Savanna pov..
"Pwedeng pwede ka naman kasi sa bahay.." Napapa bugang hangin na turan ni Spencer bakas ang lungkot sa kanyang mga mata. Habang inililibot ang paningin sa loob nang inuupahan kong bahay. Hindi man sya ganun kalakihan, okay lang dahil mag isa ko lang naman.
"Salamat, don't worry ayos na ako dito.." Tugon ko. Na sinabayan ko pa nang pag ngiti.. Alam ko naman na nadismaya talaga sya sa naging pasya ko pag dating namin dito. Kaya lang kasi, ayoko namang abusuhin yung kabaitan nya. Hindi dahil sa sobrang inlove parin sya sa akin ay gagawin ko na syang sangkalan para makalimut na nang tuluyan sa nararamdaman ko para kay Valerie..
Hindi dapat ganun. Mag isa akong nadapa kaya, mag isa din lang akong babangon.. Napa hugot tuloy ako nang malalim na paghinga.
Naramdaman ko na naman yung kirot sa dibdib ko.. Hindi ko parin kasi maiwasang hindi ko sya isipin-- malamang naka balik na nang bansa sina kuya Xavier at Valerie.
Nung gabing iyon, na kahit pinagtabuyan na naman ako nang babaeng pinakamamahal ko.. Kinailangan ko paring tapusin ang dinner dahil nakaka hiya naman sa aking kuya.. Hindi na ako muling nagpakita sa kanila pagka tapos. Ayoko na din kasing maka gulo pa dahil-- buntis na si Valerie.. na lihim kong kina ngiti nang mapait nang sandaling ito..
Na kina hugot kung muli nang malalim na paghinga, dahil pakiramdam ko bigla akong kinakapos nang hininga.
"Okay ka lang ba Sav?" May pag aalalang himig na turan ni Spencer. Sinalat nya ang aking noo na muntik ko pang kina iwas dahil napapaso ako sa hawak nito.. Mukhang hindi naman nya yun nahalata.."Wala ka namang fever or dahil masyado mo nang inaabuso ang sarili mo- ang katawan mo.. Magpahinga ka naman!"
Sanay akong maging independent, kaya lang sinasanay ko pa ang sarili ko para magtrabaho. At hindi ito dapat malaman nang pamilya ko lalong lalo na ang parents ko.
At kong nagkataon, sure akong mapapa sugod ang mga yun. Sa ayaw at sa gusto ko, goodbye Paris na ako.. na ayokong mangyari. Hindi pa ako handa- hindi pa ako handang makita si Valerie na muling masaya sa piling nang aking kuya.
Two weeks na akong nagtatrabaho biglang service crew sa isang café at straight duty. Ayoko kasing mag off dahil wala naman akong gagawin..
"Spencer.. Ahm- gusto ko na sanang magpahinga.." Hugot ko nang malalim na pahinga. Wala talaga akong ganang mag entertain ngayon, kung hindi lang sya nagpumilit na sumama ngayon at tignan yung tinitirhan ko."Okay- magpahinga ka nang husto.. dadalawin nalang kita ulit dito.." Hindi na ako naka tanggi nang bigla niya akong kabigin at yakapin nang mahigpit. Hindi na din ako komontra pa sa sinabi nyang dadalaw uli sya. Ayoko namang maging rude nang husto sa kanya.
Hinatid ko sya sa may pintuan lang at pagka tapos isinara at nilock ko na ang pintuan. Muli akong napa hugot nang malalim na paghinga. Napa sandal ang likod ko sa may pintuan at nahulog sa malalim na pag iisip.
Magkaka anak nang muli si Valerie at ang kuya ko. Magiging maayos nang muli ang pagsasama-- maayos naman sana kung hindi ka nakigulo. Kung hindi mo ginulo ang buhay ni Valerie, kung hindi ka umeksena.. Kaya nga umiwas na ako nang tuluyan diba! Para akong sira ulong kausap ang sarili ko.

BINABASA MO ANG
"ALL ABOUT HER" (GXG)
RomanceValerie Tan- Chua, walang ibang hangad kundi maging isang mabuti at mapagmahal na asawa kay Xavier Chua. Gagawin ang lahat para magkaroon sya nang isang perfect na pamilya. katulad sa parents nya at sa parents nang kanyang napangasawa. Kaya lang kah...