Last Chapter

4.2K 146 89
                                    

Savanna pov..

             Mariin kong hinagkan sa labi ang aking pinakamamahal. Wala na akong ibang hangad kundi matapos na ang lahat nang ito, lahat nang agam agam.  Sana naman, itong taong kikitain ko ay may mapapala na ako.  Hindi naman sa ako'y napapagod, nakakapanghina lang nang loob kung masasayang na naman ang effort ko.

               Kaagad namang tumugon si Valerie at ramdam ko ang pananabik sa bawat pagganti nito sa mga halik ko.. Ako man, sobrang nanabik nang dumating ang araw na makakasama ko na sya habang buhay. Gabi gabing mayayakap at sa paggising sa bawat umaga ay siyang aking unang masisilayan.

                Bubuo nang simple pero masayang pamilya, yun lang at wala na akong mahihiling pa.. "Babe." Anas nito nang kusa akong naglayo nang labi upang kami ay sumagap nang hangin.  Napalunok ako nang mariin, tsaka masuyong pinagdikit ang aking noo.

               Mariing kinagat ang pang ibaba kong labi, upang pigilan ang pagngiti nang maalala yung itsura nito kanina,  Ngayon palang naiimagine ko na kong papaano magalit ang aking magiging asawa. Nakikinita ko na ding mukhang magiging under de saya yata ako. Pero ayos lang, ang mahalaga ay ang wagas kong pagmamahal  para dito.

              Muli kung masuyong hinaplos ang magkabila nitong pisngi nang aking mga palad.  Kusang kumilos upang mariing hagkan sya na noo na rinig kong kinasinghap nito..  "Savanna.." Bulong nitong muli.  Para bang may nais ipahiwatig sa kanyang himig na kina-init nang aking pakiramdam.  Kahit na,kong tutuusin kakaligo ko lang naman.

                 "Oh aking Valerie.." Mapang-akit kung tinig. Maaga pa naman para sa aking lakad kaya- "Baka naman, pwede tayong magkape kahit saglit lang----arayyy!!" Daing ko nang naramdaman ang pagkurot nito sa aking tagiliran.

           "Napaka pilya mo talaga.." Turan pa nito.  Pero may halong panggigigil ang boses nito.  "Sabi mo ngang may lakad ka diba! Kaya tigil tigilan mo ako.." Pinandilatan ako nang dalawang mata. Ang sarap talaga nitong malambing.

               Akmang didistanya nang naagap kung hinuli ang kanyang baywang. Dahilan upang muling nagkalapit ang aming katawan. Halos magka dikit na, kaya lalo tuloy akong nakaramdam nang ibayong init.

               Bahagya pa siyang napapa tili nang gawaran ko ito nang halik sa bandang leeg. "Savanna isa..  Pag dika pa tumigil dyan--"

               "Pag di tumigil anong gagawin nang babe ko hmmnn.." Putol ko sa sinasabi nito.  Sabay kinintalan nang mumunting halik sa leeg papataas sa kanyang punong tainga.

               "Sav hmmn." Kumawala ang mahinang ungol mula dito. Nangingiti tuloy ako habang pinagpatuloy ang aking ginagawa- "Savanna, I told you itigil mo yan.. Alam mong ayaw na ayaw kung nabibitin kung ayaw mong hindi ka na makakasipot sa lakad mo.."  Sa sinabi niyang iyon ay kaagad akong napahinto sa aking ginagawa.

              Rinig ko ang marahas nitong paghinga nang tuluyan ko na syang binitawan.  Kung hindi lang importante, hindi na talaga sana ako tutuloy at angkinin ko sya hanggang sa ito na mismo ang sumuko.. Pero sobrang lakas kasi nang kutob kong, ito na yun, malalaman ko na ang buong katotohanan.

               "Sige na Sav, magbihis kana.." Nahigit ko nalang din ang aking hininga.  Ramdam kong may halong pagka dismaya sa kanyang tinig.  Kaya maagap kung inabot at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi.

                

             "Promise, babawi ako saiyo.  Pagka tapos ko sa lakad ko didiretso ako sa bahay nang parents mo okay!" Malambing kong turan.  Kita ko naman nang unti unting pagsilay nang ngiti sa kanyang mga labi.. Anumang kahihinatnan nang lakad ko,  sisiguraduhin link siya itong unang makakaalam.

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon