Chapter 3

5.3K 186 24
                                    

Valerie pov..

                Naka upo ako sa gilid nang kama habang marahang nagpapahid nang lotion sa mga binti ko. Panaka naka naman akong napapa sulyap sa may bathroom habang nag sha-shower ang aking asawa. Ito na siguro yung tamang timing, mukhang nasa mood ngayon si Xavier..

          "Love?" Pag huni ko. Kahit malakas ang lagaslas nang tubig sa shower, alam kong naririnig nito ako. "Love-- ano kaya kong magtrabaho na ako ulit! Ahm- naiinip kasi ako dito sa bahay eh, wala naman akong ginagawa--"

          "Ha!Ano yung sinasabi mo?" Tugon naman niya na kina hugot ko nang malalim na paghinga. "Hindi kita masyadong marinig love.. teka lang ha patapusin mo nalang muna ako dito.." Turan pa nya na kina buga ko nalang nang hangin. Isang buwan na mula nang nawala si Aaron and as I promise lagi ko itong dinadalaw sa kanyang puntod.
Medyo nabawasan na din yung pangungulila ko, may time lang na nagigising ako sa gabi at namimiss ko sya kaya iniiyak ko nalang..

            Tapos na akong maglagay nang lotion kaya tumungo na ako nang closet, naghanap nang maisusuot na na pantulog. Silk nighties ang napili ko na hanggang taas nang tuhod ang haba. Kaya hinubad ko na ang suot kong robe at di alintana ang hubad kong katawan. Hindi na ako nag abala pang mag suot nang panloob.
Sakto namang lumabas si Xavier mula sa loob nang bathroom nang naka bihis na ako, naka boxer short lang ito at matamang pinupunasan nang towel ang clean cut nitong buhok..

              "Love, ano yung sinasabi mo kanina?" Tanong nito. Tumungo muna ako sa may kama at umayos nang higa bago ako nagpasyang magsalitang muli. Naka tayo naman ito sa harapan ko habang abala parin sa pagpapatuyo nang kanyang buhok.

            "Love ano kasi-- payagan mo na akong magtrabaho ulit!" Napa ngiwi kong wika. Na kina hinto din nito sa kanyang ginagawa at seryoso itong tumitig sa aking mga mata. "Gusto ko nang bumalik sa hospital love.. hanggat hindi pa tayo nagkaka baby uli--"

              "Valerie.. alam mo naman yung paniniwala nang mga Chinese diba! Hindi ka pwedeng magtrabaho  ako, ako ang provider nang pamilyang ito.." Turan nito na kina hugot ko nang nang malalim na pag hinga.. Pamilya kami nang mga Chinese Oo kaya lang ilang generation na hindi parin naalis ang paniwalang yun! Dito na nga kami sa Pilipinas nanirahan at lumaki.
Pareho na din kaming hindi pure na Chinese dahil parehong Filipina ang mother namin.

           Nayayamot ako sa totoo lang, kailangan pa ba yun sundin!? Bumalik naman ito nang bathroom, marahil para ilagay yung ginamit nyang tuwalya doon. At pagbalik nito ay may kinakalkal sya sa may drawer..
"Love--" Pag huni kong muli. Habang nilalaro ko ang mga daliri ko sa kamay..

                 "Val... Sabihin na nating okay lang sa akin, paano sila Mommy at Daddy. I don't think papayag sila.. kaya huwag mo nalang ipilit ang gusto mo.." Buntong hininga nito. Lagi naman eh, kami nga yung mag asawa pero pag dating sa mga desisyon--- kailangan pa ba nilang maki sali!? Yung parents ko nga hindi nakiki alam, pero ang parents nito lagi nalang syang sunod sunuran..


             "Mabuti pa, magbakasyon nalang tayo.." Masiglang turan nito sabay upo sa tabi ko at doon ko lang napansin ang hawak hawak niyang dalawang plane ticket!? Para saan naman kaya yan? "Tignan mo!" Excited pa niyang sabi. Kaya kaagad ko namang kinuha iyon mula sa kanyang kamay..
Trip to Australia?
Napa awang ang labi kong nagbaling sa kanya.

              "One week yan love.  So next week? Iayos ko na ang mga schedule ko--"

           "Xavier.. kakamatay lang nang anak natin, naisipan mo pang nagpaka sarap nang ganyan!?" Kontra ko kaagad sabay balik sa palad nito ang dalawang ticket.


"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon