Chapter 1

8K 204 23
                                    

Savanna pov..

                "Love, let's go!"Buntong hiningang wika nang aking kuya habang patuloy ang marahang pag hagod niya nang likod ni ate Valerie nang walang humpay sa paghagulgol. Ako man ay hindi parin tanggap mga nangyari na wala na si Aaron ang kaisa isa kong pamangkin. Napaka bata pa nya sa edad na limang taong gulang para mawala sya sa piling namin..

           "No! Dito lang ako, hindi ako aalis sa puntod nang anak natin.." Tugon naman ni ate Valerie habang patuloy lang sa pag hikbi. Lahat ay nag luluksa ngayong araw nang libing kaso nga lang.. wala na kaming magagawa pa! Napa buga naman ako nang hangin habang naka tayo ako dito sa kanilang likuran. Lahat nang kamag anakan namin ay nagsi alisan na. Kami nalang tatlo ang natitira.

            Masakit para sa isang Ina na mawalan ang anak, kaya lang kailangan natin ipagpa tuloy ang buhay. Maging matatag sa lahat nang oras..
"Ate.. hindi masaya si Aaron kapag nakikita ka nyang ganyan.." Hindi ko na natiis na hindi magsalita nang sandaling ito dahil pansin kong nauubusan na nang pasensya ang aking kuya. Marahan naman syang kumilos at kumalas sya mula sa pagkaka yakap sa kanya nang kanyang asawa.

           "Si Aaron ay isa na ngayong-- angel at isipin nalang natin na andyan lang sya sa tabi natin, sa tabi mo. Nararamdaman kahit hindi natin sya  nakikita." Dagdag ko pang wika na kina ngiwi naman nang aking kuya. Mukhang nakinig naman ito sa sinasabi ko at marahan naman itong napa tango.. Sinamahan ko pa nang matamis na ngiti, kailangan naming maging matatag pare-pareho.

            "Savanna..'' Marahan nitong bigkas sa pangalan ko na kina ngiti ko lalo.

          "Tara na ate.. palagi nalang nating dadalawin si Aaron dito." Pampa lakas loob ko pang turan. Marahan naman syang humakbang palapit sa kinaroroonan ko nang bigla syang akbayan nang kuya ko at inaya  na siya ulit na umalis na sa lugar.  Inakay na niya ito at nauna na silang naglakad. Kaya napa sunod nalang ako patungo sa parking area nang memorial park..

           Hindi na din ako nakapag paalam nang maayos, dahil malayo ang distansya nang aking sasakyang naka park sa sasakyan nila. Nagpasya akong uuwi nalang nang unit ko sa Makati.. napa buga ako nang hangin tsaka ko binuksan ang pintuan nang aking sasakyan..

         "Sav.. sasabay na ako sayo ha!" Biglang sulpot nang napaka kulit kong pinsan na si Ella. Naka tayo na ito sa may kabilang side nang kotse ko. Ibang klase kasi ang kakulitan nito.
"Hindi kasi ako hihintay nila Dad eh, wala kasi akong dalang sasakyan!?" Paliwanag pa niya. Walang dala, malamang sinadya talaga nyang hindi magdala. Kaya napa hugot nalang ako nang malalim na pag hinga tsaka ko pinindot ang unlock nang pintuan.

            Bumaling muna ako sandali sa gawi nila kuya Xavier at saktong naka tingin din sila sa gawi ko. Kumaway pa ako sa kanilang mag asawa bago ko binuksan ang pintuan nang aking sasakyan at marahan na akong pumasok sa loob. Saktong pumasok na din si Ella. Ang hirap naman nang sitwasyon nila ngayon lalo na si ate Valerie first child nila yun..

             Wala naman kaming imikan nitong si Ella nang pina usad ko nang sasakyan.

              "Bakit napaka tahimik mo?'' Puna nito. Pagka tapos ay kinuha nito ang isang palad ko at pinagsalikop sa palad nya. Na kina baling ko sa kanya nang masama. Alam niyang nagmamaneho yung tao eh..

        "Ella, sino namang hindi malulungkot sa mga nangyari.." Hugot ko nang malalim na pag hinga at pilit kong binabawi ang aking kamay buti at binitawan naman niya ito. Sabay halukipkip nito.

          "Well, hindi naman sana mangyayari yun, kong hindi sya irresponsible na Ina! Duh! Nasa bahay lang sya para alagaan ang anak nya tapos anong nangyari- pinabayaan lang niya.." Pataray nyang wika.. Yes, halos lahat sila ay sinisisi si ate Valerie sa pagka wala nang kanilang anak. Ewan ko lang kong si kuya, pero wala namang may gusto sa mga nangyari. Pwede mo bang sabihin yung lamok na may dalang dengue na. Hoy huwag mong kagatin yang bata kasi nag iisang anak lang yan.. kawawa naman yung magulang niyang mangulila pag nawala sya..

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon