Epilogue

69 7 1
                                    

Ayann's POV

"How about these one?" tanong ni Isaiah bago kinuha ang spaghetti pack.

"Ano ba Isaiah. Ang dami na ng pinamimili natin oh. Eh ikaw lang naman tao sa condo mo" saway ko sa kanya

Andito kami sa isang grocery store at namimili ng stocks ni Isaiah para sa condo nya. One week na din ang lumipas simula noong maging kami officially. Halos sa condo niya din ako natutulog, buti na lang hindi ako hinanahap nila mama. Basta ang sinabi ko na lang sa kanila na nakikipag bonding ako kila Sky at sa kaniya nakikitulog. Hanggang ngayon wala pa ding nakakaalam sa kanila na kami na ni Isaiah.

"Sino nagsabing mag-isa lang ako doon? Kasama kaya kita doon"

"Sira. Uuwi ako mamaya sa bahay. Mamaya hinahanap na ako nila mama"

"Hindi yan. For sure matutuwa pa sila kapag sa akin ka na tumira" malapit sa tenga ko niya iyon sinabi.

"Isaiah! " saway ko sa kanya.

"Ahh how I love when you say my name. Ang sarap sa pandinig especially when you moan my name" bulong niya sa akin.

"Kabastusan mo" kinuha ko iyong isang spaghetti pack saka hinampas sa ulo niya. 

Kaya naman hanggang ngayon na kumakain na kami sa restaurant eh kamot siya ng kamot sa ulo niya dahil masakit daw.

"Alam mo masyado na akong nabubogbog sa iyo" reklamo niya habang kumakain kami.

"Deserve mo yan. Kung ano ano kasing pinagsasabi mo sa akin"

"Eh totoo naman.Ang harsh mo sa akin samantalang I was gentle to you last night" biro niya na naman. Kukunin ko na sana yung bread knife para isaksak sa kanya kaso nakuha ang atensyon ko ng cellphone ko.

Kinuha ko iyon at may natanggap akong message galing kay Abraham. Birthday daw ngayon ni Vanya at isusurprise namin siya.

"Nakatanggap ka din?" tanong ni Isaiah.

"Yeah" sagot ko. Tinapos na namin ang pagkain namin saka kami bumalik sa condo ni Isaiah para doon magpalit ng damit.

Nang makapag-ayos na kami, agad naman kaming umalis sa condo nya. Tinatahak namin ang isang hindi familiar na daanan. Maybe bagong subdivision.

"Dito na ba tayo?" tanong ko ng tumigil ang sasakyan. Nasa tapat kami ng isang bahay.

"Oo,tara baba na tayo" sabi niya kaya bumaba na din ako.

"Sure ka bang dito talaga? Bat parang wala man lang katao tao? Where are their cars?"

"Ganun talaga. Siyempre isusurprise nila si Vanya kaya baka sa ibang part sila nagpark"

Sabagay may point sya. Naunang maglakad si Isaiah kaya naman sumunod ako. Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at biglang....

Isaiah's POV

"SURPRISE!!!!" nagulat si Ayann nang buksan ko ang pintuan. Para talaga sa kanya ang surprise na ito at kinuntsaba ko lang ang mga kaibigan namin at magulang niya.

"Wait akala ko ba para kay Vanya ang surprise na ito?"gulat nyang tanong.

"Ano ka ba Ayann. Last month pa yung birthday ko" natatawang sabi ni Vanya.

"Ang daya nyo!!!" nilapitan siya ng mga kaibigan nya.

"Good luck bro" sabi ni Kheean sa akin bago may inaabot sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya at tinapik niya lang ang braso ko.

"Ayannry San Agustin or should I call you Ayannry Cross" panimula ko. Sa akin napunta ang atensyon ng lahat.

"Alam ko masyadong maaga itong gagawin ko. Actually late na nga ito kasi dapat dati ko pa ito ginawa pero I make sure muna na stable tayo bago gawin ito.  I even make sure na tapos na itong bahay. Yeah pinagawa ko itong bahay na ito para sa atin..

"I know Ayann marami nang dumaan sa atin. Mga unexpected na pangyayari. Muntikan tayo maging magkapatid. Thankfully dininig ang dasal ko haha. Muntik ko nang maging tatay ang papa mo pero sa tingin ko pwede pa din naman eh. If you will let me" inilabas ko na ang box ng singsing sa bulsa ko bago lumuhod

"Anong ginagawa mo Isaiah?" naiiyak na tanong ni Ayann.

"Will you marry me Ayann? Will you let me to experience more unexpected happenings with you?" nanginginig kong tanong.

"Yes Isaiah. Yes! I will marry you" sagor niya. Agad kong isinuot sa kanya ang singsing bago ko siya hinalikan. Narinig pa namin magpalakpakan ang mga taong kasama namin sa bahay.

"I love you, Ayann" naiiyak kong sabi

"I love you too, Isaiah"

Ayann's POV

Nakangiti kong tiningnan ang singsing na suot ko.  Grabe sinong mag eexpect na aabot kami sa puntong ito. Muntikan na kaming maging magkapatid at ngayon ikakasal na kami. Expect the unexepected nga talaga

"Hey anong nginingiti mo diyan?" tanong ni Isaiah. Galing lang siya sa shower at nagpapatuyo ng buhok. Andito kami ngayong dalawa sa kwarto namin sa sarili naming bahay.

"Wala. Ang ganda kasi nitong singsing"

"So iyan na ang pagtutuunan mo ng pansin? Eh paano na ako" humiga na siya sa kama.

"Selos ka na niyan?" sabi ko bago siya niyakap.

"Hindi naman, ako naman kasi nagbigay niyan sa iyo"

"Grabe no. I didn't really expected na aabot tayo sa ganitong point. Imagine muntikan na tayong maging magkapatid?" natawa pa ako.

"Kahit ako eh. Pero hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga ay iyong magiging future namin. Handa akong harapin ang mga paparating na mga unexpected na mga bagay basta't kasama kita"

"Ako din,Isaiah. Handa na sa mga mangyayari pang unexpected happenings dahil kasama na kita"

"I love you Ayannry Cross-Fernandez"

"I love you, too, Isaiah Fernandez"

Again we kissed each other until we found ourselves both naked under the blanket of our bed, both ready for the unexpected happenings in the future of our lives.

The End.....

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon