Ayann's POV
Medyo naging balisa ako sa mga sumunod na araw. Napuno ang utak ko nang idea at imagination kung paano at ano ang mangyayari sa oras na nameet ko na ang magulang ni Isiah. Lalo na't Friday na ngayon at bukas ay Sabado na. Hindi ko pa alam kung anong susuotin ko. Kung anong dadalhin ko. Kahit sasabihin ko hindi ko din alam. Kinakabahan talaga ako dahil it's my first time na makita ang magulang niya. I mean nakikita at nakakasalubong ang mommy ni Isaiah lalo na't principal namin siya pero nung mga panahong iyon, simpleng estudyante lang ako. Habang ang daddy naman ni Isaiah ay hindi ko pa namimeet at sa kanya talaga ako kinakabahan lalo na't sabi ni Isaiah ay hindi sila close. Baka mamaya masungit pala iyon. Ano kayang magiging reaction niya lalo na't ang unico hijo niya ay nagkakagusto sa katulad ko. Hays naiistress na ako!!!
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa stress at kabang nararamdaman ko.
"Lalim nun Ayann ah" sabi ni Sky.
"Buti naabot mo" pangbabara ko sa kanya.
Andito kami ngayon sa canteen dahil recess na namin. Kaming dalawa ang naiwan sa table habang yung apat kasama si Isaiah at ang boyfriend niyang si Kheean ay nasa pila at bumibili ng pagkain.
"Leche di ako nakikipagbiruan"
"Ako din naman Sky"
"Isa pang pambabara, sasampalin na kita. Ano bang problema sa iyo" tanong niya.
"Wala naman akong problema. Okay lang ako. Oh look at me?" ngumiti pa ako sa kanya para mapaniwalang okay ako kahit hindi naman.
"Huwag ako Ayann. Kilala kita. Alam ko kapag may problema ka o wala. Yung lalim pa lang ng paghinga mo kanina, sign na yun na may iniisip ka"
"Ganon na ba kahalata?"
"Oo. So now speak?"
"Ganito kasi yun. Gusto daw ako mameet ng parents ni Isaiah bukas"
"Hey that's great"
"Paano naging great yun? Nakakaba kaya. Paano if hindi nila ako magustuhan?"
"Ano ka ba it's normal. Ganyan din ang naramdaman ko nung imemeet ko sila tita Samantha"
"Wait.. what?? Nameet mo na sila?"
"Yeah haha. Ang kulit nga ni Ken pero huwag mong ibahin ang usapan sa iyo tayo. Alam mo it's normal lang na makaramdam ka ng kaba kasi siyempre parents iyan ni Isaiah tapos hindi pa naman kayo pero just be yourself lang okay. Alam ko makikita din nila ang nakita sa iyo ni Isaiah at matatanggap ka nila"payo sa akin ni Sky.
"Hays hindi ko talaga maiwasang kabahan, Sky"
"At bakit ka naman kinakabaha Ayann, huh?" tanong ng kakarating lang na si Kate. Kasunod niya ang mga kasama namin.
Isa-isa na silang umupo at siyempre sa tabi ko umupo si Isaiah.
"So ano nga, Ayann? Bakit ka kinakabahan?" tanong ulit ni Kate.
"Kasi ganito yan, imemeet niya daw kasi magulang ni Isaiah bukas"
"Wait for real?! Totoo ba Isaiah?"tanong ni Kyla kay Isaiah.
Tumango lang si Isaiah bilang sagot.
"Ang taray ah. Walang label pero may pameet with the parents na" sabi ni Jin.
"True kaloka. Baka mamaya magboyfriend pa lang may pamamanhikan nang maganap hahaha" sabi ni Jim. Nag-apir pa silang magkambal.
"Oh bakit mukha kang problemado?" tanong ni Kate.
"Kinakabahan kasi ako" sagot ko. Napalingon sa akin si Isaiah.
"Bakit naman?" tanong ni Kyla.
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionSi Ayannry o mas kilala bilang Ayann ay isang normal at tipikal na gay. Mahilig siya sa mga girly na bagay. Actually lahat at ng gamit niya, pambabae. Almost everything tungkol sa kanya ay normal at parang predictable. Until one day,he met this guy...