Chapter 39

3.9K 140 19
                                    

Savanna pov..

            "NO!!" Hiyaw ko.. Hindi ito maari-  Valerie..  Argh!! Mapapatay kita kuya Xavier.. Gigil ko, lalo na nang marinig ko ang malulutong nitong halakhak. Kung magka harap lang kami ngayon baka nasakal ko na ito hanggang tuluyan syang malagutan nang hininga.. Isa na syang monster para sa akin!

             "Wala ka nang magagawa bunso.. dahil wala ka naman talagang kayang gawin!! Hindi mo ako kayang takasan, yan ang tatandaan mo! Hindi mo ako kaya."

               Hindi mo ako kaya!! Tila nag e-echo sa isipan ko ang mga katagang iyon lalo na yung malulutong nitong halakhak.. No Please.. Valerie-
Napa singhap ako nang basta nalang binalot  nang panlalamig nang buo kong katawan. At hindi ko na ding namalayang ang pag hikbi ko nang malakas nang sandaling ito.

               "Yan lang naman ang kaya mong gawin,umiyak!?"

                Nanunuya nyang bigkas! Dahilan para marahas kong pinahid ang mga luhang umagos sa aking pisngi. Halos pigain ko na din ang hawak kong cellphone ko sa gigil ko habang nanginginig ang mga kamay ko. 

                   "Goodbye little sister! Ngayon palang, magpaalam kana sa asawa ko na inagaw mo. Tandaan mo!! sa ASAWA KO!!" Pinangalandakan nyang turan..

              No-- no please.. Naiiling nalang ako dahil  sobrang nagpapanic na ang  kalooban ko, dahilan upang halos habol ko na sa sobrang bilis nang aking paghinga.

                 "Xavier no!!'' Hindi ko na napigilang bigkas.. Pilit ko syang pinigilan para huwag ituloy kong anuman ang kanyang binabalak na hindi maganda. Wala na akong paki alam kong hindi ko na sya ginalang pa.  Dahil, para saan pa! Sa nangyayari ngayon, talo talo na!

               Hindi ako makakapayag na tuluyan syang mawawala sa akin--
"Sav.. iligtas mo na lang ang sarili mo.. Hayaan mo na ako, huwag mo na akong iisipin-- Biglang sumingit si Valerie. Na lalo kong kina hikbi nang hindi mapigilan.

                  Pero bigla din syang  napq hinto nang sandaling nagsalita na naman si Xavier.. "Tama na ang kadramahan ninyong dalawa!" Hiyaw nito.. "Imbes na magmakaawa kayo sa akin, talagang gusto niyo pang dagdagan lalo ang galit ko ha!! Pwes-- para pareho na tayong hindi makikinabang sa kanya. Ano kaya kong tapusin ko nalang ang buhay nang babaeng ito!"

             Nanlaki bigla ang mga mata ko at-- napa lunok nang husto. H-hindi masamang tao ang k-kuya ko, pero sa sitwasyon ngayon.. Nababaliw na-- sya! God!! Hindi malabong mangyaring magagawa nya ang bagay na yun. Desperado na sya masyado.

               ''Oh- may naisip akong mas maganda.. Papatayin ko muna sya tsaka ko isusunod ang sarili ko. At least sa huli, kami paring dalawa ang magsasama.."  Napahalakhak na naman sya nang malutong.. at kina pikit nang mariin nang sandaling--- Isan malakas na pagputok nang baril ang aking narinig.

               "Xavier NO!!" Muling napa mulat nang mga mata. Please.. Pagka tapos nun, natahimik ang nasa kabilang linya.. "X-xavier..." Biglang kumabog nang husto ang dibdib mo. "Xavier damn it!!" Mariin kong naisabunot ang mga daliri ko sa aking buhok gamit ang libre kong kamay.

                    "Magsalita ka!!! Anong ginawa mo... Anong ginawa mo kay Vale-- Narinig ko nalang ang mahina nitong pag hikbi.. Oh God--

               "L-love.  Gising..Shh-- H-hindi ko sinasadya..." 
Oh no!! Yung dibdib ko, parang pinipiga nang husto. Damn you Xavier!!!  "Hindi ko pa naman dapat-- ipuputok yun e!"

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon