Unexpected 5

97 17 2
                                    

Ayann's POV

Ring........ Ring... Ring....

Hay....6:00 am na.

Bumangon na ako pagkarinig ko sa alarm clock ko. Agad ko naman itong pinatay dahil medyo maingay na siya.

Pumunta ako sa vanity table ko para icheck ang mukha ko. Umupo ako doon habang nagtatanggal ng muta. Sinuklay ko na din ang buhok kong magulo.

Habang nagsusuklay ako, hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa mga nangyari kahapon. Ihhhhh kasi naman eh. Unang una classmates kami ni Abraham. Tapos narinig ko pang sinabi niyang maganda daw yung pangalan ko. Tas kagabi inadd niya pa ako sa Facebook. Haysss feeling ko na sa heaven ako. Yieee.

Hays teka lang. Tama muna ang landi,baka malate na naman ako ngayon.

Tumayo na ako sa upuan at pumasok sa cr. Maghuhubad na sana ako ng narealize ko na wala pala akong dalang tuwalya. Yan kasi landi pa. Hahah. Dali dali along lumabas para kunin ang tuwalya kong nakasabit sa cabinet at bumalik sa cr para maligo na.

Pagkatapos kong maligo lumabas na ako ng cr para magbihis. Nang makabihis na ako,kinuha ko ang pouch ko dahil mag aayos ako para maging fresh.

Habang nag aayos ako,may kumatok sa pintuan ko.

"Ayann,anak andito na si Kheean. Dalian mo na dyan"sabi ni Mama.

Himala ang aga ata ni Kheean ngayon ah.

"Sige po ma. Patapos na ako"

Nang makita kong maayos na ang mukha ko at mukhang tao na ako,lumabas na ako ng kuwarto ko. Naabutan ko si Kheean na prenteng nakaupo sa sofa namin habang nanonood ng TV.

"Oh Kheean aga mo ngayon ah. Kahapon anong oras ka na dumating pero ngayon wala pang ala syete andito ka na" pang aasar ko sa kanya.

"So kaya pala tinapos mo kaagad yung pag aayos mo para asarin lang ako? Haysss. Humingi na nga ng sorry kahapon eh"

"Luh siya oh haha. Tara na kain"

"Sige lang busog na ako"

"Woah?? Kheean ikaw ba talaga yan? Himala ito ah. Kahit naman busog ka sa inyo kumakain ka pa din dito eh"

"Ewan ko sayo. Dalian mo na dyan. Kumain ka na. Hintayin na lang kita sa labas."sabi niya sabay labas ng bahay.

Luh?? Anyare dun? May pag walk out pa ah. Hayss bahala na kakain na nga lang ako.

"Oh anak asan na si Kheean?"tanong sa akin ni mama. Bagong labas lang siya ng kwarto niya at mukhang paalis na siya papuntang trabaho.

"Ah nasa labas ma. Nag iinarte ata"

"Hays kayo talagang dalawa. Oh siya bilisan mo na diyang kumain. Para makaalis na kaagad kayo. Alis na ako ah"

"Sige ma ingat"

Umalis na si mama papuntang trabaho habang ako naman ay patuloy na kumain.

Kheean's POV

Hello I'm Kheean Natividad. I'm Ayann's best friend.

Andito ako ngayong sa labas at hinihintay si Ayann na matapos kumain. Nagwalk out ako kanina kunwari. Wala lang gusto ko lang siya pagtripan eh.

Kanina nang lumabas si tita,papasok na kasi siya sa trabaho. Tinanong niya ako bat ako nag walk out. Sinabi ko na pinagtitripan ko lang si Ayann. Nasabihan pa niy tuloy akong baliw hahaha.

Napatigil ako sa paglalaro ko sa cellphone nang marinig kong nagbukas na ang gate nila Ayann. Lumabas siya mula dito. Hinintay kong matapos niya itong mailock bago ako naunang sumakay sa kotse.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon