Unexpected 25

66 11 5
                                    

Ayann's POV

"Hey Ayann sabay na tayo papuntang office"narinig kong sabi ni Abraham sa likod ko. Nag aayos na ako mga gamit ko ngayon.

Nakaalis na ang mga kaibigan ko at nagsipagpuntahan na sila sa mga clubhouse nila.

"Ay sige tara"sabi ko. Syempre si crush na yan. Magdadalawang isip pa ba ako?! Syempre hindi!!!

"Ay grabe walang pagdadalawang isip?!"napatigil ako kaagad sa sinabi niya.

"Joke lang hahaha. Tara na"sabi niya. Tumawa na lang din ako sa kanya.

"By the way may meeting we have meeting pala later. I just don't know what is all about"sabi ni Abraham.

Naglalakad na kami ngayon papuntang office.

"Oh okay. Nakaready naman ako sa paglista ng mga pag uusapan natin"sabi ko.

Nginitian niya na lang ako. Napatulala na lang ako sa kanya dahil doon. Shet bat ganon?! Parang tumigal yung paligid?! Bat parang kami lang dalawa ang tao dito?

Ayos na sana at ang perfect na ng moment kaso bigla lang tumunog ang cellphone ko. Leche sino bang tumatawag.?!! Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko habang naglalakad kami para tingnan kung sino ang tumatawag. Nang makita kong si Kheean ang tumatawag,hinayaan ko na lang iyon at hindi sinagot.

"Hey why you didn't answer the call? Baka emergency yun"sabi ni Abraham nang makita yung ginawa ko.

"Naku hayaan mo na yun. Si Kheean lang yun. Yung kaibigan ko"sabi ko at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin at enjoy na enjoy ko na iyon kahit hindi kami nag uusap,muli na namang tumunog ang cellphone ko.

Aaarghhh!! Kahit kailan talaga Kheean!! Panira ka ng moment!!!!

"Hey you can answer the call. I won't mind. Di naman ako chismoso eh hahaha"sabi niya nang marinig na tumunog na naman ang cellphone ko.

Alinlangan man ako sa pagsagot ng tawag,kinuha ko pa din ang phone ko at sinagot iyon.

"Hello Kheean"sabi ko.

"Hey Ayann. Bat di mo sinagot tawag ko kanina"tanong niya.

"Tss. Di ko napansin. Nakasilent kasi ako"sabi ko.

"Ahh okay"sabi niya.

"Bat ka ba tumawag?"tanong ko.

"I'm just checking on you. And pinapaalala ko lang yung mamaya"sabi niya.

"Oo na. Alam ko. No need to remind. Tsaka wag OA. Wala pa ngang uwian oh! Sige na.. papunta pa ako ng SSG Office eh"sabi ko.

"Okay sige. See you"sabi niya.

"See yah"sabi ko sabay patay na ng tawag.

"Alam mo kung hindi mo man lang nasabi sa akin na best friends kayo nung taga section 5. Aakalain kong mag on kayo"nagulat ako ng magsalita si Abraham. Andito pa pala siya. Ang akala ko kasi ay nauna na siya sa office.

"Huh? Talaga? Ganun din mga kaibigan ko pero seriously bakit nakikita nyo kami bilang mag on?!"tanong ko. Halos lahat kasi ng tao yun ang sinasabi namin.

"Well tuwing kasama mo kasi sya. It feels like you're always guarded. You look like a shining diamond who can't be touch by the miners because you are coated by a hard stone. Parang lagi syang nakabantay sayo. Then just like awhile ago. He always check on you. Parang kang precious gem for him"sabi ni Abraham.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon