Chapter 46

3.9K 156 42
                                    

Valerie pov..

                    "Paano ka makakasurvive  kong  ganito, wala man stocks na kahit ano." Sermon ko. Matapos kong pinagbubuksan ang mga cabinet sa itaas nang lababo na puro walang laman.

              Sinunod ko naman ang fridge, na kina buga ko nang hangin dahil pagka bukas ko dito. May laman nga puro frozen foods at mukhang kakasya lang nang dalawang araw.
''Halika na nga dito kesa ini- stressed mo ang sarili mo dyan." Rinig kong tawag ni Savanna.  Napa hilot tuloy ako nang sentido tsaka naka kunot noong  nagbaling sa kanya.

              Relax na relax  itong nakaupo sa may couch habang nakatitig sa akin. Awtomatiko namang bumalis ang tibok nang puso ko nang sandaling magtama ang aming mga mata. Ilang araw ko lang syang hindi nakakasama ay sobrang namiss ko na ito.

             Tapos-- ang inaalala ko ay iyong kalagayan nito, yung pag inum niya nang gamot. Dapat on time dahil gusto ko syang gumaling kaagad.

            Hay Savanna! Kung hindi lang talaga kita mahal--  Ang sabihin mo, kung hindi ka lang binantaan nang kanyang ex girlfriend..Malamang wala ka dito, dahil hanggang ngayon duwag ka parin.  Tuya bigla ni inner self na simple kong kina kagat nang pang ibaba kong labi.

           Pinilig ko ang aking ulo bago    nagpasya bumalik sa kinaroroonan ni Savanna.. Marahan akong umupo sa  sa tabi nito habang hindi inaalis ang tingin nito sa akin. "Kaya ka nga andirito para alagaan ako diba!?" Malambing niyang turan at sinabayan pa nang pag kindat.

                "Opo mahal na prinsesa.." Sarkastiko ko namang tugon. Pagkatapos, masuyo kong hinaplos ang pisngi nito. Ang laki nang takot ko noong binalita sa aming nagkaroon nang kaguluhan sa bahay nang mga Chua.  At-- aksidente siyang nabaril ni Xavier..

               Pero bago mangyari iyon- ang buong akala ko talaga dinala si Savanna sa police station..  May tumawag kay Dad at isang nagngangalang Spencer. Isa lang naman ang kilala kong may ganung pangalan, walang iba kundi ang ex-girlfriend ni Savanna. 

_Flashback...

              Hindi ko alam kong papaano nya nakuha ang phone number nang Daddy ko at anong dahilan bakit hinahanap nito ako.

             "Hi, si Valerie Tan Chua nga ito.." Kampante kong wika. Matapos iabot  sa akin ni Dad ang cellphone. Bahagya pa akong lumayo sa kanila ni Mommy na kasalukuyan nagra- runt pa dahil nga sa binalita ni Xavier na tinangay daw ako ni Savanna.

             "Hi.. Pwede ba tayong magkita." Direct to the point nyang sabi. Ni hindi na ito nagpakilala pa. Sasagot na sana ako nang muli itong nagsalita. "Hindi ko naman sinabing ngayon na, agad agad! Bukas, 9am sharp.." Aba- demanding pa.

                 "At bakit naman ako makikipagkita saiyo.. Kilala ba kita para pagkatiwalaan kita kaagad na wala kang gagawing masama!!" Pranka ko namang tugon. Well, nagsasabi lang naman ako nang totoo. Ex-girlfriend sya ni Savanna at kasama nya itong tumungo noon nang Paris. Malay ko bang, may pag-iisip din sya katulad ni Xavier--

            Narinig ko syang napa tawa nang mahina kaya natigilan ako. ''Mrs. Chua, kilala kita. Asawa ka nang kuya ni Savanna at kong hindi mo pa ako kilala gaya nang sinasabi mo. Magpapakilala naman ako saiyo, medyo atat ka lang kasi. Spencer nga pala, nag iisang ex-girlfriend ni Savanna Chua." Wika nito na kina singhap ko.

              "Actually kakarating ko lang from Paris at narinig ko sa balita ang tungkol sa gulo nang magkuya. Pero sa totoo lang hindi ako naniniwalang kinidnap ka nga--"

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon