Chapter 36

3.6K 165 22
                                    

Valerie pov..

                  "A-aray, aray ko... Masyadong mahigpit!" Reklamo ni Xavier nang kasalukuyan inaayos ko ang pagkakalagay nang suot nitong necktie. Hindi nalang ako umimik at muling kinalas ang pagkaka buhol niyon.

          Magmula nang pinaalam nito na may nalalaman sya sa kong anong namamagitan sa amin ni Savanna, gusto lagi todo asikaso ako sa kanya. Kulang na nga lang paliguan at subuan ko sya.

              "Love, huwag mo namang ipahalata na may galit ka sa akin." Napa tawa nyang turan at kina ngisi pagka tapos. Na kina hugot ko naman nang malalim na paghinga. "Biro lang love.." Bawing lambing nito sabay hapit sa baywang ko na kina tayo yata lahat nang aking balahibo.

                 

                Sobrang kinikilabutan pero pilit kong huwag ipahalata ito sa kanya. Bawat pagsisilbi ko ngayon sa kanya,bawat pagsunod sa mga rules nya dito sa bahay. Bawat pananahimik ko- lahat nang ito ay para kay Savanna. Ayokong sa konting maling hakbang lang ay ikakapahamak nito.

                  Ayaw na ayaw nitong mababanggit ang pangalan nang kanyang kapatid dito sa loob nang bahay. Malaki na ang pinag bago nito.. Kaya sinabihan ko din si Marie na kapag nasa paligid si Xavier tahimik nalang din ito. Buti nalang at nung sinabihan ko syang pabalikin na nya si Marie at banjo ay sumunod naman sya kaagad.

                     Yung pagbe-bake ko na nga lang binubuhos lahat nang oras ko para hindi lalong mag-iisip at mag alala nang husto kay Savanna. Para doon ibuhos lahat nang hinanakit ko sa ginagawa ni Xavier ngayon sa akin. Para akong bilanggo sa sarili kong pamamahay sa totoo lang.

                    Kumuha sya nang dalawang magbabantay dito sa bahay, magbabantay sa akin, masiguro lang na hindi ako basta basta nakaka labas. Pwede naman akong lumabas pero kasama ko yung isa. Tuwing bibili ako nang mga kakailanganin ko sa pagbe-bake ko at kong ano ano pa. 

              Sige lang Xavier.. gawin mo lang ang gusto mong gawin lalo lang akong nawawalan nang amor sayo. Turan ko sa isip ko at laging pinagdarasal na matatapos din lahat na may awa ang Diyos.        

             ''Maaga akong uuwi mamaya at may family dinner tayo.." Malambing nyang bigkas sabay ngiti. Para saan naman, wala namang okasyon.. Mas gusto ko nalang na mag bake nang mag bake, kaya lang-- bigla kong naisip si Savanna, kung- kasama kaya sya sa dinner mamaya. Kahit tumanggi naman ako sya parin naman ang masusunod.. Sana nga meron si Savanna at makita ko man lang syang maayos ang kalagayan magiging panatag na yung kalooban ko.

                 "Halika na, magbreakfast na tayo baka malate ka pa.." Cold kong sabi. Para sa ganun ay bitawan na din nya ako mula sa pagkaka yapos nito sa baywang ko.. Hindi na ako umiwas nang ginawaran nito ako nang mariing halik sa kaliwang pisngi.

                  "Sya nga pala-- lalabas ako mamaya." Paalam ko dito na kina salubong kaagad nang kanyang kilay. Pero hindi na ako matitinag sa mga ganyan nya. Pinag aralan ko na lahat bawat kilos niya, bawat pagbabago nang mood nya nang ugali nya. "May kailangan lang akong bilhin sa super market."

                 "Okay love.. basta yung usapan natin!" Tipid lang nyang tugon. Kahit na alam kong may iba na namang tumatakbo sa utak nya nang sandaling ito. Bahala sya kong ano ang gusto nyang isipin kung gusto nya sumama na lang sya.

             Nauna na akong humakbang sa may pintuan- nang may naramdaman akong palad na pumatong sa kanan kong balikat. Hindi ko nalang ito pinag tuunan nang pansin. Lumabas kami nang aming kuwarto na naka akbay sya sa akin.

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon