Chapter 25

4.5K 197 53
                                        

Savanna pov..

              "Babe, you okay?" I hate you Valerie.. Pikit mata kong bigkas sa aking isipan. Hanggang sa naglakbay na naman ang utak ko sa pangyayaring nang araw na iyon.

              Ramdam ko ang pagbabago nang pakitungo ni Valerie sa akin pagka tapos nang hapong iyon. Yung hapong dumating si kuya Xavier galing trabaho at iniwan ko sila ni Valerie sa loob nang kanilang kuwarto.

            Naging mailap na si Valerie at sobrang sakit para sa akin nang hindi ko maintindihan..Akala ko okay na kami na- okay lang ang lahat pero nag iba..Nang hindi ko na matiis pagka tapos nang ilang araw ay ako na mismo ang nag message sa kanya na puntahan ako sa unit ko..

              ***  "I'm sorry Sav-- kailangan na nating itigil ang kalokohang ito!" Bungad agad ni Valerie sa akin. At hindi ko inasahan ang mga sinabi nito.  Kalokohan? Pag uulit pa nang utak ko. Napa awang tuloy  ang labi ko habang naka titig ako sa mukha ni Valerie na todo iwas naman na magtama ang aming mga mata.  "Hindi ko- hindi ko kayang iiwanan si Xavier, nang dahil lang sayo, nang dahil lang sa- ligayang binibigay mo sa akin--"

            Napa tawa nalang ako nang pagak nang sandaling yun dahilan para mapa hinto ito sa pagsasalita. Props ko lang yun, dahil sa totoo lang nakaramdam ako nang pag sikip sa aking paghinga, nasasaktan ako.. Palihim na lang akong napa singhap. "Okay fine, so- tama na ganun ba!'' Halos pabulong kong bigkas dahil kamuntik nang pumiyok ang boses ko.. Bigla namang namayani ang naka bibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa.

          Kung ayaw na nya talaga at nakapag desisyon na  sya, alangan namang ipipilitan ko pa ang sarili ko. Kahit gustong gusto ko, gusto kong magmakaawa, lumuhod sa harapan nya. My God! Mahal ko na ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Mahal na mahal ko na ang asawa nang kapatid ko..

            Kaya lang anong laban ko-  kasal parin sila nang kuya ko..mas pinili na nya ito.. Siguro nga hanggang dito nalang-- "It's okay!" Napa buga nang hangin kong turan.."No hard feelings right?" Lakas loob kong wika dahilan para pinaningkitan nya ako nang mga mata.   Nagkaroon tuloy ako nang pagkakataon para salubungin ang tingin. Naglabanan pa kami nang titig hanggang sa sya din ang unang nagbawi.

           "Kunsabagay, alam ko namang bale wala lang ito para sayo.. Marami pa naman sila diba, single pa naman sa mga ka flings mo. Hindi katulad ko..Kaya mas mainam nang itigil na natin ito, at least sa asawa ko sigurado pa ako  na ako lang ang ginagalaw nya ang pinapa ligaya nya..." Ano?? Anong pinagsasabi nito! Nakaramdam tuloy ako nang kakaibang sakit sa dibdib sa kung anong lumabas sa bibig niya. Gustong gustong dumapo nang malakas ang palad ko sa kanyang mukha,kaya lang sobrang pigil ko sa sarili ko..

            Gustong gusto ko syang murahin, sumbatan sa totoo lang dahil tagos sa puso ko ang sinabi nya. Kaya lang andun parin yung respeto, namutawi parin yung pagmamahal kong nararamdaman para sa kanya..

            "Sige, kung yan ang gusto mo!" Singhap ko. "Kung yan ang paniwala mo na ganun parin ako.. Umalis kana Vale', wala nang patutunguhan ang usapang ito, makaka alis kana..." Mabibigat ang hakbang kong tumungo sa may pintuan at pabalya kong ibinukas iyon. Hudyat lang na pinapa labas ko na sya sa unit ko. "Makaka alis kana!!" Tiim bagang kong muling  bigkas.. Kita ko naman kung papaano mag taas baba ang dibdib nya nang sandaling ito.. Bago nagmamadaling lumabas nang pintuan.

             Pakiramdam ko, nauubusan ako nang lakas nang sandaling yun, nakaramdam ako nang panlulumo at bigla nalang akong napahagulgol nang husto..***

                "What the f---" Malakas kong bigkas nang biglang nag preno ang sasakyan at halos mapasubsob na ako sa dashboard. Buti nalang naka seatbelt ako. Nagtataka tuloy akong nagbaling nang tingin sa kasama kong nagmamaneho nang sasakyan. "Spencer ano ka ba naman!" Reklamo ko nang tuluyan na nitong hininto ang sasakyan.

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon