Chapter 11

5.2K 201 26
                                    

Savanna pov..

                "Welcome to Melbourne Australia!!" Masigla kong bati kay ate Valerie kahit na tipid na ngiti lang ang sinukli nito sa akin. Ayoko naman syang usisahin kong ano ba ang problema nila nang kuya ko, para kasing sobrang bigat nang kanyang pinapasan. Hintayin ko na lang na sya mismo ang mag open at handa naman akong makinig anumang oras.

              At dahil wala kaming sasakyan, nag bus lang kami patungo sa apartment ko sa Clarendon Street. Habang itong kasama ko naman  ay wala paring kibo, madalas ay puro buntong hininga lang ang naririnig ko.
Marahan ko tuloy ginagap ang dalawang palad nitong nasa kandungan dahilan para magbaling ito sa akin.

            "Ate, promise mag eenjoy ka dito." Pinasigla ko ang tono nang boses ko. Sisiguraduhin kong ma-eenjoy talaga sya na dapat ang kuya ko ang kasama nya ngayon. Tiyakin kong makakalimutan nya kong ano mang bumabagabag sa kanyang isip.

              "Thank you Sav.." Matamlay nyang tugon. "Thank you kasi,hindi ka nagdalawang isip na samahan ako sa pagpunta dito.."
Of course, pinag isipan ko parin naman kong dapat ko ba syang samahan. Sadyang mabilis lang talaga ako mag desisyon sa mga bagay bagay na hindi dapat or dapat gawin.

            Ngiti lang ang naging tugon ko, pagka tapos ay wala na ulit kaming imikan. Pero hindi ko na inalis ang kamay kong nakahawak sa mga kamay nito, hindi naman ito nag protesta.

               "Pasensya na ate ha! Isang kuwarto lang kasi ito apartment ko. Pwede naman ako kahit sa sahig nalang." Paliwanag ko. Mukhang hindi naman sya nakikinig dahil abala itong nililibot ang paningin sa kabuuan nang unit ko.
Kompleto naman ako sa kagamitan  at tatlong buwan palang naman ang naka lipas yung huli kong punta dito. With my friend, one of my flings.

              "Ate, labas muna ako saglit bibili lang ako nang ilang stocks natin." Paalam ko sa kanyang. Pagka tapos kong iayos ang mga dala naming gamit. "Magpahinga ka muna!" Dagdag ko pa na kina tango nito. Palabas na ako nang pinto nang kuwarto nang bigla niyang tinawag ang pangalan ko.

               "Gamitin mo muna ito para sa pamimili nang kailangan natin." Napa baling naman ako sa isang black card na hawak niya. Napa ngiti at napa iling lang ako bilang pag tanggi. Meron din ako nun at yung sa akin nalang yung gagamitin ko. Hindi naman na sya nagpumilit pa kaya nagtuloy na akong lumabas nang apartment.

             Sa labas ay maraming pamilihan at nilalakad lang. Kahit sa mga ibang pasyalan walking distance lang mula sa aking apartment.. Enjoy na enjoy naman ako sa pamimili nang ilang araw naming stocks at yung ibang may Filipino na naninirahan dito ay kilala na ako at todo bati sila sa akin.

               Tahimik naman ang buong unit pagbalik ko, inayos ko muna ang mga pinamili ko sa mini kitchen bago ako nagpasyang pumunta nang kuwarto. Napapa ngiti nalang akong mag isa habang yakap ang isang bouquet nang bulaklak na binili sa nadaanan kong flower shop. Marahan ko nang tinulak ang pintuan nang kuwarto, lalo lang akong napa ngiti nang madatnan ko si ate Valerie na payapang natutulog sa kama. Ni hindi pa ito nagpapalit nang damit.

                  Hindi ko din maintindihan ang sarili ko dahil kakaibang saya ang nararamdaman ko na kasama ko sya ngayon. Dahil siguro sa tinagal tagal na nang panahon ngayon lang kami naging close na dalawa.

          Nagdahan dahan lang ako nang kilos para hindi makagawa nang ingay dahil ayoko naman itong naistorbo--
"Sav.. naka balik kana.." Napapa ngiwi tuloy ako dahil nagising na ito. "Parang ang bilis mo naman yata.." Wika pa nito habang kinukusot kusot ang kanyang mga mata.

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon