Chapter 44

3.5K 146 13
                                    

Savanna pov..

                 "Savanna-- gusto kong ipakilala saiyo si Amanda Bermudez. A-ang matagal mo nang inaasam na makita at makilala." Naalangang wika nang Daddy.


            Napa singhap nalang ako nang husto, napa takip nang bibig gamit ang dalawa kong palad nang hindi ko napigilang mapa hagulgol.. Pagka tapos nun ay ang sunod sunod na pag landas nang masaganang luha sa aking mga mata.


             Nanlalabo na rin ang aking paningin na hilam nang luha.. M-mama...  Paulit ulit kong turan sa aking isipan na sinabayan nang pag hikbi. Parang pinipiga ang puso nang sandaling ito, sobrang sakit sa dibdib- all this time, dito ko lang pala matatagpuan ang aking Ina. Ang nagluwal sa akin sa mundong ito--


            "I'm so, sorry anak-- patawarin mo kami lalo na ako. Dahil ang totoo nyan, wala talaga sana kaming balak na ipakilala pa sya saiyo.." Hugot nito nang malalim na paghinga.


             May panunumbat ang tingin nang bigla akong nagbaling  sa kanya nang sandaling ito.  Bakit? Bakit nila nagawa sa akin ito- Karapatan kong malaman ang totoo!! K-kahit pa--


                 "Kami na ang pamilya mo Savanna, mahal na mahal ka namin... Mahal na mahal kita-- anak.." Seryoso itong napa titig sa aking mga mata. Pamilya- pamilya pa bang matatawag pagkatapos nang mga nangyari! Siya nalang ang may turing sa aking  pamilya ngayon. Hindi na si Xavier, lalo naman kay Mommy!


               "Sana lang po, hindi ninyo pinagkait sa akin ang bagay na ito!" May panunumbat ko paring katwiran. "Nagawa ninyong ipamulat  sa akin tungkol sa pagiging adopted ko.. Sana naman noon pa lang hindi niyo na din inilihim  ang katotohanang-- namatay  pala ang Mama ko noong pinanganak nya ako! Sana hindi ako umasa na darating ang araw na makikilala ko siya at makakasama." Patuloy ang pag agos nang aking mga luha.


              "Yun kasi ang tanging hiling nya sa-- akin, bago nya lisanin ang mundong ito.." Muli akong napa baling kay Dad nang magsalita ito. "Ang iyong Ina ang pinakamatapang na babaeng aking nakilala.. pinilit niyang mabuhay para saiyo anak-- kaya lang, sa kaso kasi nya. May sakit siya sa puso at bawal sana sa kanyang magdalang tao."


            Kung ang Mama ko- ang nakahimlay sa libingang yan! Nasaan ang totoo kong ama, sino sya? Ang pamilya nang aking Mama-- sino sino sila. Gusto ko din silang makilala. Bakit hinayaan nila akong mapunta sa ibang pamilya.. Maraming katanungan sa isip ko nang sandaling ito.

               Naramdaman ko ang pagkirot nang aking sugat sa kaliwa kong balikat na kina ngiwi ko. Sariwa pa kasi ito! Buti nalang at hindi marunong  si Xavier humawak nang baril.. Hindi din nito sinasadya nang kalabitin  gatilyo, panakot lang sana nya iyon.


           Kaya naman daplis lang nang tumama ito sa akin.Tatlong araw din ang nilagi ko sa hospital nang nagpasya na akong magpa discharge. At si Dad-- si Dad lang ang tanging  matyagang nagbantay sa akin at nag asikaso nang  lahat.

                 Si Mom kasi-- mukhang pinanindigan na niyang itakwil ako. Ramdam ko naman talagang hindi niya ako lubusang minahal.. Lalo na ngayong kailangan ni Xavier marehab nang anim na buwan. At si Mommy ang todo asikaso sa kanya. Napag alaman kasing gumagamit pala sya nang ipinagbabawal na gamot. At kung kelan sya nagsimulang gumamit-- noong namatay ang panganay nilang anak ni Valerie.

               Hindi madali para sa kanya ang nangyari kay Aaron, hindi nito tanggap hanggang ngayon. Pero sana-- Hindi niya sinarili ang kanyang dinadala.. ang mistake nya- inisip niyang kayang  ibsan nang pinagbabawal na gamot ang pangungulila at sakit na nararamdaman. . Doon na rin nagsimula ang pabago bago nang mood nito--

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon