Unexpected 40

42 10 7
                                    

Ayann's POV

Ano daw ang sabi ni Isaiah? Gusto niya ako?

"Hahahaha"pinilit kong tumawa dahil baka nagbiibiro lang si Isaiah. Ginawa ko din iyon dahil baka sakaling mabagal man lang kahit kaunti ang tibok ng puso ko.

"What's funny?"naguguluhang tanong nito sa akin.

"Yung sinabi nakakatawa. Ang benta ng joke mo Isaiah. Kaloka ka"sabi ko habang nakukunwari pa ding tumatawa. Kinuha ko na din ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at pinanghawak ko pa iyon sa tiyan ko para kunwari ay tawang tawa talaga ako.

"I'm not kidding Ayann. Gusto talaga kita. I like you very much"sabi nito sa akin. Napatigil ako sa pagtawa.

'Shocks mukhang totoo talaga yung sinabi niya'

"Paano nangyari iyon at kalian pa?"tanong ko rito.

"Ewan ko. Basta simula nung nakita kita noong enrollment nagustuhan na kita"sabi nito.

"Noong enrollment? Eh bakit mo ako binangga noong araw na iyon?"tanong ko.

"Wala na akong maisip eh pero pinagsisihan ko ang araw na iyon dahil tinulungan ka ni Abraham at siya na naman ang napansin mo"sabi nito.

"Talagang mapapansin ko siya dahil matagal ko nang crush si Abraham"sabi ko rito.

"Kaya nga nainis din ako nang malaman kong gusto mo siya. Nainis din ako noong malaman kong magiging magkaklase kayo kaya naman kinausap ko si mommy na ilipat ak osa section. Nagtaka pa nga sya noong una kaya sinabi ko na gusto kita at gusto kong maging kaklase ka. Kaya ayon naging magkaklase tayo. Inilipat na lang din si Jeremiah para hindi ganoon kahalata"pagkukwento nito na ikinagulat ko.

"Ano? Alam ng mommy mo na gusto mo ako?"gulat kong tanong.

"Oo. Nagulat pa nga siya noong una dahil bakit daw kagaya mo ang nagustuhan ko pero narealize din daw niya na may sarili akong puso kaya ako ang magdedesisyon kung sino ang magugustuhan ko. Tsaka hindi lang siya ang nakakalam pati si Jeremiah at Abraham ay alam din."Nagulat ako sa sinabi nito.

'Wait don't tell me na siya yung tinutukoy ni Abraham na may gusto sa akin sa tabi-tabi. Oh noes!!!'

"Tsaka di ka ba nagtataka kung bakit sunddenly, inofferan kang magtutor sa akin sa Math? Well plinano ko iyon. Actually matagal ng gusto ni mommy na magpatutor ako sa Math dahil mahina ako dito kaso umaayaw ako. But noong nalaman kong magaling ka sa Math,pumayag na ako basta ikaw ang magtuturo. Plinano ko yun dahil baka sakaling maging close tayo"

"Plinano mo iyon? So plinano mo din bang matanggalan ako ng scholarship?"medyo napagtaasan ko siya ng boses sa tanong na iyon.

"Silly no. Actually kahit ako nagulat ng sinabi sa akin ni mommy na kaya mo tinanggap ang offer dahil kailangan mo ng pera pang tuition dahil natanggal anka ng scholarship sa di mapaliwanag na dahilan. Call me weird but after knowing what happen,nagpasalamat ako na nawalan ka ng scholar at tinanggap mo yung offerdahil finally may chance na tayong maging close"sabi nito.

'Hooh buti naman. Kala ko part din ng plano niya na tanggalan ako ng scholarship para lang matupad ang plano niya.'

"Hindi lang iyan. Naalala mo nung napunitan ka ng pants tapos binigyan ka ni Abraham ng pants,actually sa akin galing iyon. Nahihiya lang ako iabot sa iyo kaya pinaabot ko sa kanya. Nagsisi nga ako non dahil siya na naman ang napansin mo pero nang malaman kong sakto ang sukat sa iyo,okay na ako?"pagkukuwento niya.

'Ano sa kanya galing iyon?'

"Tsaka remember this phone case?"tanong nito sa akin at inilabas ang cellphone niya.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon