Unexpected 3

122 16 9
                                    

Ayann's POV

Maaga akong nagising ngayon kasi first day namin ngayon as 4TH YEAR!!! Yess!!! Sa wakas eto na ang last year namin as high school. Naging excited tuloy ako kung ano kayang mangyayari sa college life ko kasi new face at environment. At the same time medyo malungkot kasi for sure magkakaiba na kami ng school ng mga kaibigan ko at magiging busy na. Hindi ko na makikita ang mga mukha na nakasanayan ko. Pero matagal pa naman ang 1 year eh. Maeenjoy pa namin ang bonding namin.

Hays bat ako nagmomonologue dito. Baka mamaya malate pa ako. Hahahaha.

Pumasok na ako sa banyo para maligo at maging fresh. Syempre first day kaya dapat fresh. Tapos pag ka next day pwede nang maging haggard. Chos hahaha. Dapat fresh pa din.

Pagkatapos kong maligo,lumabas na ako ng banyo para magbihis. So ngayon lalaki ang peg natin kasi kahit ladlad ako pang lalaki pa din ang uniform ko.

Pagkatapos kong magbihis,umupo ako sa vanity table ko. Taray noh? May pa vanity table. Sinuklay ko ang buhok ko na medyo mahaba. Habang nagsusuklay,kinuha ko ang pouch ko sa bag ko. Binuksan ko ito at kinuha ang mga cosmetics ko hahaha. Susubukan ko ngayon yung "first day of school look"na napanood ko sa sinusubaybayan kong vlogging channel. Naglagay ako ng very very light na cheek tint sa mukha at binlend ko ito gamit ang daliri. Nang medyo magmukhang natural lang siya, naglagay na ako ng face powder sa mukha ko. And for the last naglagay ako ng liptint sa kilay ko. Chosss. Syempre sa labi ko. Hindi ako gumagamit ng eyebrow pencil kasi makapal na ang kilay ko. So ayun na charaaaan. Tapos na ang look mo for today. Salamat sa idol kong vlogger na si Queen Rovic. Subscribe nyo ang YouTube channel niya ah. Just search "QUEENROVIC VLOGS"

Pagkatapos kong mag ayos,lumabas na ako ng kwarto ko. Naabutan ko si mama na kumakain na.

"Good morning ma"

"Good morning anak. Oh umupo ka na at kumain"

Kumuha na ako ng pinggan at umupo sa tapat ni mama. Nag umpisa na din akong kumain.

"Ganda mo ngayon nak ah"

"Well kanino pa ba ako magmamana ma? Edi sayo"

"Baka nagpapaligaw ka na anak ah! Naku unahin mo ang pag aaral"

"Ma naman eh!! Wala namang nanliligaw sa akin. Alam mo namang focus ako sa studies ko diba?"

"Tama yan Ayann. Oh sya alis na ako. Baka malate pa ako ah. Ilock mo ang pintuan. Bunutin ang dapat bunutin. Ang ilaw patayin. Ingat sa pagpasok ah,"sabi nya sabay tayo at dala ng pinagkainan nya sa lababo.

"Ma alam ko na ang gagawin. Ingat din sa pagpasok ma,"sabi ko sa kanya.

Lumabas na sya ng bahay at ako naman at patuloy na kumain. Pagkatapos kong kumain, dinala ko ang pinagkainan ko sa lababo at hinugasan.

Tiningnan ko ang orasan at quarter to 7 pa lang naman. Wala pa naman si Kheean dahil siguro medyo maaga pa.

Umupo muna ako sa sala at nanood ng palabas. Nawili ako sa kakapanood ng palabas. Di ko namalayan na 7:25 na. Wah!!!! 5 minutes na lang first period na namin. Wah!!! Wala pa din si Kheean.

Tinawagan ko na siya para malaman ko kung asan na sya. Ayun!! Ringing na....

"Hello???,"parang inaantok niyang sagot.

"Hoy Kheean asan ka na?????. Maya maya time na!!!!"

"Huh? Bagong gising pa lang ako. Eh"

"What???? Kakagising mo lang??"

"Oo sorry talaga. Sorry ah eto maliligo na ako. Hintayin mo lang ako ah"

"Oo nga ano pa ba?"

"Sorry ah. Sorry talaga. Maliligo na ako."

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon