Chapter 37

4.1K 164 26
                                        

Savanna pov..

                  Pasimple akong napa sulyap sa babaeng pinakamamahal ko na bakas sa mukha nito ang matinding pag aalala.  Magiging maayos din ang lahat Vale'..  Hugot ko nang malalim na paghinga bago muling itinuon ang atensyon ko sa pagmamaneho.

                Hindi ko pwedeng gamitin yung  sarili kong sasakyan, dahil sigurado akong gagawa at gagawa nang paraan si kuya Xavier para ipa hanap kami.. Para mabawi agad si Valerie sa akin. Pero titiyakin kong hinding hindi yun mangyayari, hindi ko sya basta basta isusuko nalang, magkamatayan man.

                 LORD.. kayo na po ang bahala sa amin..  Dalangin ko..

               Wala naman sana sa plano ko ang ganito, nung tumawag sa akin si Marie. Ang gusto ko lang sana ay kahit matanaw ko lang sya sa malayo, makita syang maayos ang  kanyang kalagayan. Kaso nga lang- nang sandaling nasilayan ko ito isa lang ang pumasok sa isip ko. Ayoko nang magka layo  pa kaming dalawa.

                 "Sav.. s-sigurado ka na ba sa gagawin natin?" Untag nito nang saglit kaming naka hinto sa isang stop light. Napa kunot noo tuloy akong nagbaling muli sa kanya. Hanggang ngayon ba-- nagdadalawang isip parin sya, ayaw ba niya akong makasama!

                Hindi ko tuloy maiwasang hindi masaktan dahilan para mapa hugot ako nang malalim na paghinga.. "Sav-- ikaw lang naman itong inaalala--"

             "At sa tingin mo ba hindi ako nag aalala para sayo? Halos gabi gabing hindi ako maka tulog nang maayos kaka isip kung-- kamusta ka na ba!kong maayos ba ang kalagayan mo.. Naghihintay kong kailan ka ulit tatawag- kagaya nang sinabi mo..'' Hindi ko tuloy mapigilang isumbat iyon sa kanya. Na kina iwas naman nito nang tingin at pasimpleng pinahid ang luhang naglandas sa kanyang pisngi.

            Pareho lang naman kaming nag-aalala sa kalagayan nang bawat isa. Di mas mainam nalang yung ganito, may takot man sa dibdib ang mahalaga magkasama kaming haharapin ang lahat.

              Nag green na ang traffic light kaya naputol na ang pag uusap naming dalawa. Dahil pina usad ko nang muli ang sasakyan..  Imbes na magagalak yung puso ko dahil magka sama na ulit kaming dalawa- napa buga ako nang hangin. Magtatalo lang ba kami--

                "Maayos naman ako kay Xavier.." Muli itong nagsalita.. "Alam ko namang hindi nya ako magawang saktan- I mean pagbuhatan nang kamay. Sav ayokong mapa hamak ka.."

              Damn it!!  Nanggigigil tuloy akong napa hampas sa manibela..  Anong gusto nyang mangyari- ibabalik ko sya sa kapatid ko? No!!    Pagmamatigas kong turan sa aking sarili..

              Hindi na ito muling nagsalita nang panaka naka ko syang sinusulyapan. Naka tanaw lang ito sa katabi nyang bintana at tila umiiwas na hindi sya mapa baling sa akin. Lihim nalang akong napapa hugot nang malalim na paghinga at namayani ang naka bibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa..

                "Kuya Xavier.. Who told you na- na hinahanap ko ang totoo kung magulang." Nagkunwari akong nagulat sa sinabi nito. Pilit kong ginalingan ang aking pag arte. Kaya sinabayan ko pa nang pag tawa nang mahina.

  

                 Dahilan para unti unting napa kalas ito mula sa pagkaka yakap sa akin. Tumitig ako sa mga mata nito pagka tapos at sinabayan ko pa nang pag ngiti..

               " Alam kong-- sa simula  palang sinabi niyo na sa akin ang totoo. Na ampon lang ako na si Mommy and Daddy ay hindi sila ang tunay kong magulang. Pero ni minsan hindi ninyo pinaramdam sa akin na ibang tao ako na hindi niyo ako kadugo."

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon