Chapter 41

3.5K 145 30
                                    

Valerie pov..

              "T-tutulungan ka namin anak, labis na kaming nag-aalala para sayo. Kung bakit kasi- inampon pa yan nang mga Chua!! Masamang tao yang babaeng---" Savanna...   Napa awang ang labi ko nang  bigla nyang hinablot ang hawak kong phone habang nagsasalita palang ang Mommy ko. Nanggigigil nang basta nalang nyang binato kong saan..

               Nanlilisik sa galit ang mga mata nito nang muling nagbaling sa akin, habang taas baba ang kanyang dibdib. "Bakit mo kinokontak ang pamilya mo Val?? Ayaw mo na ba sa akin!?" Turan nito. Pagkatapos ay mariin niyang isinuklay ang mga daliri sa kanyang buhok.

            "Sav.." Kinakabahan ko namang  bigkas. Ngayon ko lang sya nakitang magalit nang ganito. Ano bang pinagsasabi niya! Naisipan kung tumawag kay Mommy dahil  nagbababaka sakaling makakatulong sya sa aming dalawa. Kaya lang, naguguluhan naman ako sa mga sinsabi nito. Ang mistake ko lang narinig ni Savanna ang aming pag-uusap..

            Naka sunod ang tingin ko sa kanya nang kumilos ito at pabalyang naupo sa gilid nang kama. Hindi ko mabasa kong anong nasa isip nya, dahil nababakas sa mukha nito ang halo halong emosyon. "Babe.." Kahit nakaramdam
ako nang takot, lakas loob parin nang marahan akong lumapit sa kinaroroonan nito. "S-sorry kong--"

           Hindi ko pa man natatapos ang gusto kong sabihin nang muli itong tumitig sa akin nang masama. Alam ko namang hangga't maari ayaw nitong nakakaroon kami nang communication sa pamilya nang bawat isa. Dahil mainit pa ang sitwasyon, pero kasi- hindi na mababago ang isip ko.

           Gusto ko nang maging maayos ang lahat para sa aming dalawa.. Lalo ngayon, mukhang may plano na si Xavier para siraan kami. Kailangan kong maipaliwanag nang husto kay Savanna ang nais kong mangyari, kailangang magkaintindihan kaming mabuti.

            Habang nakaupo sya sa kama ay marahan akong lumuhod ako sa harapan nito. Pagkatapos ay mariin kong hinawakan ang kanyang mga palad. Para bang sinasabi kong, kahit anong mangyari magtiwala lang sya sa akin. "Valerie.." Hugot nito nang malalim na paghinga. Naglabanan kami nang titig, dahil gusto kong pakinggan nya ang bawat sasabihin ko.

               "Ayaw mo na ba- sinusukuan mo na ba ako?" Nangilid bigla ang luha sa kanyang mga mata. A-ano bang pinagsasabi nya, bakit napaka nega nya yata ngayon. Nakakapanibago-  at tsaka of course not, wala sa isip ko ang bagay na iyon! Kaya ko ring itaya ang buhay ko para sa kanya. Mahal na mahal ko ito at walang wala sa isip ko ang pagsuko.

              "Napaka walang hiya talaga ang Xavier na yan!" Pagka tapos ay tiim bagang nyang turan. Ni hindi na nito iginalang ang nakakatandang kapatid. "Babe.. alam mo bang--" Tila may gusto itong sabihin nang bigla din syang napahinto.  Ramdam ko ang panginginig nang kanyang mga kamay sa galit.

            Mukhang may masama ngang-- "Pinagkalat nya sa social media at sa national TV na kinidnap daw kita!" Wika nito. Pagkatapos ay biglang napatayo. Kaya napa tayo na din ako mula sa pagkaka luhod.

           What?? Bigla ay para bang umakyat yata lahat nang dugo ko sa ulo.  Xavier!! Nanggigigil ko na din turan sa aking sarili.

             "Kinidnap daw kita dahil ako- nasisiraan na nang bait.." Nagngangalit parin nyang turan.. " Alam mo ba kung ano pang mga sinabi nya! May hinihingi daw kasi akong pabor sa kanya at hindi nya kaagad naasikaso. Kesyo busy daw sya, tapos hayun! Tinangay na daw kita!" Hysterical nito.

            Paano naisip ni Xavier na gumawa nang ganung klaseng kwento! Sumakit ang ulo ko at na stressed bigla..Nababahala na tuloy ako, tyak kong sirang sira na si Savanna sa angkan nito. Si Xavier ang nababaliw na, kaya kailangan ko na talagang gumawa ang paraan..

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon