Chapter 50

3.8K 159 34
                                    

Valerie pov..

"Babe--" Maagap akong napa iwas nang mukha nang akmang hahalikan sana ako ni Savanna sa labi. Dahilan upang matigilan ito at nagtatanong ang mga matang napa titig sa akin.


Napa tiim ang aking bagang, para pigilan ang nagbabadyang pagbagsak nang aking mga luha. Sabay mabilis na napa iwas nang tingin.. Hindi ba dapat ako yung may karapatang magtanong!? Kung bakit sila magkasama ni Spencer!?Ex-girlfriend niya ang babaeng iyon, para sa akin hindi parin magandang idea na magkasama silang dalawa. Isa pa, minsan na akong binantaan at hinding hindi ako makakapayag..


Excited pa akong nagtungo dito, dahil may importante akong ipapamalita sa kanya.. At siguradong ikatutuwa nito nang husto. Tuloy na tuloy na ang annullment nang kasal namin ni Xavier.. Aprubado na ito nang aming family lawywer.

Pagka dating ko dito- sasakyan pa talaga ni Spencer ang makikita ko! Sino ba naman ang matutuwa sa ganun!? Awtomatikong bumilis ang tahip nang dibdib ko nang sandaling iyon.. Malakas ang kutob kong magkasama ang dalawa.


Hindi naman sa pinag-iisipan ko nang masama si Sav- may tiwala ako sa kanya lang.. Hindi ko lang maiwasang- Magselos!? Tuya ni inner self. Naninikip ang aking dibdib lalo na nang makita kong sabay silang bumaba nang sasakyan ni Savanna.. What the f-- Buong buhay ko ngayon lang ako nasaktan nang ganito.. Oo nagseselos ako!! Parang pinipiga nang husto ang aking puso. Hindi mapigil ang panginginig ang mga kamay ko sa galit. Gustong gusto ko na silang sagurin, buti at may natitira pa akong pagtitimpi..


Ni hindi ko nga alam kong papaano ako nakarating dito sa tapat nang unit ni Savanna.. Sobra akong lutang, para akong nawawala sa aking ulirat. Tapos ngayon, kung makaasta sya, pa inosenteng parang walang nangyari!? Na wala akong ka ide-ideang buong maghapon magkasama sila nang ex-girlfriend!!


"Babe.. What's wrong?" May himig nang paglalambing niyang tanong. Akmang hahawakan sana ako sa pisngi nang maagap na naman akong napa iwas. Halos buong araw silang magkasama nang babaeng yun! Argh!! Gusto ko syang sampalin sa totoo lang.. Pero hangga't kaya ko pa, magtitimpi ako. Sige lang Savanna, huwag na huwag ka lang magkakamaling pagsinungalingan ako. Kundi--


"Okay!.." Pagkuway humugot ito nang malalim na paghinga. "Buti pa sa loob na nalang tayo mag-usap. Marami akong iku-kwento saiyo." Turan pa nito pero ko parin siya kinikibo.. Talagang marami siyang ipapaliwanag sa akin! "Nakakapagod.." Palipad hangin pa nitong turan. Dahilan para maka singhap ako nang husto. Saan naman sya napagod Aber!?



Wala parin akong balak na siya ay kibuin nang binuksan na nito ang pintuan gamit ang kanyang card key.. Bigla na namang sumagi sa isip ko ang Spencer na yun! Nanggagalaiti talaga ako sa tuwing naalala ang kasiyahan sa kanyang mukha. Habang naka ngiting kinakawayan itong si Sav bago siya tuluyang pumasok sa sariling sasakyan. At sinadya ko talagang itabi doon kotse ko.


Nagpatiuna akong pumasok sa loob at hinayaan ko na siya ang nagbukas nang ilaw at magsarang muli nang pintuan.. Grabe yung kabog nang dibdib ko parang tinatambol-- Hmp.. Awtomatiko akong napa singhap nang may dalawang brasong yumapos sa akin nang sobrang higpit. Mula sa likuran at dahil doon, hindi ko na napigilan ang aking emosyon..


Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Kasabay nun ang pag hikbi nang malakas na para bang kinakapos na ako nang hangin.. "Babe- Hey, anong nangyayari saiyo?" May pagtataka sa himig nitong turan. Pagka tapos, marahan itong kumilos at masuyo akong pinaharap sa kanya.


"Nagtanong ka pa ha!" Gigil kong bigkas.. Sa sobrang galit, buong pwersa ko syang tinulak gamit ang magkabilang kamay ko. Sinadya ko talaga sa bandang sugat nito tamaam. Muntik na syang mawalan nang balanse at napa daing sa sakit. Mabilis naman akong napa iwas nang tingin.


"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon