Unexpected 15

70 12 0
                                    

Ayann's POV

Hanggang makarating ako sa room namin,di pa din maalis sa labi yung ngiti ko dahil sa note na iyon. Kung marahil sa iba ay simpleng note lang iyon. Pwes sa akin hindi. Galing lang naman iyon kay Abraham Cross. Kay Abraham Cross na ultimate crush ko. Kyahhhhh!!!!

Thank you po lord dahil nagtransfer si Joy. Di ko po maexplain yung saya ko ngayon. Kung ano man po ang ginawa kong kabutihan sa past life ko para madeserve itong nangyayari sa akin ay hihigitan ko pa ngayon. Hanggang sa future life ko lord. Thank you thank you talaga ng marami.

Pumasok na akong room at pansin ko wala pa ang teacher namin. Wala pa din doon sa room si Abraham. Nakangiti pa din akong umupo sa upuan ko. Napansin siguro ng mga kaibigan ko yung ngiti ko kaya ngayon ay para akong nasa hot seat ng isang talkshow.

"Anong meron teh? Bat ka nakangiti?"tanong ni Sky.

"Huh? Bakit? Masama bang ngumiti?"tanong ko.

"Huwag mo kaming pinipilosopo Ayann ah. Baka masampal kita"sabi ni Kate sa akin.

Napansin ata nung tatlo sa kabila na nagtatalk show kaming tatlo dito kaya tumayo sila at nakisali sa amin.

"Ay anong meron? Bat parang nasa hot seat si Ayann?"tanong ni Kyla.

"Ewan ko dyan. Pagkagaling lang sa SSG office eh todo ngiti na kaagad"sabi ni Kate sa kaniya.

"So anong dahilan ng mga ngiti mo Ayann?"tanong ni Jin sa akin.

"Ano ba? Wala lang toh. Masama ba talagang ngumiti?"sabi ko. Ayoko munang sabihin sa kanila kasi baka pagsinabi ko ay magtitili tung limang to at malaman pa nung dalawang pinsan ni Abraham sa likod namin na crush ko yung pinsan nila.

"Nasampal ka na teh? Dalian mo na kasi. Di ka namin titigilan"sabi ni Jim.

"Eto eto na. May nakita akong note sa table ko sa office kanina. Galing ata kay Abraham"sabi ko.

"Weh? Pano mo nasabi sa kanya galing iyon?"tanong ni Kyla.

"May initials na "A.C." eh siya lang naman meron nun sa office"sabi ko.

"OMG!!!!!!"sabay sabay na tili nila.

"Huy manahimik nga kayo. Pinagtitinginan na tayo"saway ko sa kanila.

"Its a start na gurl. Baka may gusto na si Abraham sa iyo. Wahh"sabi ni Kate.

"Shhh. Quiet. Mamaya marinig ka nung mga pinsan niya sa likod"sabi ko. Nilingon naman namin ang dalawa sa likod at nakita naming natutulog sila habang nakasuksok sa magkabilang tenga ang kaniya kaniya nilang earphones.

Maya maya dumating na yung teacher namin. Sa kalagitnaan ng pagtuturo niya,biglang dumating si Abraham.

"Hmm. Tila'y nakalimutan mo atang tapos na ang oras para sa pananghalian at nahuli ka sa aking klase,Ginoong Abraham?"bungad sa kanya ni Sir.

"Paumanhin po sa pagiging huli ko sa klase. May ipinagawa ho kasi sa akin ni Binibing Shyantal sa aming opisina kaya ako'y nahuli. Hindi na po mauulit"sabi nito.

"Oh siya. Maupo ka na. Huwag lang itong mauulit. Dahil ayoko ng may huling dumadatin sa klase ko"sabi ni Sir Jermaine at bumalik sa pagtuturo.

Naging mabilis lang ang afternoon class namin. Kasingbilis ng relasyon nyo ng ex mo. Chos hahahaha. Wala naman kasi kaming masyadong ginawa sa Filipino. Lesson lang. Talak dito talak doon. Ganun din sa MAPEH namin.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon