Chapter 45

3.8K 163 28
                                    

Savanna pov..

                Valerie.. Akmang lalapitan ko na sana sya, nang maramdaman ang dalawang kamay na maagap at mahigpit na humawak sa isa kong braso. Rinig ko pa ang paghugot ni Dad nang malalim na paghinga. Nagtaka ako sa kinilos nito. Hindi ko tiyak kong anong rason bakit nya ako pigilan sa nais ko sanang gawin. Pero mas pinili kong sumunod nalang.

              Nagsenyas pa sya na pumasok na ako sa loob nang sasakyan. Hindi nalang din ako komontra nang marahan na akong pumasok sa loob at umupo sa tabi nang driver seat.

              Gosh- I miss her so much! Andun parin yung bilis nang tibok nang aking puso. Habang nakasunod ang paningin ko kay Dad nang marahan na siyang humakbang papalapit sa kinaroroonan nang mag-ina.

             Tsaka ko biglang naalala--  dito nga pala nakalibing si Aaron. Mukhang dadalaw ang mga ito. Pagkatapos ay biglang  nakaramdam nang kirot sa dibdib, nang isiping sa tinagal tagal nang panahon dito lang din pala nakalibing ang aking Ina.

               Tinted ang bintana nang sasakyan kaya malaya kong pinakatitigan ang aking pinakamamahal. Ni hindi ko napigilang mapa ngiti at napapa kagat labi dahil huling huli ko syang pasimpleng napapa tingin sa direksyon ko habang abalang nag-uusap ang Daddy at Mommy nito. Hindi ko man naririnig ang kanilang pinag-uusapan, halatang seryosong bagay ang pinagdidiskusyunan nila. Ayon na rin sa ekspresyon nang kanilang mga mukha, lalo na ang Mommy ni Valerie na parang galit pa yata.

               Gustong gusto ko itong yakapin nang sobrang mahigpit para maibsan ang labis na pangungulila ko.. Ngunit-- alam kong hindi pa ito ang tamang timing, marami pa akong kailangang gawin-- Kaagad akong umayos nang pagkaka-upo nang mukhang nagpapaalam na si Dad sa dalawa. Pagka tapos, napa baling ito sa gawi ko  at nagsimula siyang humakbang pabalik nang kotse.

              Inabala ko nalang ang sarili ko nang marahan akong nagkabit nang seatbelt. Medyo hirap, dahil sa kumikirot kong sugat pero sinikap kong makaiwas, para hindi na
magawi pa ang mga mata ko kay Valerie. Saktong nakatapos na ako nang marinig ko nang tumunog ang lock nang pinto sa driver side. Bumukas iyon at pumasok si Dad.

              Umupo si Dad  sa tabi ko pero mas pinili kong manatili ang mga mata ko sa labas nang bintana sa gilid ko. Maging sa kanya ay umiiwas na ako- umiiwas na hindi mapag usapan si Valerie o kong anumang ganap sa pag-uusap nila. Lihim nalang akong napa buga nang hangin nang marinig ang pag start nang makina nang sasakyan. Hanggang sa marahan na itong umusad papalayo sa lugar.

                Sobrang lapit mo na Vale' pero pakiramdam ko- napakalayo parin natin sa isa't isa.. Hugot ko nang malalim na paghinga, makaraang makalabas na kami sa malaking tarangkahan nang memorial park.

             Nasa national road na kami nang wala paring imikan. Hindi ko kasi alam kong papaano e- approach si Dad matapos---   "Dadalawin daw nila ang kuya Xavier mo bukas sa Pampanga." Basag ni Dad sa katahimikan. Doon kasi ang rehabilitation center na pinagdalhan nila kay Xavier.

                 Lingid iyon sa kaalaman nang kahit na sinong kamag-anakan namin- ay nila pala. Ganyan naman sila, masyadong masekreto  pilit na tinatago ang kanilang mga baho. Napa buga muna ako nang hangin, tsaka  bumaling  kay Daddy.. Umawang ang aking labi pero bigla namang naumid ang aking dila. Kaya  hindi ko na naman malaman ano ba ang  tamang sasabihin.

           Wala naman kasi akong karapatang komontra dahil- sa mata nang lahat mag-asawa parin sila. Desisyon na yan ni Valerie.
"Dad, pakihatid po ako sa condo please."  Iyon nalang ang naisip kong sasabihin. Hangga't maari gusto ko munang maging tikom bibig sa mga  nagaganap sa paligid.

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon