Chapter 51

4.4K 169 33
                                        

Valerie pov..

"Ate.. Okay ka lang ba?" Puna ni Marie. Pasimple ko naman siyang binalingan sabay ginawaran nang tipid na ngiti.

Hindi ko din mawari sa sarili ko, kong okay lang ba ako!? Halos mag-isang buwan na, simula nang pumayag ang mga magulang kong ipagpatuloy ang aking negosyo. Muli akong nag bake at tru-online parin ang paraan nang pagbebenta. Kaya nga lang, hindi na sa bahay na pinundar ni Xavier para sa binuo naming pamilya.. Kundi, tuluyan na akong nag stay dito sa bahay nang parents ko.

Syempre, hindi naman pwedeng mawala ang naging kasa kasama ko na, simula umpisa. Si Marie na natuto na ring mag bake at ang pinsan nitong si Banjo na siyang taga hatid nang mga orders. Yung dating maids quarter ang siyang inayos at ginawang baking room. Mas malaki ang espasyo, kaya nakaka kilos na kami nang maayos at nakaka bake na kami nang medyo marami rami.

Nakakalungkot mang isipin ang nangyari sa pagsasama namin nang dati kong asawa.. Ganun talaga ang buhay, kailangan naming tanggapin pare-pareho na hanggang doon nalang.. Sana lang at tuluyan nang ding matanggap ni Xavier ang mga nangyari.Hugot ko nang malalim na paghinga.

Hindi matatawaran ang sayang aking naramdaman nang sa wakas, buong pusong tinanggap nang mga magulang ko ang tungkol sa amin ni Savanna. Mahal na mahal ko ito at siya na ang bumubuo nang lahat nang pangarap ko.

Sobrang welcome nga si Sav dito sa tahanan nang parents ko. Mas madalas na ring ako na ang pinupuntahan nito, kesa sa dating ako ang pumupunta sa kanyang condo. Dahil sa kailangan ko ulit tutukan ang aking negosyo.

Gustong gusto ko na din na magsama kaming dalawa, kaya nasa plano ko na ang mag propose sa kanya. Kaya lang, bakit ganun- bakit nakakaramdam parin ako nang kalungkutan at kirot sa dibdib nang hindi ko maipaliwanag! O- dahil, nitong nakakaraang araw napapansin ko ang pagiging tahimik ni Sav. Madalas tulala, minsan balisa at parang sobrang lalim nang iniisip! Tuwing tatanungin ko naman ito, ang parati lang nitong sagot- ayos lang, sabay titig sa aking mukha tsaka ngingiti.

Hindi lang yun, madalas din na kung hindi ako yung unang magme-message wala man lang akong natatanggap na text galing sa kanya. Katulad na naman ngayon, magkalahating araw na pero ni good morning man lang, wala! To think na wala naman itong ginagawa dahil kung wala sya dito. Nasa may unit lang naman niya ito..Sa totoo lang, nakakatampo na siya.

Tapos pansin ko, mabilis naman itong mag reply sa mga text ko. Ang isa ko pang napupuna, yung bigla bigla nalang siyang sumusulpot dito sa bahay. Walang oras yan, basta dadating na lang.

Komprontahin mo na kasi.. Turan tuloy bigla nang isip ko. Ilang beses ko nang tinangkang gawin ang bagay na yan. Kaya lang kasi, baka mamaya pagsisimulan lang nang away. Iniisip ko din na baka napaparanoid lang ako. Pero mas okay parin yung napapag-usapan ninyong dalawa. Hindi yung puro ka nalang hinala at kung ano ano nang pumapasok sa isip mo--

"Okay fine!!" Lumabas sa bibig ko habang naka tingin sa mukha ni Marie. Nagtataka tuloy syang napa titig sa aking mukha at nagtatanong ang kanyang mga mata.


"Ahm-- Marie, ikaw muna ang bahala dito ha! Aalis ako saglit, pero babalik din ako kaagad." Litanya ko sabay iwas nang tingin. Bigla nalang kasi akong naka isip na puntahan si Sav. Nagmamadali kong hinubad nang suot kong hairnet at apron. Puno parin nang pagtataka ang mukha nito habang pinapanood ako.

"Ate, relax lang.. Wala na kayo ni kuya Xavier!" Bigla nitong turan. Dahilan para matigilan ako. "Naalala ko kasi, ganyan na ganyan ka kabalisa noong tinatakasan mo si kuya Xavier. Para lang makipag kita kay Savanna.." Wika pa niya.

Tama siya, saksi itong si Marie sa lahat nang pinagdaanan namin ni Sav. Pero ni minsan hindi niya ako hinusgahan, bagkus- sinoportahan ako sa lahat nang bagay. Napa hinga tuloy ako nang malalim bago marahang humarap dito.


"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon