Chapter 18

4.7K 161 30
                                    

Valerie pov..

                "Bakit kailangan mo pang papuntahin yung pinsan ni Marie.." Buntong hiningang wika ni Xavier habang naka upo kami sa ibabaw nang aming kama at mataman nitong hinihilot hilot ang mga binti ko. Dahil medyo nakaka ramdam ako nang sakit dahil siguro halos naka tayo ako sa maghapon sa pagbe-bake..

           ''Love.. kailangan ko nang taga deliver nang orders,hindi naman kakayanin kong kami lang dalawa ni Marie.." Katwiran ko naman. Buti nga pinapaalam ko pa sa kanya, kesa naman magugulat nalang sya kong darating bigla dito si banjo bukas. Sa loob nang one week na nag start ako sa negosyo, dumarami na yung orders. Yung iba taga ibang bayan pa..

            "So, lalaki pa pala yung kinuha mo.." Turan naman nito. Na kina tirik nang dalawang mata ko. Pati ba naman yun issue pa sa kanya. Natural lalaki ang kailangan ko, para kayang kayang magbuhat at mag hatid gamit ang motorsiklo.

                "Don't tell me, pagseselosan mo pa yung bata.  Xavier naman halos ka edad lang yun ni Sa-vanna.." Medyo napa hinto pa ako sa pag bigkas sa pangalan nang kapatid niyang isang linggo ko na ding hindi nakikita. Talagang pinaninindigan nito ang sinabi kong iwasan ako.. Lihim tuloy akong napa buga nang hangin.

               "Ibig sabihin mga ilang taon yun. Mga twenty-two-" Mabilis naman akong napa tango. Sa pagkaka-alam ko twenty three na si Sav. "Okay! Make sure na may time ka pa sa akin.. kasi mukhang lumalago na ang negosyo mo love.." Birong totoo nito na kina hugot ko nalang nang malalim na paghinga. Sya itong naka isip nang idea na ito para may pagkaka abalahan ako.

            Kahit na naalangan pa ako noong una- pero naisip ko mainam na ding magpaka busy ako para sa sarili ko. Para  makalimutan yung nangyari---

                "Speaking of Savanna.. mukhang matutuloy yata ang flight nila bukas patungong China ni Jovannie.." Seryoso tuloy ang mukha kong napa baling kay Xavier habang busy parin ito sa pag massage sa aking mga binti. China- si-sinong Jovannie?

               "Sinong Jovannie--"

               "Anak ni kuya Curt, pinsan naming buo sa Father side.." Anong gagawin nila doon sa China ni Savanna-" Nahuli syang may kasamang lalaki sa loob nang kanyang kuwarto.." Ano naman kong lalaki-- "Umamin sya sa magulang nyang isa syang-- bakla, gay!" Lalaki pala yung si- kilala ko na si Joe. Nasa señor high school palang yung bata-

              ''Bakit pupunta sya nang China?" Curious ko namang tanong.. Gusto ko lang malaman kong bakit kailangan pang sumama si Savanna.

            "Para patinuin, magtino at marealize nyang kasalanan sa lipunan ang ginagawa nya. Pagiging bakla at kahit ano pa ay hindi kinokonsinte nang pamilyang ito.." Pagalit nyang wika. Umayos naman ako nang higa at inalis ko na ang mga paa ko na naka dantay sa kanyang kandungan. Parang bigla nalang akong nawalan nang gana na magpa hilot sa kanya.

             "Alam mo kong anak ko lang din ang magiging ganun, hindi rin ako magdadalawang isip na ipatapon doon." Turan parin nito na kina hugot ko nalang nang malalim na paghinga.  So, kailangan ba ni Savanna na sumama para patinuin na din mismo ang sarili nya?

               "Ilang araw sila doon?" Wala sa loob kong tanong. Para sa akin hindi naman kasalanan sa lipunan kong anong gender preference nang isang tao. Hindi tayo perpektong nilalang at hindi natin mapipigilan ang ating puso kong sinong ibigin-- kaya lang ayoko namang makipagtalo sa asawa sa bagay na yan.  Hahaba lang kasi ang usapsn--

                "Hindi lang araw Love.. depende yun kong magtitino sya kaagad. Aabutin nang months or years.. one year, two years.. Kung hindi man  mabubulok na sya doon habang buhay.." Lihim naman akong napa singhap sa narinig ko mula kay Xavier. Ibig sabihin ganun din katagal mawawala si Sav--
Diba ito naman yung gusto ko, mawala na sya nang tuluyan sa buhay ko.

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon