Unexpected 22

71 13 18
                                    

Ayann's POV

"Oh magtanong na kayo. Alam ko naman kanina nyo pa gustong magtanong. Basta isa isa lang"sabi ko sa mga kaibigan ko.

Naglalakad na kami pabalik ng room. Sinadya kong tumayo kaagad at maglakad palabas ng canteen pagkatapos nung scene between sa akin at kay Isaih kasi alam kong magtatanong sila tungkol doon. Minabuti ko nang dito sila magtanong kaysa doon mismo sa canteen dahil kung doon,baka magtilian pa ang mga ito.

"Ano yung ibig sabihin nung kanina?"pangunguna ni Sky sa pagtatanong.

"Edi wala. Gaya ng sabi niya thanksgiving lang iyon sa pagtututor ko sa kanya"sagot ko.

"Nag umpisa ka na pala magtutor sa kanya tas wala ka man lang kwento sa amin??"sabi ni Kate.

"Bakit kailangan pa ba iyon??"tanong ko.

"Natural!!!"sabay sabay nilang sagot.

"Ano namang ikukwento ko?"inosenteng tanong ko sa kanila.

"Edi yung mga nangyari"sabi ni Kyla.

"Wala namang special sa nangyari eh. Pumunta lang ako sa kanila. Tas ang ganda nga ng bahay nila. Tas iyon tinawag sya nung made nila sa taas. Tapos iyon bumaba siya na parang bagong gising. After nun umakyat na kami doon sa library nila at doon kami ng tutoring session"sagot ko.

"Yun lang?? Walang naganap na special?! Kilig moments??"tanong ni Jim.

"Kakasabi ko lang diba? Tsaka anong kilig moments kayo dyan? Bakit si Abraham ba sya para kiligin ako?"sabi ko.

"Eh bat ganun yung ngiti ni Isaiah sayo? Tsaka bat ganon yung ngiti mo after mong inumin yung drink?"tanong ni Jin.

"Malamang paborito ko yun kaya ako mapapangiti"sabi ko.

"Hindi eh. May something fishy talaga. Bakit may pathanksgiving kineme pang naganap eh knowing Isaiah parang wala yun sa personality niya. Mukhang hindi naman siya yung tipo ng tao na thoughtful. Tsaka nga diba masungit siya. Pero bat ganon? Alam niya yung paborito mo? For sure naman di mo nakuwento sa kanya yung mga ganoong bagay. Nakangiti pa siya sayo makipag usap?? Diba ikaw na mismo nagsabi sa amin noon na para kayong mortal na magkaaway. Na parang pag nagsama kayo parang guguho ang mundo dahil puro kayo pilosopohan. Pero kanina hindi eh. Nakangiti siya sayo. Di lang basta ngiti eh. Alam mo yung ngiti niya parang yung ngiti mo kapag kausap mo si Abraham. Yung ngiti ng isang tao kapag kausap nila yung taong gusto nila. Ganun yung ngit niya kanina eh"mahabang litanya ni Sky. Shet parang nagspeech na si bakla.

"Baka ganun talaga. Nagkamali lang tayo ng first impression sa kanya. Don't judge a book by its cover nga diba?"sabi ko.

"Look. You're defending him pa ah. Pero real talk I think may gusto si Isaiah sayo sis!!! Yieeee haba naman ng hair mo sis"sabi ni Sky.

"Hays yun may gusto sa akin? Ano ba kayo. Wag nga kayong assuming. Yung aura niya straight kaya I think hindi papatol si Isaiah sa mga tulad ko"sabi ko. Pero what if totoo nga?? Chos hahaha. Kung may gusto man ako na magkagusto sa akin,yun ay si Abraham. Siya lang ang perfect match sa akin.

"Eh diba ganon din naman yung aura ni Abraham? Straight. So it means di din sya papatol sa iyo?"sabi ni Kate.

"Che!!!"sabi ko. Tinawanan lang nila ako.

Pero hanggang ngayon di ko maintidihan si Abraham. Bigay ka siya ng bigay ng mga sweet notes sa akin pero parang wala  lang naman sa kanya pag magkasama kaming dalawa. Parang usual self lang niya. Sabagay wala naman siyang diretsahang sabi or kahit sign man lang na gusto niya din ako. Baka pang welcoming eme lang yung pa sticky notes sa table ko. Baka nga wala ng ganun ngayon.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon