sila sa'yo kaya ganyan"sabi ko.

"Kaya nga gusto ko sila makausap. Alam ko naman nang may mali ako kaya nakikipag-ayos na ako"mahinang sabi ko kay Sky,baka kasi marinig ni Kate at kung ano pang isipin.

"Try mo na lang ulit mamaya. Nga pala may assignment ka na sa Math? Pakopya naman"sabi niya.

"Oh eto"sabi ko sabay abot ng notebook ko. Hinayaan ko na lang siyang kopyahin ang assignment ko habang ako naman ay nag-iisip kung pano kakausapin mamaya si Kate.

Hanggang sa dumating na yung teacher namin,hindi ko pa din nakakausap si Kate. Halos kadikit ko lang naman siya pero hindi ko magawa. Nagfocus na lang muna ako sa lesson na itinuturo sa amin hanggang sa tumunog na ang bell,tanda na recess na namin. Kakausapin ko na sana si Kate kaso agad siyang tumayo at inaya na sila Kyla at ang kambal at sabay-sabay na silang lumabas para magrecess.

"Ano,di ka ba tatayo diyan?"tanong sa akin ni Sky.

"Hindi na siguro ako magrerecess. Magiging awkward lang sa table natin"sabi ko sa kanya.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon