Savanna pov..
"Vale'.." Basag ko sa naka bibinging katahimikan.. habang titig na titig parin kami sa isa't isa. Nalaman nya sigurong naka balik na ako nang bansa, kaya lang bakit naman nya akong pupuntahan. Pasimple tuloy akong tumingin sa paligid, baka kasi may nakamasid at makarating na naman kay Spencer... Ayokong mapa hamak si Vale'.
"Dumating ka na pala pero ni isang message galing sayo wala man lang..." Seryoso nyang turan na kina awang naman nang labi ko nang sandaling ito. I don't understand, pero bigla nalang bumilis ang tibok nang aking puso sa narinig ko. "At mukhang may lakad ka pa yata, nagmamadali kang umalis Sav? Iniiwasan mo ako.." Bigla itong nag iwas nang tingin. What? Bigla tuloy na umid ang dila ko.
Sunod sunod akong napa lunok at hindi malaman kong anong sasabihin.. Hanggang sa bigla na namang sumagi sa isip ko yung mga sinabi ni Spencer kagabi. "Ahm-.." Bigla tuloy akong napa tikhim..
"May kikitain ako nang maaga.." Mahina kong turan tsaka simpleng napa buga nang hangin."Flings? Isa sa mga babae mo.." Wika nito na lalo ko tuloy kina lito. A-ano bang nangyayari kay Valerie! Wala tuloy sa loob kong hinatak ang kanyang kaliwang braso at basta nalang hinila papasok dito sa loob nang unit. Mabuti pa nga siguro mag usap muna kami, total hindi naman alam ni Spencer na balak ko syang kitain. Kaagad kong sinara ang pintuan pagka tapos ay humarap ako sa kanya.
Gustong gusto ko na syang sunggaban nang sandaling ito at siniilin nang halik ang kanyang labi. "Makikipag kita ako sa ex- kay Spencer.." Turan ko na kina singkit lalo nang dalawang mata nito. "Vale' ano bang ginagawa mo dito?" Kunway tinapangan ko ang boses ko. Na bigla naman nyang kina iwas nang tingin..
Vale, ginagawa ko lang ito para din lang sa proteksyon mo. Pakiramdam ko, konteng maling galaw ko lang pareho tayong mapapa hamak. Hindi biro yung mga sinabi ni Spencer... Tiim bagang kong turan sa aking sarili.
"Sige a-alis na ako.. Mukhang naka istorbo lang ako sa lakad ko.." Akmang hahawakan na nito ang doorknob nang mabilis kong pinigil ang kanyang kamay. Mahigpit ko itong hinawakan at hinilang muli paharap sa akin. "Hi-hindi ko nga alam kong bakit ako nagpunta dito, bakit-- bakit hindi ako maka tiis na hindi kita puntahan at gustong makita nang malaman kong naka balik kana pala.." Litanya nito sabay hilot sa kanyang sentido.
God, Valerie.. don't tell me-- pareho lang tayo nang nararamdaman.. "Masyadong komplikado diba! Valerie.. hi-hindi ko din sinasadya..'' Bigla ko nalang syang kinabig at niyakap nang mahigpit.. Narinig ko ang kanyang pag singhap hanggang sa naramdaman ko ang pag yugyog nang magkabila niyang balikat.
Umiiyak sya!? mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko sa kanya at mariin kong pinikit ang aking mga mata. Pagka tapos ay masuyo kong hinagod ang kanyang likod. Hindi man sya nagsasalita pero tila nababasa ko ang nasa isip niya nang sandaling ito.. hinayaan ko lang syang umiyak para mailabas ang bigat nang kanyang nararamdaman.
Hindi ko alam kong ilang minuto kaming naka tayo habang mahigpit na yakap ang isa't isa. Hanggang sa naririnig ko na medyo kumalma na ang paghinga nito.. Naramdaman ko nalang na dahan dahan na syang kumalas mula sa mahigpit na yakap.. napapa singhot ito at hinayaan nya akong masuyong pinahid ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi gamit ang aking daliri..
God! mahal ko na nga ang babaeng ito nang hindi sinasadya.. Tila may sariling isip ang katawan ko dumukwang at ginawaran ko sya nang masuyong halik sa noo. "Savanna.." Napa singhap naman nitong turan. Pagka tapos ay nag tagpo ang aming mga mata.

BINABASA MO ANG
"ALL ABOUT HER" (GXG)
RomanceValerie Tan- Chua, walang ibang hangad kundi maging isang mabuti at mapagmahal na asawa kay Xavier Chua. Gagawin ang lahat para magkaroon sya nang isang perfect na pamilya. katulad sa parents nya at sa parents nang kanyang napangasawa. Kaya lang kah...