Unexpected 48

32 5 2
                                    

Ayann's POV

Nang sumunod na mga araw, bumalik na sa dati si Isaiah. Naging masungit na ulit siya sa ibang tao habang sa amin ay masiyahin. Balik na din siya sa dating gawi niya na paghatid sundo sa akin. Kahit sa mga kaibigan ko ay humingi siya ng tawad dahil sa inasal niya. Sinabi niya na may problema lang kasi siya noong araw na iyon kaya mas lalo siyang masungit. Noong una ay pakipot pa ang mga kaibigan ko na kala mo naman sila talaga ang nasigawa at napaiyak ni Isaiah pero nung sinabi ni Isaiah na sagot niya na ang recess at lunch nila, mas mabilis pa sa alas kuwatro nilang pinatawad si Isaiah at hinatak papuntang canteen. Natawa na lang ako sa mga kalokohan nila.

Mas lalo na din kaming naging close ni Isaiah. Kaming dalawa lang ang nakakalam sa nangyari sa kanila at hindi ko din sinabi sa mga kaibigan ko iyon dahil hindi ko naman business iyon para ipagsabi. Balik na din sa dating gawi Isaiah. Naging maloko na ulit siya sa akin at palagi niya na ulit akong inaasar. Lagi na tuloy akong napipikon sa kanya kaya naman ang ginagawa niya eh nagpipick up line siya nang napakakorni para patawanin ako. Pero minsan kinikilig din ako sa pick up line niya.

"Hey Ayann,still there?" tanong sa akin ni Isaiah mula sa kabilang linya.

"Yeah. Andito pa ako. Sige magkuwento ka lang" sabi ko sa kanya habang nagbabasa at naghahiglights ng mga importanteng detalye sa notes ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo?"

"Nagrereview kasi ako. Baka exams na natin bukas di'ba? Dapat nga nagrereview ka na din dyan imbes na nakikipagdaldalan sa akin ngayon"

"Aww don't you want to talk with me anymore?" nilungkutan niya pa ang boses niya.

"Tampo ka na niyan? Pero seryoso kailangan mo talagang magreview. Exam na natin bukas"

"Hindi ko na kailangang mag review. I can pass the exam without reviewing"

"Yabang mo naman. Kala mo naman hindi nagpapatutor sa akin" pang-aasar ko sa kanya.

"I'm serious. I can pass the exams without reviewing. Just watch out tomorrow"

"Sige sabi mo eh. Well hindi ako kagaya mo kaya kailangan ko talagang magreview"

"Mukha nga... I think between the two of us you are the one who really needs to review"

"Yabang ah!! At bakit naman ako ang kailangang magreview, huh?" nakataas ang kilay kong tanong.

"Kailangan mong magreview para masagot mo na ako" pagbanat niya.

Hindi ako nakasagot dahil aaminin ko medyo kinilig ako doon. Buti na lang hindi kami magkaharap ngayon kundi baka kitang kita niya ang pamumula ko.

"Hey still there?" tanong niya nang hindi ako makasagot.

"Oo. Andito pa ako"

"Kinilig ka no?" pang aasar niya.

"You wish.."pagdedeny ko. Baka kasi lumaki ulo neto kapag inamin ko.

"Asus. Hindi ka nga nagsalit nung pagkatapos kong magsalita"

"Busy kasi ako sa pagrereview. Naghahilights din ako ng mga notes"

"Asus. Review daw.. Pero seriously,kailan mo ba ako sasagutin Ayann?" seryosong tanong niya. Napatigil ako sandali bago magsalita.

"Hindi ka naman nagmamadali Isaiah di'ba?"

"Nope. I just wan to know kung kailan. I'm willing to wait din naman"

"Sorry kung pinag-aantay kita but don't worry malapit na din naman. Hindi ko din naman papatagalin. Hindi naman ako babae para mag inarte at magmaganda para patagalin yung panliligaw mo"

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon