Chapter 21

5K 167 26
                                    

Savanna pov..

                 Wala pang isang linggo na namalagi ako sa China, kating kati na akong bumalik nang bansa. Kaya naman halos limang araw lang ako doon at nagpasya na akong umuwi. Malaki at may isip naman na si Jovannie at alam kong kayang kaya na nito ang kanyang sarili. Kaya lang, naawa parin ako doon sa bata.. Hugot ko nang malalim na paghinga. Kung sana nag ingat sya, masyado kasing nagmamadali eh! Imbes na nag-eenjoy sya dito, sa pagiging bakla- nya pinatapon sya tuloy. Walang kasiguraduhan kong kailan sya pwedeng bumalik nang pinas.

             Hindi kasi sya kasing husay mo na magaling magtago..  Biglang turan nang aking isip na lalo kong kina hugot nang malalim na paghinga..


                Doon na sya magpapa tuloy sa pag aaral, hanggang matapos sya- yung parents nalang nya ang  bibisi-bisita doon sa kanya. Maliban nalang kong-- magpapakasal sya sa isang babae! Napapa buga tuloy ako nang hangin.

               Napapa iling ako, habang naka tayo at naka harap sa may center island. Gabi na pero hirap parin akong dalawin nang antok, kong tutuusin dapat may jetlag  pa ako..  Tumungo ako dito sa kusina para uminum nang tubig ang maka ramdam ako nang pagka uhaw.


               Ikaw Savanna.. hanggang kailan mo kaya maililihim sa pamilya mo ang pagiging isang bisexual mo?  Tuya na naman nang isip ko. Kaya ko ang sarili ko, kayang kaya ko itong itago hanggat nabubuhay ako.. may isa pa akong goal sa buhay- yun ay para hanapin ang totoo kong mga magulang.

              Nagpasya na akong bumalik nang kuwarto nang marinig kong may nag doorbell sa labas.. napa sipat ako sa wall clock at napa kunot noo nang makita ang oras. Alas onse na nang gabi?  Sino na naman kaya ang mang iistorbo nang dis oras nang gabi. Umiwas na ako sa mga ka flings ko--

              Bigla namang kumabog ang dibdib ko nang pumasok sa  isip ko sa Valerie. Pero bigla ko din lang pinilig ang akong ulo, imposible kasing pupuntahan nya ako nang ganitong oras-

                Nagdadalawang isip tuloy ako kong bubukas ko ba ang pinto nang muling tumunog ang doorbell..
Tsaka imposible din talagang si Vale' dahil hindi pa naman nito alam na naka balik na ako nang bansa. Except kong naka follow ako sa Instagram at makikita nya yung post kong larawan--

             "Spencer!?" Nagtataka kong bigkas. Pagka bukas ko palang nang pintuan at bumungad sa harapan ko ang aking ex girlfriend? 

            ''Hindi mo ba ako papapasukin sa loob?" Seryoso nitong turan.  Nakapag usap na kami, nung gabing sinipot ko sya sa usapan namin. Ang tagal na akong naka move on sa kanya, tsaka wala din lang patutunguhan ang relasyon naming dalawa. Alam naman nya yung sitwasyon ko sa una palang..

              "Spence.. gabing gabi na,, pagod pa ako sa beyahe. Bukas nalang tayo mag usap--"


                "May gusto lang akong sabihin.." Putol kaagad nito sa sinasabi ko at bigla nalang nitong hinawakan ang kaliwang braso ko. Malamlam ang mga mata nitong tumitig sa akin. Na kina iwas ko nang tingin at kina buga ko nang hangin. Hindi na ba talaga maipagpa bukas yan! "Please!"

                Hindi nalang ako kumibo at tumalikod na ako, bahala sya kong sumunod sya dito sa loob. Nang marinig ko ang pag sara nang pintuan.  Napa hugot ang nang malalim na paghinga sabay halukipkip at muli akong nag baling sa kanya.


            "Sabihin mo na ngayon kong anong gusto mong sabihin Spencer.." Tila inip kong sabi na kina titig nitong muli sa aking mukha.


"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon