Epilogue

6.1K 212 58
                                        

Marahan akong nagmulat nang mga mata, matapos akong gisingin nang sinag nang araw na nagmumula sa salaming bintana. Nakahawi na ang kurtina niyon at saktong sakto pa talaga sa mukha ko na siyang nagsisilbing alarm clock magmula nang nabili at lumipat sa bahay na ito. Sa tantya ko sa oras ay nasa alas syete na nang umaga.








"Thank you Lord sa isang panibagong umaga.." Taimtim kong dalangin at awtomatikong kina ngiti nang aking mga labi pagkatapos. Tsaka marahang kumilos at nag-inat nang dalawang braso. Five minutes please.. Turan ko pa sa sarili, saglit na nagmuni muni bago nagpasyang bumangon mula sa pagkakahiga sa malaking kama.. At sa loob nang mahigit isang taon- nakasanayan ko nang gumigising tuwing umaga nang wala nang katabi.








Tuluyan na akong umalis nang higaan at marahang humakbang ako patungo sa may bintana. Saglit na pinagmasdan ang magandang sikat nang araw mula sa silangan na unti unting tumataas.. Bago nagpasyang iayos ang kurtina at ibalik sa dating ayos bago natulog kagabi. Habang matamang nag-isip kong paano ko na naman sisimulan ang aking buong maghapon..







Dadaan muna akong memorial park, na syang nakasanayan ko na ding gawin bago tumungong shop. Yes! Hindi ko akalain na ganun kabilis lumago ang sinimulan kong negosyo sa loob lamang dalawang taon. At ngayon, meron na akong pinagmamalaking bakeshop and coffee shop na siyang minamanage ni Marie Rufuero.








Si Marie na simula umpisa ay hindi nagsawang samahan ako sa lahat nang pagsubok na dumaan sa buhay ko.. At bilang pasasalamat, tinulungan ko itong makapag tapos nang pag-aral sa isang prestihiyosong eskwelahan sa kursong culinary arts. Para naman hindi lang sya naka base sa kung ano lang ang karanasan nito at mga naituro ko. Mainam na yung may tinapos at tsaka plano kong magpatayo nang branch. Tsaka, may sarili na din itong tinitirhang bahay na paunti unting hinuhulugan.









Nagpasya na akong maligo bago bumaba para makapag-agahan. Napapangiti ako dahil excited na akong magbreakfast- araw araw naman akong excited na gumising sa umaga, magmula nang makalipat kami dito sa two story house na to' sa isang subdivision. Hindi naman sya ganun kalakihan, sakto na yung may tatlong kuwarto...Dito din lang sa may Binondo.







Tatlumpung minuto para maligo at another thirty-minutes para magbihis at makapag-ayos. Tamang tama lang ang isang oras, nang ngiting ngiti na akong nagmarcha pababa nang hagdanan. Didiretso na sana ako nang dining nang bigla akong napahinto sa may bukana nang pintuan.. Napapa kagat labing para pigilan ang aking pag ngiti habang malayang pinagmamasdan--








"Hi! Good morning wife..." Masiglang bati nang napaka ganda kong asawa. Biglang napalingon nang maramdaman aking presensya. Awitomatikong sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. May hawak pang sandok at naka suot nang apron. Pero hindi man lang nakabawas sa ganda nito, bagkus lalo pa yata akong naiinlove dito.








"Breakfast is ready.." Sabay kindat na kina init nang magkabila kong pisngi.. Nakatitig lang ako sa kanya, sabay napa hawak ang isang kamay ko ang suot kung wedding ring.







"I love you.." Buong puso kong bigkas.. Magmula sa araw na kami ay pinag-isang dibdib, mahigit isang taon na ang nakalipas. Kahit kailan hindi sya nagkulang na araw araw akong pinapasaya. Pinapaligaya, pinagsisilbihan at pinaparamdam na napaka swerte ko at sobrang special..







At sa kabila nang lahat nang pagsubok na aming pinagdaanan. Heto na kami ngayon, masaya at kontentong namumuhay na magkasama ni Savanna Celestine Chua.. Minahal ako higit pa sa aking inaasahan, higit pa sa hiniling ko sa Puong Maykapal.








"Come here babe." Malambing nitong turan na sinabayan pa nang pagtulis nang kanyang nguso.. Cute! Nangingiti tuloy ako sa kilig. Inilahad ang magkabilang braso, kaya hindi na ako nag-atubili pa.. Mabilis na humakbang palapit sa kanyang kinaroroonan. Ang aking Savanna.







Nag-iinit naman bigla ang sulok nang aking mga mata bago pa man ako tuluyang makalapit dito. Kaagad ko itong dinaluhan nang mahigpit na yakap, yakap na para bang matagal na panahong hindi kami nagkita. Ganito ko sya kamiss araw araw, dahil tuwing gigising ako sa umaga ay wala na siya sa tabi ko.







"I love you so much my wife.." Buong puso nitong bigkas. Dahilan upang tuluyang pumatak nang butil nang luha sa aking mga mata. Luha sa labis na kaligayahan at araw araw akong nagpapasalamat sa panginoon na binigyan pa sya nang isa pang buhay, isang pagkakataon upang makasama ko pa sya nang matagal. Matapos maging kritikal ang kanyang buhay sa nangyaring aksidente halos dalawang taon na ang nakalipas.








"Mahal na mahal din kita Savanna.." Tugon ko. Upang lalo lang humigpit ang yakap nito. Ginawaran ako nang mabilis na halik sa labi matapos akong pakawalan. "Wow mukhang masarap a.." Puri ko sa pagkaing naka hain sa mesa. Hindi naman talaga kasi ito mahilig magluto, pero nang maging misis na niya ako syempre para sa akin lahat nang ihain nito ay masarap. Biro lang, natuto na talaga itong magluto.








"Mas masarap parin ako.." Bulong naman nito sa tainga ko. Dahilan upang ako'y mapalunok at makaramdam nang ibayong init sa aking katawan. Savanna talaga, daming kapilyahan sa katawan.. Napapahagigik ito nang pinag hila ako nang upuan tsaka nagmamadaling hinubad ang suot na apron..







Ang gusto pa nga nito ay syang maglalagay nang pagkain sa plate, pero syempre ako naman ang gagawa nun. Marahan na syang naupo sa tabi ko at mula din nang kami ay nagsama hindi talaga kami magkaharap na kumain.."Wife sa akin ka ngayon sasabay ha, idadaan kita nang shop bago ako tumungong Laguna.." Oo nga para, schedule nito ngayong bisitahin ang nabiling farm. Na sya ding kanyang negosyo at pinagkakaabalahan.








Pero sa tuwing pumupunta sya doon, hindi niya talaga ako pinagdadala nang sasakyan. Para balikan lang din sya at siguradong masusundo ako pag-uwi.. Sinabi ko namang dadaan muna kami nang memorial park para bisitahin si Aaron at si Mama Amanda.








Walang perpektong pagsasama, pero si Savanna ay perfect na perfect na para sa akin. Ako po si Valerie Tan- of course Chua parin.. Hanggang sa muli..







Author's Note!!


Maraming maraming salamat po sa pagsubaybay ninyo sa "All About Her" kahit nag end na po talaga sya.. 😅✌yan ginawan ko na po nang epilogue. Baka po nabitin pa po kayo, pero di bale po pinag-iisipan ko na po ang sisimulang story. Ni Marie at ni Spencer.. Kaya makakasama parin po natin si Sav at Val.😊

Maraming maraming salamat din po sa walang sawang pag suporta sa iba ko pang mga stories.. Thank you guys!

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon