Valerie pov..
Laglag ang balikat ni Xavier nang sandaling humarap ito sa akin, hawak hawak ang kanyang cellphone. Pagka dating palang namin, pagka tuntong palang sa hotel na aming tinuluyan dito sa Paris ay kaagad na nitong konontak ang kapatid. Kaya lang may isang oras na yata syang dial dito, tawag doon pati sa social media account ni Savanna hindi active.
Napa hugot ito nang malalim pagka tapos..
"Ahm- anong nangyari?'' Pinilit kong maging kalmado sa harapan nito. Kahit na sa totoo lang, sobrang kabog na nang dibdib ko. Sobrang nag aalala na din ako kay Savanna--"I don't know, I don't have any idea.. Cannot be reach lahat.." Bakas na sa mukha ni Xavier ang labis na pag aalala sa kapatid.. Dahil napa hilamos na sya sa mukha nito gamit ang palad "Pero susubukan ko parin--"
"Ikaw na nga mismo nagsabi na malaki na sya diba! na kayang kaya na nya ang sarili nya.." Putol ko sa sinasabi nito. Sabay marahas na tumayo mula sa pagkaka upo ko sa ibabaw nang kama. Naiinis na ako sa totoo lang, sa sobrang pag aalala ko doon sa tao. Baka anytime sasabog na ako.. lalo lang akong napo- frustrate sa itsura din ni Xavier- "Pwede ba Xavier- huwag mo nang ini-stressed ang sarili mo sa kapatid mong may katigasan ang ulo." Dagdag ko pang turan.
"Andito tayo para sa- sa ating dalawa. Para mapakag relax at kong isipin at isipin mo lang ang kapatid mo mabuti pa maglilibot nalang muna akong mag isa. At ilaan mo nalang yang oras mo sa paghahanap sa kapatid mong halata namang pinagtataguan tayong dalawa.." Litanya ko uli na halos mag hysterical na ako sa harapan nito. Wala na akong paki alam kong nilabas ko na yung frustration ko, sobrang inis ko kay Savanna eh.
Pagka tapos nun pabalya kong dinampot ang aking bag, padabog na humakbang sa may pintuan. "Valerie..." Rinig ko pang pagtawag sa akin ni Xavier. Pero hindi ko sya pinakinggan.. nag tuloy parin akong lumabas nang pintuan. Para akong wala sa sariling naglakad sa hallway nang hotel.
Nakaka inis.. nakaka asar, na hindi ko maintindihan ang sarili ko nang sandaling ito.. Inis na inis ako sayo, humanda ka sa akin once na makita kita.. Gigil kong turan sa aking sarili. Sigurado akong-- Argh!! Imposibleng hindi nya alam na nagtungo kami ni Xavier dito, sigurado ako nasabi na yun sa kanya nang Mommy nila. Sige lang Savanna, umiwas ka lang nang umiwas sa akin..
Yung inis ko tuloy sa kanya, kay Xavier ko na naman naibunton. Paano ba naman kasi- kasi! Asar talaga!! Naka labas na ako nang naturang hotel pero hindi ko naman alam kong saan ako pupunta.. hanggang sa napa hinto ako sa harapan nang isang cafe at nagpasyang dito ko nalang pakalmahin ang aking sarili.
Mas okay pa nung andun ako sa pinas, nalilibang ko yung sarili ko sa pagbe-bake ko. Kahit papaano, naiiwasan kong isipin nang isipin si Savanna.. Nababawasan yung sakit na aking nararamdaman, yung pangungulila ko. Napa hugot ako nang malalim na pahinga.
Juice lang ang inorder ko, gusto ko lang naman kasing magmuni muni. Napa pitlag pa ako nang biglang nag vibrate ang phone ko sa loob nang aking bag. Mabilis kong tinignan kong sino ang tumatawag, pero napa buga lang ako nang hangin at hindi ko pinansin nang makita kong si Xavier lang naman. Nakaka stressed na kasi lalo na ganun yung inaasta nya sa harapan ko.
Hindi ko nalang pinansin yung cellphone kong walang tigil sa pagba vibrate. Alam kong magsasawa din itong tawagan ako..
Ewan ko kong ilang minuto ako sa nasabing cafe, na parang sira ulong kinaka usap ang aking sarili. Nang mapansin kong tila may tumitingin sa akin. Dahilan para mapa linga linga ako sa paligid ko pero napapa kunot noo ako kasi mga abala naman ang mga taong andirito ngayon.. Baka si Xavier lang yun, nakamasid dahil mabilis lang naman akong masusundan dito sa kinaroroonan ko.
BINABASA MO ANG
"ALL ABOUT HER" (GXG)
RomanceValerie Tan- Chua, walang ibang hangad kundi maging isang mabuti at mapagmahal na asawa kay Xavier Chua. Gagawin ang lahat para magkaroon sya nang isang perfect na pamilya. katulad sa parents nya at sa parents nang kanyang napangasawa. Kaya lang kah...