Chapter 26

4.1K 158 30
                                    

Valerie pov..

               Hirap kong lunukin ang pagkaing nginunguya ko dahil pakiramdam ko, wala man lang ka lasa lasa. Syempre masarap ang mga nasa hapag dahil kitang kita ko namang parang gutom na gutom ang mga kasalo ko ngayon. Tahimik at mga seryosong kumakain. Pero ako wala talagang gana, ayoko lang ipahalata.

             Andito kasi kami ngayon ni Xavier sa bahay nang parents nya dahil in invite kaming mag dinner. Himala nga eh, wala namang okasyon--
"Tumatawag po ba si Sav sa inyo.?" Pag basag ni Xavier sa katahimikan. Na bigla ko nalang kina hintong kumain.

               Ilang araw na ang lumipas, mag mula nang umalis ito patungong Paris. At hanggang ngayon, hindi ko parin maiwasang mapa isip, na- dahil ba sa nangyaring pag uusap naming dalawa kaya nagpasya syang umalis?  Kahit pa sinabi ni Xavier na saglit lang si Savanna doon at naisipan lang gumala, iba yung kaba nang dibdib ko. Lalo na yung lugar na pinuntahan nya, ay nabanggit nya minsan na doon galing yung ex- nya..

              "Si Savanna, hayaan lang natin sya.. hindi ka pa ba nasanay sa kapatid mo-- kapag naboring yun dito. Nag e-explore sya kong saan nya maisipang lugar, lalo na sa mga hindi pa nya napupuntahan.." Tugon naman nang Mommy Xavier.. " Mainam na yun, mag enjoy na sya sa buhay nya bilang dalaga at kapag naka hanap na kami nang Daddy niyo nang match na lalaki para sa kanya. Alam na nya yun, hindi yun tatanggi at lalagay na sya sa tahimik. Usapan  na kasi namin yun.."

            Pasimple tuloy akong napa singhap nang sandaling marinig ang mga katagang iyon mula sa aking mother in law. Na lalo pang kina wala nang gana kong kumain..  Gaya kay Xavier, kino- control din pala nila ang buhay ni Savanna at alam nya ang bagay na yun? Biglang sumakit ang dibdib ko na isiping isa lang ako sa pinaglaruan ni Sav sa boring nyang buhay--   

          Loka, ikaw ang nagtaboy sa kanya. Ikaw ang nag udyok para sumama si Savanna sa kanyang ex-girlfriend... Biglang tuya nang isip ko na kina bagsak ko tuloy sa hawak kong tinidor sa ibabaw nang lamesa. Na kina agaw tuloy nang kanilang atensyon.. "Ahm- sorry, nadulas lang sa kamay ko.." Kaagad ko namang paliwanag. Totoo  din namang medyo madulas iyon at may kabigatan pa.

               "Sya nga pala, kaya namin kayo inaya na mag dinner dito sa bahay para kamustahin naman ang pagsasama ninyong dalawa.." Biglang nabaling tuloy sa amin ang usapan.  Katabi ko sa upuan si Xavier at naramdaman ko  ang pasimpleng  pag hawak nang palad  nito sa kanang hita ko. Alam kong may ibig sabihin na naman ang pag hawak nyang iyon. Ibig sabihin na- hayaan ko na naman na sya, na sya ang magsasalita sa harapan nang magulang nya..

            Pasimple nalang akong napa hugot nang malalim na paghinga..
"We're good Mom, Dad!" Wika nito. "Ahm- sinusubukan naming magka baby ulit--" Bigla tuloy akong napa baling sa kanyang mukha nang sandaling ito. "Ibig ko pong sabihin, gustong gusto na po namin ni Valerie na may maingay na bata sa bahay.. may sumasalubong sa akin, pag uwi ko galing trabaho.."

             Dito lang din pala papunta ang usapang ito. Alam kong ramdam na ramdam na ni Xavier ang panlalamig ko sa kanya. Dahil kahit anong pilit kong gawin, hi-hindi ko na kayang ibalik sa dati ang sarili ko. Pero sinusubukan ko parin naman, dahil naawa ako sa kanya, dahil asawa ko parin sya.. Lalo na tuwing gusto nya akong angkinin.. Pinagbibigyan ko nalang, pero kapag alam kung naka tulog na sya sa pagod- iniiyak ko nalang sa loob nang banyo ang pangungulila ko kay Savanna..

               Oo, masakit para sa akin ang biglaang pag alis nito. Pero wala naman akong mapagsabihan, wala man lang akong magpag labasan nang sakit na aking nararamdaman--

              "Valerie!" Untag sa akin nang Mommy ko Xavier na kina pitlag ko. Ewan kong napansin ba nya yun dahil naglalakbay na naman ang isip ko, pero sinikap ko paring pinakalma ang puso ko. Bago ako nag angat nang mukha at kaagad na nagsa lubong ang aming mga mata.  Seryosong seryoso ito sa pagtitig sa akin. "Huwag mo sanang pinapabayaan ang anak ko, dahil sa ngayon wala ka namang pinagkakaabalahan sa buhay--

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon