Unexpected 49

31 5 0
                                    

Ayann's POV

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay namin.  Basta ang alam ko lang, umiyak ako ng umiyak sa gitna ng malakas na ulan hanggang sa tumila ito. Alam ko ding pinagitinginan ako ng mga tao pero parang manhid na ako dahil wala na akong pake sa kanila. Ni lamig ng hangin at ng tubig ulan na pumapatak sa akin hindi ko na naramdaman. Siguro nga masyado na akong namanhid dahil sa sobrang sakit. Hindi ko din alam kung paano nakauwi si Isaiah, ni hindi ko man lang siya nakita. Pero wala na akong pake sa kanya dahil sa sakit na dinulot niya sa akin.

Bukas na ang mga ilaw sa bahay ng makauwi ako, isa lang ang ibi sabihin, andon na si mama.  Pinunasan ko muna ang tumtulong luha sa mga mata ko bago ako pumasok ng bahay.

Nagkagulatan kami ni mama pagkapasok ko. Nagulat siya ng makita ang ayos ko habang ako naman ay nagulat ng makita ang taong kasama niya sa loob ng bahay namin. Ang daddy ni Isaiah.

"Siya ba Marry? Siya ba ang anak natin?" sabi ng daddy ni Isaiah.

"Wow!! Ang lakas naman ng loob mo para tawagin akong anak. Pagkatapos ng ilang tao" sarkastiko kong sabi.

"Ayann, ayusin mo yung pananalita mo. Tatay mo siya"

"Oo ma. Tatay ko nga siya pero nagpakatatay ba siya sa akin. Hindi ma dahil duwag siya, dahil gago siya. Dapat-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sampalin ako ni mama.

"Marry, kalma" sabi sa kanya ng kasama namin.

"Hindi Sylvester, hindi ako kakalma. Kailan ka pa natutong magsalita ng ganyan, Ayann.  Hindi kita pinalaki ng ganyan" sigaw sa akin ni mama.

"Sige ma, siya kampihan mo. Siya ang kasama mo noong naghihirap ka di'ba? Siya iyon andiyan sa tuwing naghihirap ka. Ano mister, masaya ka na?? Masaya ka na ba? Nanahimik kami ng ilang taon tapos guguluhin mo lang kami. Ilang taon ako naghanap ng tatay tapos ngayong okay na ako at hindi ko na kailangan ng kagaya mo, saka ka magpapakita? Masaya ka na ba?? Masaya ka na ba ginulo mo kami ngayon ni mam? . Okay lang sana kung yun lang eh kaso pati puso ko nagulo. Pati puso ko nabasag. Dahil iyong taong nagustuhan ko na akala ko gusto din ako, pinaglaruan lang ako. Yung taong akala ko gusto ako may malaking galit pala sa akin. Sa akin nabuhos ang galit sa iyo. Pero mukhang di ko naman masisisi si Isaiah dahil malas nga namin nagkaron kami ng tatay na kagaya mo"

"Anak, hayaan mo muna akong magpaliwanag"

"Wala akong oras para makinig sa paliwanag mo. At hindi ako si Isaiah para tawagin mong anak" sabi ko bago pumasok sa kwarto ko at agad na inilock iyon.

Narinig ko pang tawagin ako ni mama pero hindi ko na siya pinansin. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko para pansinin ko siya. Doon ko na lang binuhos lahat ng luha ko sa loob ng kwarto ko at nagkulong.

Tatlong araw na akong nakakulong sa kwarto ko. Hindi man lang ako nakaramdam ng gutom. Marahil sobrang manhid na ako. Narinig ko pa ang pagbisita sa akin ng mga kaibigan ko nang hindi ako pumasok kahapon.

"Tita, ano po bang nangyari kay Ayann? Bakit po siya absent?" rinig kong tanong ni Sky.

"Pagpasensyahan nyo na siya. May problema lang kasi siya ngayon. Ni hindi nga siya lumalabas simula nung Sabado ng gabi. Sige kausapin nyo muna siya dyan, baka sakaling makinig siya sa inyo at lumabas.

"Ayann?! Ako to si Sky. Labas ka naman diyan be" hindi ako sumagot sa kanila.

"Ayann. Ano bang problema mo? Pwede mo naman kaming kwentuhan eh. Alam mo naman andito lang kami di'ba" sabi ni Kate. Hindi ko na napigilang umiyak.

"Ayann, labas ka na dyan. Andito lang kaming mga kaibigan mo oh" sabi ni Jin.

"Ayann, labas ka na diyan, usap tayo"dagdag ni Jim pero hindi talaga ako lumabas para harapin sila.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon