Chapter 15

5.1K 188 30
                                    

Savanna pov..

          "Hi kuya..." Masigla kong bati kay kuya Xavier, saktong nadatnan kong nagbe-breakfast sila ni ate Valerie. Si Marie ang nag bukas sa akin nang gate buti naman at bumalik na sya. Tinanong ko nga, kakabalik lang daw nito kanina. Balita ko pina balik siya ni Mommy kahit na sana ayaw ni-- "Hi ate Valerie.." Casual kong turan.

            "Napa aga ka yata.." Pag huni nang aking kuya. Humalik ako sa kanyang kaliwang pisngi sabay lapit kay ate Val at hinalikan ko sya sa gilid nang kanyang labi. Sinadya ko yun, nang hindi napansin nang kuya ko dahil abala sa pagkain. Na alam kong kina bigla nitong si ate Val pero nagpatay malisya nalang sya.. "Kain tayo." Alok pa nang kuya ko. Habang itong isa nanatiling tahimik lang, kunyari busy din sa pagkain.

            "Yun talaga ang purpose ko, makikikain.. Wala pa akong stock sa unit ko hindi pa ako nakapag groceries." Litanya ko at hinila ko ang isang upuan, sa tabi mismo ni ate Valerie. Mabilis naman nag lagay si Marie nang plato sa harapan ko. With spoon and fork pa.Wow nice!
    

            
           "Marie, favor pa! Pengeng coffee please!" Turan ko pa na kina tikhim ni ate Valerie. Dadampot na sana ako nang toasted bread--

          "Maghugas ka muna nang kamay, baka kung anong bacteria ang hinawakan mo bago ka nakarating dito sa bahay." Seryoso at ma awtoridad na turan ni ate Valerie. Na kaagad ko namang kina baling sa kanya at kita kong naka taas ang isang kilay nito.

             Napa ngisi nalang ako. Okay fine! muling napa tayo at humakbang patungong kitchen. Tumungo ako sa may sink nang lababo at nag hugas nang kamay sa may faucet.. Narinig ko namang nag uusap sila ni kuya, kaya pagbalik ko sa may dining naka tayo na si kuya mukhang tapos na syang kumain.

           "Aalis ka na kuya?" Tanong ko sabay upo sa kinauupuan ko din kanina. Sabay lapag ni Marie sa harapan ko nang isang black coffee. Hmnn love it!

          "Yes bunso, may meeting ako nang maaga." Lumapit sya sa akin sabay halik sa aking bumbunan. "Ikaw na ang bahala sa ate ko ha! Yung usapan natin okay.." Bilin pa nito na kina ngiti ko naman sa kanya.  Sabay dampot na nang tinapay at sinubo ko kaagad. Mamaya kasi pigilan na naman ako ni ate Valerie at kung anong ipapa hugas na naman nya sa akin.

              Nagtuloy nang tumungo si kuya Xavier sa labas nang bahay, habang si Marie ay naka sunod naman kaagad para buksan nang buo yung gate para mailabas yung sasakyan. Sa labas kasi ako nagpark kanina. Nakita sa peripheral vision ko ang akmang pag tayo ni ate Valerie pero maagap kong nahawakan ang isa nyang braso. Na kina hinto nito.

          "Sav... Huwag mo akong paandaran, nag usap na tayo!" Medyo pabulong pero may diin nyang sabi. What! Wala pa naman akong ginagawa nag re-react sya kaagad..

          "Gusto ko lang namang samahan mo pa akong kumain, nakaka awkward naman kong mag isa na ako dito sa napaka laking mesa.." Turan ko. Tsaka marahan ko nang binitawan ang braso nito. Inirapan naman nya ako at mukhang ayaw sumunod sa gusto ko. "Okay sige si Marie nalang ang kasabay kong kumain at yayain kong magkape--"

          "Fine! Ito na uupo na ulit." Pikon nyang turan na lihim ko namang kina ngiti. Hindi magpapa talo  ang isang Savanna Celestine Chua.. Pinag patuloy ko na nang kumain habang itong isa ay rinig na rinig ang marahas nitong pag hinga..

          "Para kang gutom na gutom, ang lakas nang loob mong nagdala nang babae mo sa condo mo wala ka naman palang maipalamon.." Bubulong bulong niyang wika.

                  Napa tawa naman ako nang mahina. "Syempre sya ang nagdala nang food sa condo.." Tukoy ko sa bisita ko daw kagabi. "Alam mo namang hindi ako ganun ka husay magluto, pero magaling akong--- kumain!" Makahulugan kong turan. Sabay baling ko sa kanya tsaka ngumisi nang nakaka loko. Kita ko kong paano sya pinamulaan nang pisngi nang sandaling ito.

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon