Unexpected 30

69 13 1
                                    

Ayann's POV

So ayun nga tinotoo ni Abraham ang sinabi nya na hatid sundo niya ako. Actually,wala namang bago doon dahil yun naman talaga ang ginagawa niya. Well except lang pag nagtatampo siya.

Pero ang ikinaloka ko ay,paglabas ko ng bahay hindi lang siya ang nandoon. Andoon din ang mga Unicorns. Nakasakay sila lahat sa sasakyan ng kambal.

"Oh mga tih,anong ginagawa nyo dito?"tanong ko sa kanila.

"Eh ano pa ba? Edi susunduin ka namin. Syempre hindi kami papayag na si Kheean lang ang magbabantay sa'yo no. Dapat kami din"sabi ni Kyla.

"Pero hindi niyo naman kailangang sumama sa pagsundo. Masasayang lang oras niyo. Imbis na nasa school na kayo,eh andito pa kayo nag aantay sa akin"sabi ko sa kanila.

"Ano ka ba gurl. Nakakasakit ka na ng feelings ah. Pwede mo namang sabihing si Kheean lang ang gusto mong magsundo sa'yo eh. Hindi mo na namang kailangang ipagtabuyan kami no. Nakakasakit ka ng damdamin you know"sabi ni Kate.

"Che ang drama mo Kate. Oh kamusta na yung pakiramdam mo Ayann,okay ka na ba?"tanong ni Sky.

"Ahh oo. Di naman ganun kalala yun nangyari kahapon. Nabukulan lang ako at nabasa. Haha"sabi ko.

"Sorry pala at hindi na ako nakasunod sa inyo kahapon. May  ginawa kasi akong emergency"paghihingi ng paumanhin ni Sky.

"Ano ka ba. Okay ka lang yun. Naiintindihan  ko naman. By the way salamat sa inyong lahat ah. Buti na lang andyan kayo sa tabi ko. Eh pano na lang kung wala kayo? Saan na lang ako pupulutin? Kaya salamat talaga"sincere na paghingi ko ng salamat sa kanila.

"Awww. Nakakatouch naman. Group hug!!"sabi ni Jin.

At wala na akong nagawa dahil naipit na nila akong lima dahil sa group hug. Aww I really love them..

"Oh tama na yan. Malalate na tayo"sabi ni Kheean sa amin.

"Wehhh ang KJ!! Sige na nga sumakay ka na dun kay Kheean. I mean sa kotse nya hahaha"sabi ni Jim.

"Apakabastos naman ng bunganga mo bakla"sabi sa kanya ng kambal niya.

Sumakay na sila sa van ng kambal at ako naman ay dumiretso na sa kotse ni Kheean.

"So lets go?"tanong ni Kheean.

"Malamang malalate na nga tayo sabi mo diba?"sabi ko sa kanya.

"Hindi naman haha. Buti pa nga tinulungan na kita eh. If I know gusto mo nang kumawala sa group hug kanina dahil ipit na ipit ka na hahaha"sabi niya.

"Oy hindi sa ganun ah haaha. Pero thank you sa concern nyo"sabi ko.

"Ano ka ba. Syempre malakas ka sa amin. Lalo na sa akin"sabi ni Kheean.

"Che oh sya magdrive ka na dyan at nang makarating na tayo sa school. Nauna na yung van nila oh"sabi ko.

Ngumiti na lang siya at nagumpisa na sa pagdadrive. Mabilis lang kaming nakarating sa school. Pagdating namin doon,nag aantay sa amin ang mga kaibigan ko.

"Oh bat di pa kayo pumasok sa loob? Inantay nyo pa talaga kami"sabi ko sa kanila.

"Oo naman para sure kami na dito ka talaga dadalhin ni Kheean. Hahaha joke lang"sabi ni Kyla.

"Ewan ko sa inyo tara na nga"sabi ko.

Pumasok na kaming lahat sa school.

"Oh here come's the most ambitious person in the world!"bungad sa amin ng isang babae sa may lobby. Ka year level namin siya at hindi lang siya nag iisa may kasama pa siyang dalawang babae.Actually kaklase sila ni Kheean.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon