Valerie pov..
Habang wala si Xavier, naka isip naman ako nang paraan para mai saoli kay Savanna yung plane tickets na galing sa kanya. At kong maibalik ko na wala nang nagagawa ang aking asawa.. Nag tungo kasi ito sa Palawan dahil may problema daw yung isang hotels doon. Nagpaalam sya nang dalawang araw lang daw ito. Hmp! Wala naman kasi akong alam sa mga ganyan dahil hindi ko yan linya.
Sinubukan ko lang e-message itong si Savanna kong asan sya ngayon sa phone number nitong naka save sa akin. Yung phone number nyang binigay noong una palang kaming nagkita noong time na pinakilala siya ni Xavier sa akin. Buti naman ay yun parin pala ang ginagamit nyang number dahil kaagad naman syang sumagot..
Nasa may condo lang daw sya dito sa Makati at andito na ako ngayon, andito mismo sa harapan nang pintuan nang unit niya, sa 7th floor.. Bakit ba nagta-tyaga syang tumira sa isang condo samantalang mala mansion sa sobrang laki ang bahay nila sa Binundo..
Nag doorbell na ako, after two minutes ay wala paring nagbubukas nang pinto kaya inulit ko uli..Mukhang gino-goodtime lang yata ako. Napa buga ako nang hangin nang wala paring nag bubukas nang pintuan. Huwag na huwag nyang gawin yun sa akin, kahit kapatid pa sya nang asawa ko--
"Hi ate.." Bati kaagad nito nang biglang bumukas ang pintuan. Nagulat tuloy ako! Naka pink na bathrobe lang sya at tumutulo pa ang basa nitong buhok, halatang bagong ligo. "Ahm- pasok ka, kanina ka pa ba? Pasensya na ha nasa banyo kasi ako kanina nung nag doorbell ka.." Paliwanag pa niya habang magka harap kami sa may pinto. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang totoo kong pakay, hindi ba sya nagtataka kong bakit nag abala pa akong puntahan sya?
Tumabi na ito, dahil naka harang sya sa may pinto para maka daan ako. First time ko lang pumunta dito sa unit niya kaya pasimple kong nilibot ang paningin ko sa kabuuan nito. Hindi rin sya gaanoong kalakihan at mukhang may iisang kuwarto lang.. hindi ba sya naboboring dito--
"Babe what take you so long--- oops sorry.." Nagulat pa ako nang may babaeng sumilip sa may pintuan nang kuwarto at kaagad din itong pumasok sa loob dahil wala itong kahit anong saplot!? Napa awang tuloy ang labi kong nagbaling kay Savanna.. Kita ko namang pinipigilan nito ang pag tawa dahil napa kagat sya nang pang ibabang labi.
"Ahm- wait lang ate ha.. upo ka muna, kakausapin ko lang si Bubbles saglit.." Turan nito. Ni hindi man lang nya ako hinintay na sumagot at nagmamadali na syang tumungo sa loob nang kuwarto. Hindi ko maipaliwanag kong anong nararamdaman ko ngayon. My god! Si- Savanna, ang kapatid nang aking asawa isang- isang lesbian!? Napa hilot tuloy ako sa aking sentido. Dapat siguro hindi nalang ako tumungo dito-- kaya lang, hindi ko sana malalaman...
Ni hindi ko magawang umupo nang sandaling ito. Na stressed ako bigla!! Maya maya pa ay muli nang bumukas ang pintuan nang kuwarto, lumabas mula doon ang Bubbles na yun, naka bihis at halatang nahihiya itong tumingin sa aking mga mata. Naka sunod naman si Savanna rito na naka suot parin nang bathrobe.
Naka sunod lang ang paningin ko hanggang sa maihatid nya yung babaeng hindi naman kagandahan sa may pinto, pagka tapos ay muli nitong sinara iyon. Tsaka sya muling bumaling sa akin.
"Ate may gusto ka bang ahm- inumin, kakainin.." Alok nito na tila walang nangyari."Savanna.. lesbian ka ba?" Nanunuya kong sabi at hindi ko mapigilang mapa halukipkip sa harapan nito. May karapatan akong malaman dahil parte na ako sa pamilya ito..Kita ko naman ang pag ngisi nito.
"Of course not ate!" Nag deny pa kaya pinaningkitan ko sya nang mga mata. "Relax okay!" Kakamot kamot nang batok pa nyang turan. Relax? How can I relax. "Sabihin nalang natin na-- okay fine I like boys but.."
BINABASA MO ANG
"ALL ABOUT HER" (GXG)
RomanceValerie Tan- Chua, walang ibang hangad kundi maging isang mabuti at mapagmahal na asawa kay Xavier Chua. Gagawin ang lahat para magkaroon sya nang isang perfect na pamilya. katulad sa parents nya at sa parents nang kanyang napangasawa. Kaya lang kah...