Valerie pov..
"Hi kuya... How's your day?" Masiglang bati ni Sav nang marinig ko ang marahan nitong pagbukas nang pintuan. Habang ako naman ay naka higa sa ibabaw nang kama,naka talukbong nang comforter at nagkunwaring tulog at masama ang pakiramdam.. Pero ang totoo nyan, dilat na dilat ang aking mga mata at nakikinig ako sa pag-uusap nang dalawa. "Ahm- pinag pahinga muna namin si- ate Val.."
Napapa kagat labi nalang ako nang halata sa boses ni Savanna na medyo kabado sya. Sabagay ako din naman, dinig ko ang malakas na pag kabog nang dibdib ko nang sandaling ito.
"Tulog ba?" Tanong ni Xavier. Na agad kong kina pikit nang mariin. "Buti naman at nakinig sya sayo, napaka tigas kasi nang ulo, iniisip lagi yung mga orders nang clients. " Hugot pa nito nang malalim na paghinga.. "Hindi nya naisip na nakaka sama' sa pala sa kalusugan nya yung mga ginagawa nya.." Litanya pa nang aking asawa. Ewan ko kong sinadya ba nitong ipa rinig sa akin. "Buti nalang talaga at nakinig nga daw sya sayo sabi ni Marie.."
"Ayos lang yun kuya, so- kailangan ko na din sigurong umalis.." Rinig kong biglang paalam ni Sav na kina panic din bigla nang kalooban ko. Muntik na akong napa bangon mula sa pagkaka higa, buti at napigilan ko pa yung sarili ko. Please Savanna, huwag ka munang umalis. Halos kakarating mo pa nga lang---
"Dito ka na mag dinner.." Alok naman ni Xavier. Taimtim parin akong nagdasal na sana pumayag si Savanna. Kaso ang tagal nitong sumagot na parang nananadya pa-
''Okay kuya tulungan ko lang muna sila Marie sa baking room.." Turan ni Sav sa kapatid, na kina hinga ko naman nang maluwag.. Ibig sabihin lang nun, pinaunlakan nito ang imbitasyon ni Xavier sa kanya. Napapa kagat tuloy ako nang pang ibabang labi para pigilan ang ang aking pag ngiti..
Narinig ko nalang ang pag sara nang pintuan at naging tahimik na ang buong paligid.. Mukhang naging abala na din si Xavier sa pagbibihis, samantalang ako ay nagsimula nang hindi komportable sa aking ayos. Gustong gusto ko nang bumangon mula sa pagkaka higa at bumalik na din sa baking room. Gusto kong makasama si Sav--Natigilan ako nang maramdaman ko ang marahang pag lundo nang kama sa kaliwang gilid ko. At dinig ko ang pag hugot ni Xavier nang malalim na paghinga..
"Love...okay ka lang ba?" Malumanay nitong himig na bigla kong kina pikit nang mariin. Napaka bait ni Xavier, napaka buting asawa pero hindi ko malaman sa sarili ko kong bakit- bakit nagawa ko syang lokohin. Nagawa ko syang iputan sa ulo at ang masaklap sa kapatid pa nito mismo, hindi lang yun-- sa kapwa ko pa babae.Naramdaman ko ang pagdantay nang isang palad nito sa aking kaliwang balikat.. at masuyo nitong hinaplos doon. "I love you love.." Rinig ko pang turan nito. Gustong maiyak nang sandaling ito, gusto ko nang mag confess na hindi ko maintindihan. Kaya lang-- masyado pang maaga, ni hindi ko alam kong ano ba ang nilalaman nang puso at isip ni Savanna.. Tsaka malaking eskandalo sa pamilya kong nagkataon..
Kunway, marahan akong gumalaw nang hindi ko na natiis. Napa ungol nang bahagya na para bang kagigising lang mula sa mahimbing na pag tulog.. "Love, okay lang magpa hinga ka lang.." Rinig kong turan ni Xavier, kaya lang naiirita na din ako sa ayos ko kaya tuluyan na akong bumangon mula sa pagkaka higa..
Naka upo si Xavier sa ibabaw nang kama sa tabi ko at naka bihis na nga ito nang pambahay.. Habang naka titig sya sa aking mukha at bakas nang matinding pag aalala na pasimple ko namang kina iwas nang tingin. ''Ahm-''Tikhim ko pa. "Naka idlip pala ako- hindi ko namalayan.." Turan ko habang pa iwas pa rin ang paningin ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
"ALL ABOUT HER" (GXG)
RomanceValerie Tan- Chua, walang ibang hangad kundi maging isang mabuti at mapagmahal na asawa kay Xavier Chua. Gagawin ang lahat para magkaroon sya nang isang perfect na pamilya. katulad sa parents nya at sa parents nang kanyang napangasawa. Kaya lang kah...