Savanna pov..
"I'm sorry Savanna.... -- hindi kita matutulungan sa bagay na yan." Rinig ko ang marahas nitong paghinga. "Pero makaka asa kang, hindi ito makaka rating kay Mr. at Mrs. Chua." Paninigurado naman nya. Kaya lang, sa ganung sagot palang- nawala na yung pag asa kong matutulungan nya ako.
"Okay po Atty.. Maraming salamat.." Magiliw ko paring tugon, kahit sa totoo lang, napapa iling nalang ako.. Hindi ko na sya hinintay na sumagot muli at tinapos ko na ang tawag.
Nanlulumo akong naupo sa sofa, sabay lapag nang phone ko sa tabi ko. Pagka tapos nun, mariing isinuklay ang mga daliri ko sa aking buhok sa sobrang frustration.
Kanino kaya ako lalapit para hihingi nang impormasyon..
Mag isip kang mabuti Savanna- napapa buga nang hanging utos ko sa aking sarili..
Kaso- Ang Atty lang nang pamilyang ito ang pag asa ko. Sya kasi ang nag-ayos lahat nang papeles ko, para legal ang pag adopt sa akin nang nakagisnan kong magulang.
Ang nakagisnan kong pamilya na pakiramdam ko ngayon ko palang sila nakikilala nang lubos. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kong dati- gusto ko lang malaman kong sino ba ang totoo kong magulang. Pero ngayon--
Naihilamos ko ang dalawa kong palad sa aking mukha.. Hindi ko na alam kong sino pa ang dapat kong pagkatiwalaan..
No choice- kailangan ko na yatang mag hire nang private investigator. Kaya lang-- baka hindi ko pa nahahanapan ang totoo kong mga magulang ubos na ang pera ko.
Si Valerie-- awtomatiko ang pagbilis nang tibok nang puso ko.. Isa pang inaalala ko. Kamusta na kaya sya? Sana maayos lang ang lagay nito. Mag isang linggo na din mula nang huli kaming magkita at pagka tapos ko syang ihatid sa bahay nila ni kuya- wala pa akong balita.
May tiwala ako sayo Vale... Hugot ko nang malalim na paghinga. Hindi ko lang maiwasang hindi mag aalala sa kanya.. Wala pa kasi syang message kahit isa man lang sana.
Ilang beses ko syang tinangkang tawagan, kaso- inaasikaso ko pa kasi yung paghahanap sa parents ko.
Paano ko kaya makukumbinse si Atty Laguisma--
Natigilan ako nang biglang may nag buzzer sa labas sa tapat nang pintuan ko. Nag check ako nang oras sa phone ko at alas tress na pala nang hapon. Ni hindi pa ako naglunch.
Tumunog muli yung doorbell kaya naman napa tayo na ako at tamad na tamad kong tinungo ang pintuan. Sino naman kaya ang naka alalang puntahan ako--
Vale'.. Nakaramdam ako nang excitement nang sandaling si Valerie ang unang sumagi sa isip ko. Wala tuloy sa loob ko nang basta ko nalang binuksan ang pintuan.
"Savanna..." Naka ngiti at prenteng naka tayo ngayon sa harapan ko-- at kina lunok ko nang sandaling ito.
"K-kuya Xavier.." Bigla akong nakaramdam nang matinding kaba nang sandaling nagtama ang aming mga mata. Pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at pinilit kong ngumiti nang maayos sa harapan nito.
"Hey, little sis.." Bati naman nyang muli. Pasimple pa akong nakamasid nang ilagay nito ang kanyang mga kamay sa bulsa nang suot nyang coat. Pansin kong naka business attire din sya, mukhang kagagaling lang nang opisina.

BINABASA MO ANG
"ALL ABOUT HER" (GXG)
RomantizmValerie Tan- Chua, walang ibang hangad kundi maging isang mabuti at mapagmahal na asawa kay Xavier Chua. Gagawin ang lahat para magkaroon sya nang isang perfect na pamilya. katulad sa parents nya at sa parents nang kanyang napangasawa. Kaya lang kah...