Chapter 16

4.8K 165 22
                                    

Savanna pov..

"Vale-" Akmang hahawakan ko sya sa braso pero maagap itong napa atras. Ako din naman, hindi naman ganun na basta ko nalang makakalimutan ang tungkol sa nangyari--

"Nakokonsensya na ako Sav.." May diin nitong bigkas.. Pagka tapos ay tumingin ito sa paligid baka may maka rinig sa aming dalawa. Pero bukod sa aming dalawa, si Marie lang naman ang kasama namin ngayon dito sa bahay. Maya maya ay bigla nalang nitong hinatak ang aking kaliwang braso, hinila nito ako hanggang sa makarating kami sa may garden area.

''May- may balak ka bang sabihin kay kuya-"

"Syempre wala, hindi naman ako tanga para sabihin sa asawa ko ang bagay na yun!" Putol kaagad nito sa sinasabi ko. "Mahal ko ang asawa ko Sav.. ang gusto ko lang sana, umalis ka na sa buhay ko, lumayo ka na.." What? Napa tawa tuloy ako nang pagak sa sinabi nya. Ganun din ba kadali ang gusto nyang mangyari! "Umalis ka muna nang bansa hanggang sa makalimutan natin nang tuluyan--"

"Sino ka para utusan ako, fuck!!" Bigla nalang nagpanting sa tainga ko ang sinabi nito. Napa singhap tuloy sya nang matalim ang tinging pinukol ko sa kanya. Sa palagay nya makaka tulong yun, na kapag umalis ba ako at babalik after a month! Or a year matatapos na yun, makakalimutan na namin yung nangyari!? Kita ko namang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

Sorry kong nasigawan ko sya.. kung nakapag bigkas ako nang hindi maganda- hindi naman ganun kadali yung hinihingi nya!
"Kung ganun, huwag ka nang magpapakita sa- akin!" My god! Muli akong napa tawa nang pagak. Hindi lang kundi napa halakhak nalang ako.

"Vale, kung hindi ka maka move on sa nangyari problema mo na yun! Dahil ako, marami naman akong flings dyan na pag tuunan ko nang atensyon ko, na makaka sex--" Fuck?? Bigla nalang dumapo ang isang palad nito sa kaliwang pisngi ko. Sobrang lakas na kina biling tuloy ang aking mukha.

"Huwag mo akong ihahalintulad sa mga babaeng kinakama mo Savanna.." Taas baba ang dibdib nitong turan sabay duro nito sa akin. Habang ako naman ay marahang hinaplos haplos ang nasaktan kong pisngi, ang sakit nun ah!!. Sa buong buhay ko sya palang ang nakaka sampal sa akin.

Wala naman akong sinasabing ganun!? Hindi ko naman sya kinukumpara. FUCK!! Huwag nya akong pupunuin baka pagsisihan nya sa bandang huli. Ginusto nya yung nangyari sa amin sa Melbourne, nag usap na kami tungkol doon at sinunod ko na ang gusto nya. Hindi naman pwedeng lahat nalang nang gusto nya, susundin ko.

"Huwag mo din akong didiktahan Vale', dahil alam ko kung anong ginagawa ko." May diin ko ding bigkas. Sabay titig ko sa kanyang mga mata.. Ngayon ko lang nalaman na mababaw pala ang luha nito dahil sunod sunod ang pag patak nang luha sa kanyang dalawang mata.

Pagka tapos ay bigla nalang itong napahagulgol na kina awang nalang nang aking labi.
"Hindi ko na alam kong anong gagawin ko--"

Kinabig ko nalang ito tsaka niyakap nang mahigpit. Habang kipkip parin nito ang kanyang laptop sa isa nyang braso. Habang patuloy ang kanyang paghagulgol, pilit ko naman syang pinapa tahan. Baka kasi mamaya, marinig sya ni Marie.

Naintindihan ko naman yun sitwasyon nya, she's a married woman. Sa akin walang mawawala single ako, pero ang masaklap sa kanya-- kapatid ko pa ang asawa nito. Kaya siguro nai-stressed sya nang ganyan. First time nyang nagluko at sa akin pa-

"Sav.. anong gagawin ko!" Hindi ko din naman alam, sya lang ang makaka sagot nya.. Napa hugot nalang ako nang malalim na pag hinga habang patuloy ko syang pinapa tahan.

"Hindi ako- magpapakita sayo kung yan ang gusto mo." Turan ko naman. Sige na, sya na naman nang nasunod, sya na naman ang panalo. Naawa kasi ako sa itsura nya ngayon. "Pero hindi ko maipapangako na kaya kong maka iwas kong ang kuya ko mismo ang mag-uutos sa akin. Katulad ngayon! Hindi ako pwedeng tumanggi nalang, lalong lalo na kung parents na namin ang may- ipapa gawa sa akin at hindi maiwasan na magkikita o magkakasama tayo.." Buntong hininga kong paliwanag. Habang marahan ko paring hinahagod ang kanyang likod.

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon