Chapter 6

5.3K 182 7
                                        

Savanna pov..

             "Kuya..." Bigkas ko kaya lang-- Hindi ko naman mawari kong anong susunod kong sasabihin, bigla nalang umurong ang aking dila. Napa hilot na lang ako nang aking sentido. Bigla nalang akong nag dalawang isip kong sasabihin ko ba yung mga sinabi ni ate Valerie habang lasing sya!?

           "Bakit gising ka pa anong oras na!" Wika uli nito na kina pitlag ko. "By the way nasa Palawan pala ako ngayon, pwede mo bang bisitahin ang ate Valerie mo bukas? baka kasi next day pa ako makaka uwi.. Madami pa kasi akong kailangang asikasuhin dito.." Buntong hininga nito. Napa ngiwi tuloy ako at nagbaling nang tingin sa naka pinid na pintuan nang aking kuwarto.. Sasabihin ko bang--- napa buga uli ako nang hangin.


             "Okay kuya.." Ewan kong bakit iyon lang ang nabigkas ko, samantalang ako nga yung tumawag at ako itong may sasabihin dapat sa kanya.. napa kagat tuloy ako nang pang ibabang labi. "Ahm- napa tawag pala ako, gusto ko lang e- confirm kong tuloy ba yung family gathering natin sa Laguna next week?" Ito nalang yung naisipan kong banggitin sa kanya.. buti nalang bigla kong naalala.

             "Sa tingin ko, tuloy na tuloy na yun. Bakit may balak ka na naman bang mag out of the country!?"

             "O-oo sana.." Pagsisinungaling ko. "Ah- sabi mo nga ayaw ni ate Valerie gamitin  na niyo yung tickets na binigay ko, kaya ako nalang sana ang gagamit.." Kunway buntong hininga ko pa.

              "Mas importante yung family gathering's Sav.." Seryoso naman niyang wika na kina tango ko nalang biglang tugon, kahit hindi naman nito nakikita.. Maya maya pa ay nag paalam na sya dahil maaga pa daw ito bukas.
Napa sandal nalang ang likod ko sa sandalan nang sofa tsaka mariing napa pikit at napapa buga nang hangin.. Siguro nga hindi pa ito yung tamang timing para malaman ko kong nagkaka problema ba silang mag asawa.!?

             Nagmuni muni ako saglit hanggang sa tuluyan na akong hinila  nang antok,  kaya  naman umayos na ako nang pagkaka higa dito sa mahabang sofa.. Tinamad na din akong kumuha nang kumot at unan. Antok na antok na kasi ako. 

             Maaga parin akong nagising dahil nakaka hiya naman dun sa bisita ko.. Ipaghahanda ko sya nang masarap na breakfast, kahit papaano ay marunong din naman akong magluto.. Pritong itlog ganun! hotdogs, instant noodles at toasted bread.

                Naka upo ako sa may center island habang nagkakape nang biglang bumukas ang pintuan nang aking kuwarto. Pupungas pungas na lumabas mula roon si ate Valerie.
"Morning ate!'' Masigla kong bati na kina hinto at kina baling nito sa akin..
"Coffee.." Alok ko pa.

              "Morning too.." Napa ngiwi nitong tugon. "Pasensya na, hindi ko  na matandaan kong paano ako naka tulog sa kuwarto mo." Nahihiya pa nyang sabi tsaka marahang humakbang patungo sa kinaroroonan ko. "Ikaw saan ka natulog!" Ininguso ko naman yung couch.. Nailigpit ko na din yung ginamit naming uminum kagabi.

            "Black coffee para sa hang over!" Alok ko pa.. hindi ko na sya hinintay na sumagot, kumilos na ako kaagad  para igawa sya.

             "Thanks Savanna.. pwedeng makigamit nang bathroom!" Hindi na din nya akong nahintay na tumugon at nagmamadali na syang pumasok sa loob. Para siguro sa kanyang morning rituals. Napapa ngisi nalang ako. Infairness kahit bagong gising si ate Valerie maganda parin sya. Inayos ko na yung lamesa para paglabas niya nang banyo makapag breakfast na kami.

              "Pasensya na talaga sa abala! Sa couch ka pala natulog. Sana tabi nalang tayo, malaki naman yung kama mo..'' Turan nito paglabas niya nang  banyo, sabay dampot sa mug na umuusok pa ang laman tsaka humigop nang konte. Narinig ko pa itong napa hmmnn.. Naupo ito sa bakanteng upuan kaharap ko at napapa hilot sa kanyang sentido. Masakit siguro ang ulo.

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon