CHAPTER 83: The phone call

96 5 1
                                    

Fact#2: Blue is really my favorite color💙

Tzuyu's POV

Buong araw akong hindi nakinig sa klase, buong araw ko rin hindi nakita si Yugyeom, I mean... Kahapon. Kahpon kasi... Hindi siya naka uniform kaya expected na absent siya kahapon. Baka may pinuntahan? Importante ata? Ugh, just stop with those thoughts Tzuyu. You need to find a way for youto fix this.

But I'm really curious about him. Ni walang nabanggit sina JB tungkol sa kanya, parang... Walang nang yari. They still act like the ones I've known before.

"Hey, Tzuyu. Kanina ka pa naka tulala diyan. Mind to share your thoughts?" duon na ako na tauhan nang narinig kong kumatok sa lamesa ko si Jackson. Free time kami ngayon dahil wala ang teacher namin, "A-ah.. W-wala. Iniisip ko lang kasi yung long quiz bukas" pagsisinungaling ko.

"Oh, right, the quiz. How about we help each other? You know? Katulad dati may group study?" Sabi ni Jackson nung umupo sa bakanteng upoan sa harap ko. Ngumiti naman ako nun. Na alala ko yung group study namin, matagal-tagal narin kasi yun. Kumpleto at sobrang saya namin nung araw na yun.

I mean, Kumpleto parin kami ngayon. Sadyang may malaking hump lang sa amin ni Yugyeom, wich also says na parang hindi na kami ang dati Twice at Got7 na minsang tumatakas sa klase para pumunta sa secret underground headquarters.

"That's a great idea. Kaso, sa tatlong section, tayo lang ang may quiz, di katulad dati na halos lahat sasabak na sa board exam" biro ko sa kanya. Tumawa naman si Jackson at tumango "Oo nga.." sabi niya.

Sandali kaming natahimik dahil tinignan namin sina Mark, Sana atMomo na kanina pa nag de-debate sa laro nila sa notebook. Tumingin naman ako kay Jackson at may ngiti naman na naka pinta sa kanyang muka.

"Ano na? Balak mo nabang pakasalan si Momo?" tanong ko at bigla naman siya tumingin sa akin0"Lol syempre meron. Pero hindi muna ngayon. Pinag I-Ipunan ko pa yung wedding ring namin" sabi niya atagad naman akong tumawa.

"Bat nan dito ka? Diba kasali ka sa laro nila kanina?" tanong ko ulit sa kanya. Tumango siya "Yeah, but you look so lonely here. Kaya naisipan kong lapitan ka. Di kasi ako sanay na makita na hindi kayo magkasama ni Yugyeo---" napatigil naman siya at dahan-dahan na tumingin sa akin.

Nakaramdam naman ako ng lungkot pero di ko na yun pinakita sa kanya. Naka tingin lang ako sa mga kamay ko" I mean, naninibago ako pagnakita na mag-isa ang isa sa inyo. Parati ko nalangkasi kayong nakikita namag kasama eh. Ngayon... Parang nabura na ang lahat" sabi ni Jackson.

Alam kong alam na nila tungkol sa amin ni Yugyeom. Pero parang wala silang alam tungkol dito.

"Tell me... Jackson..." tawag ko at tumingin sakanya "Nasaan ba... Si Yugyeom?" mahinahon kong tanong. I really wanted to know where my dear tall guy is. Kahapon wala siya at ngayon din wala siya.

Tumingin naman si Jackson kina Mark at sa akin. He's smile fade as he showed me a sad look"I don't think this is the perfect time..." sabi niya. Gusto kong malaman pero mukang hindi kayang sabihin ni Jackson. Kaya wala akong na gawa kundi tumango nalang.

Uwian na namin ngayon at sabay-sabay na kaming nag lakad patungo sa kotse. Kaso di parin ma wala sa isip ko kung nasaan si Yugyeom. Talagang nakokonsensya ako sa nangyari.

"Grabe, gutom ako. Tapos gusto ko ng pampalamig" sabi ni Bambam habang nasa likod ng ulo ang kamay niya. Oh, Carl and Chris are here too.

"May malapit na Cafe dito. Baka gusto niyong daanan muna natin?" sabi ni Chris sabay tingin sa amin,"Well,wala namang masama kung kakain muna tayo diba?" sabi ni Jungyeon at sumang-ayon naman sila.

GOTWICE LIFE (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon