Chapter 34

3.7K 168 36
                                    

Valerie pov..

                   Gusto ko, gustong gusto ko yung ideang iyon. Makasama ko sya, magpakalayo layo kaming dalawa kaya lang-- hindi din naman pwedeng basta nalang takasan ang lahat. Hindi lang ang pamilya nila ang makakalaban namin, pati ang aking angkan.

                    "Vale'.." Bigla bigla nalang syang napa luhod sa harapan ko. Matapos itong maligo at nag-ayos nang sarili. Napa singhap tuloy ako nang may naalala. Ganito din kasi  noon- minsan na ginawa na ni Xavier-- bigla tuloy akong napa iwas nang tingin.. Gosh! "Huwag na tayong umuwi- natatakot na ako!"

           "Sav.. Tumayo ka nga dyan. Aayusin ko lang ang gusot na ginawa ko- natin.." Paliwanag ko at pilit kong hinila ito patayo. "Pangako, wala kang dapat ipangamba okay. Ikaw na ang mahal ko.. Mahal na mahal kita." Sincere kong turan.. Tuluyan na syang napa tayo mula sa pagkaka luhod at masuyo kong kinulong ang kanyang mukha nang dalawa kong palad..

                "Vale' please.." Kitang kita ko sa mukha nito ang pag alinlangan. Alam ko Sav, ramdam ko kong anong nararamdaman mo ngayon. Kaya lang- gaya nang paulit ulit kong sinasabi, hindi basta takasan nalang ang sitwasyon..

                   "H-hindi lang ipon ang meron ako Vale' may investment na rin akong lingid sa kaalaman nang parents ko." Pangungumbinse parin nito sa nais nyang mangyari.. Hindi nalang ako kumibo, bagkus ay siniil ko nalang nang halik ang labi nito. Masuyo at punong puno nang pagmamahal..

                  "Magtiwala ka lang..."

                  Huling katagang sinabi ko kay Savanna, dahilan para napapayag ko syang maka uwi sa bahay namin ni Xavier.  Pero sya- ayaw  muna daw nitong umuwi sa bahay nila. Sana- sana hindi matagalan at maayos namin ang lahat--

                  "Valerie.." Hugot ni Xavier nang malalim na paghinga. Nadatnan ko ito pagka uwi ko. Pero wala akong  balak na kibuin ito, ngayon lang sya hindi naka pasok sa trabaho. Sinundan ako hanggang sa aming kuwarto. "Ngayon ka pa nagkaka ganyan kong kailan-"

               Tila pambibitin pa nyang turan. "Kung kailan may problema ang pamilyang ito?" Matapang kong dugtong sa sinasabi nito. Sino ba ang nagdala nang problema, sya din naman. Nagkaroon sya nang anak sa iba-

                    Hindi ko sya nahintay na tumugon, kaya nagpasya na akong tumungo sa closet para magpalit nang kasuotan.. Ayoko nang pagtalunan pa lalo na ang salitang binitawan nito sa akin nang nagdaang gabi.

                   "Pinabakasyon ko muna si Marie at banjo.." Akmang bubuksan ko na sana ang closet nang bigla syang nagsalita. Ano?-  Bigla tuloy akong napa baling sa kanya. Bakasyon- paano yung mga clients ko. "Iaasa mo sa mga tauhan dito ang negosyo mo tapos ikaw--"

                   "Tapos ako ano??" Tuluyan akong napa harap sa kanya. Bigla kasing nag init ang aking ulo, na stress sa pinaggagawa nito. Hindi nya pwedeng pakialaman ang negosyo ko! Napa hilot tuloy ako nang aking sentido. "Pwede ba Xavier, huwag mo akong igagaya sa sayo na kayang kaya lang kontrolin nang magulang mo. Lalong lalo na sa Mommy mo!'' Matapang kong sumbat sa kanya sa inis ko na din!. Kita ko kong papaano sya pinamulaan nang mukha nang sandaling ito.

              "Hindi ko masisisi ang Mommy ko kong paano ka niya tratuhin ngayon dahil pabaya kang ina.." What?? Lalo lang nag init ang ulo ko tila umakyat yata lahat nang dugo ko. Gosh-- You're unbelievable Xavier!!
             

                    Well, mukhang tama nga si Savanna. Mas mainam pa ngang layasan nalang, kesa ganito- dahil ibang klase pala itong mag-isip.. matalim parin ang tinging ipinukol ko dito. Samantalang sya ay bigla biglang nagbago ang ekspresyon nang kanyang mukha.

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon