Chapter 19

5.2K 179 101
                                    

Valerie pov..

           "Marie, kapag dumating yung pinsan mo-- ah- ikaw muna ang bahala sa kanya.." Hilot ko sa aking sentido habang si Marie naman ay naka tangang naka titig sa akin. "Ituro mo yung magiging kuwarto nya, basta bahala ka na muna.." Bilin ko habang nagtatalo parin ang kalooban ko, kong pupuntahan ko ba si Savanna o e- message ko nalang sya. Kaso bihis na bihis na ako--

           "Ah- aalis din kayo ate! Susunod ka din kay kuya Xavier sa boracay?-"

                 "Hi-hindi, I mean Oo.." Natataranta ko namang putol sa sinasabi nya.. "Ibig kong sabihin Oo aalis ako pero babalik din ako kaagad-" Napa ngiwi kong sabi.

              "Okay ate.. pero, paano po yung mga orders natin ngayong araw.." Oo nga noh! Lalo tuloy sumasakit ang ulo ko. Hindi ba ako pwedeng sumaglit lang, aalis na si Savanna. Gusto ko lang syang makita bago sya tuluyang umalis nang bansa. Yun lang!

               "Ahm- sabihin mo bukas na, message mo sila dyan sa page natin sa laptop." Turo ko sa may mini office ko.. "Bibili muna kasi ako nang stocks baka kukulangin tayo.." Pagdadahilan ko pa. Gosh! Kailangan ko pa talagang mag alibi nang ganito. Naguguluhan tuloy si Marie na naka titig parin sa akin. Alam din kasi nitong madami pa kaming stocks, pero alam din naman nitong ayoko din yung nagkukulang kami nang ingredients.

             "Okay ate." Napa buga nalang sya nang hangin. Basta ang bilin ko nalang sa kanya, sa mga buyers and orders. Bukas nalang after lunch ang delivery..para morning ako mag bake, o kong makaka habol pa ako mamaya. Maaga pa naman!

                

                Nag drive na ako nang aking sasakyan patungong Makati. Pero habang nasa daan, andun parin yung pagdadalawang isip ko kong tama ba itong ginagawa ko!? Bahala na! Hugot ko nang malalim na paghinga, kong wala na si Savanna sa unit nya-  okay lang, mas mainam nga kung ganun, para matigil na itong kahibangan ko.

                  Napapa hilot  nalang ako nang aking sentido nang nasa tapat na ako nang pintuan nang condo unit ni Savanna. Gosh! Sobrang kabog nang dibdib ko, nang wala sa loob kong napindot ko ang doorbell na kina pitlag ko pa.. Shit! Gusto ko nang umatras lalo na nang, makalipas ang ilang segundo nang wala paring nagbubukas nang pinto.

             Sign na, mukhang wala na ngang tao sa loob. Kaya napa hugot nalang ako nang malalim na paghinga. Siguro nga hindi- na kami kailangang magkita ni Savanna. Tatalikod na sana ako nang biglang umawang ang pintuan na kina singhap ko nang tumambad si Savanna sa harapan ko.

              Oh my god! Natulala nalang ako nang sandaling ito kumabog nang husto yung dibdib ko at biglang naumid ang dila ko.
"Vale..." Pabulong nyang bigkas. Pagka tapos ay hindi ko inasahan nang  bigla nalang nitong hinablot ang kaliwa kong braso at hinila ako sa loob nang unit nito. Tsaka mabilis na sinara ang pintuan.

                 Hindi ko naman malaman kong anong gagawin- kong ano ba ang sasabihin ko sa kanya kung bakit ako biglang napa sugod dito. Kaya naman, napa singhap ako nang mapa baling ang aking paningin sa maleta nitong naka lagay sa may gilid nang pintuan nang kuwarto nya. Mukhang ready na  sya sa kanyang pag alis.

               Shit! Biglang sumikip ang aking paghinga habang nilalaro laro ko ang aking mga daliri sa kamay.. Savanna.. Nangingilid ang mga luha kong muling napa baling sa kanyang mukha. Bakit ako nakakaramdam nang sakit-
"Ahm- aalis na ako.. Sorry naistorbo yata-" Argh!! Muli na akong tumalikod at hahakbang na sana ako patungo sa may pintuan. Nang maramdaman ko ang mahigpit na pag yakap sa akin ni Savanna mula sa aking likuran.

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon