Unexpected 24

57 12 1
                                    

Ayann's POV

"Bye ma. Alis na po ako. Kanina pa ata nag aantay si Kheaan sa labas"sabi ko kay Mama.

"Ah ganun ba? Bat di mo man lang pinapasok si Kheean? Tong batang talaga to oh"sabi niya.

"Ihhhh. Uubusin lang nun yung pagkain natin Ma eh. By the way aalis pala ako sa Sabado ma. Gagawa po kasi kami reporting"sabi ko.

"Saan kayo gagawa?"tanong niya.

"Ah sa bahay ng kaklase ko. Sa may Subdivision City"sabi ko.

"Oh sige. Mag iiwan na lang ako ng pera bago umalis"sabi nito.

"Naku kahit wag na po ma. May pera pa naman ako. Tago mo na lang ma. Baka sakaling kailanganin mo yan"sabi ko rito.

"Tsss. Hayaan mo na. Malaki yung comission ko kaya wag kang mag alala"nakangiting sabi ni mama na parang nagpapahiwatig na "sige na tanggapin mo na"

"Okay po ma. Sige na po. Alis na ako. Baka inip na don si Kheean sa kotse niya"sabi ko.

"Sige anak ikaw kase ayaw mo pa papasukin. Ingat. Pakisabi kay Kheean dahan dahan sa pagdadrive at baka kung anong masamang mangyari sa prinsesa ko"natatawang sabi ni mama.

Natatawa akong lumabas ng bahay namin. Paglabas ko ng bahay,nakita kong nakaparada ang kotse ni Kheean sa tapat ng bahay namin. Lumapit na ako at kumatok doon. Binuksan niya ito at pumasok na kaagad ako.

"Good morning!!"bati ko sa kanya pagkapasok ko. Sinuot ko na ang seatbelt.

"Weird.. ang saya mo ata ah? Good mood? Anong meron?"tanong niya. Nagumpisa na siya sa pagdadrive.

"Ah wala naman. Masama bang maging masaya ngayon. Ang ganda ganda ng araw oh. Kaya walang dahilan para maging malungkot"sabi ko.

Wala naman talagang dahilan. Wala ito. Halos magdamag lang naman kaming nagchat ni Abraham. And take note siya pa ang unang nagchat. Kaya wala lang to. Wala lang talaga. Natural mode ko lang toh oh.

Kaya nga lang,yung tungkol sa reporting namin yung napag usapan namin. Kung paano namin ito mapepresent ng maganda at maayos. Nagpalitan din kami ng ideas about sa strategy at dahil sa dami ng strategies na naisip namin,inabot nga kami ng magdamag. Kahit sabihin nating about sa school lang at wala namang something personal sa conversation namin,okay pa din yun. Diyan naman kasi yun nagsisimula hahaha.

"You're really weird. Kanina ka pa dyan nakangiti habang nakatingin sa labas. Wala naman nakakatawa sa labas ah"sabi ni Kheean

"Hay nako Kheean. Dami mong napapansin. Ano ka ba?! Natural mode ko lang to oh. Ako lang toh. Magdrive ka na nga lang dyan"sabi ko.

"No. There's really something weird. By the way ano nga pala ginawa mo kahapon kaya maaga ka? Naputol kasi yung pagkuwento ni Kyla"pag uusisa niya sa nangyari kahapon.

"Naku wag kang magpapaniwala kay Kyla. Kaya ako pumasok ng maaga kahapon para maglinis sa SSG Office. Cleaners kasi ako doon"sabi ko. Tumango tango na lang siya.

Hindi na siya nagtanong hanggang makarating kami sa school.

'Nice mukha namang naniwala. Buti naman'

Bumaba na kaming kotse niya at sabay na naglakad papasok sa school. Binati kami ng guard at binati ko iyon pabalik. Si Kheean naman ay deadma lang. Apakasungit talaga kahit kailan.

Pinauna ko nang maglakad si Kheean papuntan building namin kasi pupunta pa ako ng locker ko dahil may kukunin. Mukhang wala naman siyang may pake,kasi dire-diretso lang ang lakad niya papunta ng building namin. Ako naman ay tinahak ang ibang daan papunta ng locker ko.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon