Chapter 30

4.1K 212 66
                                    

Valerie pov..

                 "Bakit hindi ka pa nag aayos dyan, anong oras na!"

                 "Love...." Marahang napahawak si Xavier sa kaliwa kong braso na kina singhap ko nang husto. Almost dinner na pero hindi parin sya kumikilos..   Samantalang ako heto at bihis na bihis na.. "Love please... Forgive me." Mabilis akong nag iwas nang tingin.

                  "Diba ang sabi ko naman sayo okay lang! Okay na Xavier...paulit ulit nalang tayo." Malumanay kong turan.

                Humarap sya sa akin pagka tapos ay napa hawak ang mga kamay nito sa magkabila kong balikat. "Alam ko, naka ilang beses na akong humingi nang tawad sayo. Paulit ulit at iisa lang ang sagot mo-- pero love.. Hindi ko ramdam.. Hindi na kita ramdam-"

                Hindi ako kumibo, bagkus ay dahan dahan kong inalis ang mga palad nitong nasa balikat ko. "Problema mo na yan Xavier.." Makahulugan kong turan. Umalis na ako sa harapan nito at tinungo ko ang life size mirror.

                    Sinipat ko ang kabuuan ko sa naturang salamin. Suot ang pulang casual dress na kaugalian nang mga Chinese kapag may mahalagang okasyon. Kailangan pula.. At dahil napaka importante nang okasyon ngayon.

                Kita ko ang muling paglapit sa akin nang aking asawa at marahang yumakap sa akin mula sa aking likuran.. Ni hindi na nagawang mag react ang aking katawan, ni hindi ako kumilos na akala moy isang tuod. Naka titig lang ako sa repleksyon namin sa salamin. Halos ayaw kumurap nang aking mga mata.

                "Gusto mo pa talagang paghintayin ang parents mo.. Lalo na ang Mommy mo!" Sa sinabi kong iyon ay bigla nalang syang napa kalas nang yakap sa akin. "Mag bihis kana at hihintayin nalang kita sa ibaba."

              

               Ni hindi ko na sya hinintay na sumagot, dinampot ko kaagad ang red purse na naka patong sa ibabaw nang kama.. Nagmarcha na ako palabas nang pintuan.

               Pagbaba ko ay seryosong napatitig si Marie sa akin. Hindi malaman kung babatiin ba nya ako o huwag nalang kibuin. "Ahm- ate.." Tikhim nito. Bakit ba parang takot na takot akong kausapin nang mga tao dito sa bahay na ito.

              Continues parin ang aking business at thank God dahil lalo pa itong lumago. Pagka lipas nang isang taong mahigit..
Marami na naman kaming orders bukas at kung hindi sa dinner na magaganap, mag over time na naman sa ako sa aking baking room.

               Sa lahat nang parte nang sulok nang bahay na ito. Sa baking room lang ako nakaka ramdam nang kapayapaan sa puso  at isip ko. Sa lahat, sa lahat lahat nang nangyari. Sa lahat nang pinagdaanan ko sa loob nang isang taon.. Gusto ko nalang manatili doon.

              
                "Ate--" May sasabihin sana si Marie pero bigla itong napa hinto nang pababa na si Xavier nang hagdanan.  Tsaka nalang pag usapan kung ano man ang gusto nyang sabihin.

                  Hindi ko na hinintay na tuluyang maka baba si Xavier nang hagdanan. Nauna na akong naglakad sa pinto at kaagad namang tumalima si banjo nang makita ako. Mabilis pa sa alas kuwatrong kumilos at binuksan ang gate.. Tumungo naman ako sa gagamitin naming sasakyan.

                    Humahangos si Xavier nang maagap akong pag buksan ang pintuan nang sasakyan. Na kahit hindi naman na kailangan, pero hindi nalang ako kumibo.. Nanatili akong walang kibo nang pareho na kaming naka pasok sa loob nang sasakyan.

                    "Love..." Ginagap nito ang kamay ko. Ano pa bang hinihintay nya at hindi pa start ang sasakyan! Ma le-late na talaga kami nito. Napa hugot tuloy ako nang malalim na paghinga.

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon