Savanna pov..
"Babe..andyan ka pa ba, bakit ang tagal mong sumagot!?" Untag ni Valerie. Patanong man, pero malumanay parin ang pananalita nito. "Para makapag prepare na ako at puntahan na kita kaagad dyan sa condo." Patay kang Savanna ka.. Napa kagat labi tuloy ako.
"Ahm, babe-." Tikhim ko. Grabe yung kabog nang dibdib ko. Kung malapit lang sana mula dito hanggang pauwing condo, pwede kong paliparin itong sasakyan. Kaya lang-- makauwi man ako, tiyak tapos na ang lunch time. "W-wala ako-- I mean lumabas ako-- h-hindi pala, ano umalis ako.." Ang isang Savanna Celestine Chua sa kauna unahang pagkakataon, nabubulol at hindi malaman ang sasabihin.
"Ano? Hindi ko maintindihan ang sinabi mo e!!" Medyo tumataas ang timbre nang kanyang boses. Hindi ba nya ako marinig-- sa tingin ko malakas naman ang signal! Kaya napapalunok tuloy ako nang husto.. "Savanna, ang ibig mo bang sabihin wala ka sa unit mo ngayon!?" Para naman akong tangang napatango na para bang kaharap ko lang itong kausap ko. "Saan ka nagpunta? Hindi ka man lang nagmessage. Anong oras ka ba makakabalik para alam ko?"
Hayan na, sunod sunod na ang tanong nito kaya napa pikit nalang ako nang mariin. Hindi ko malaman kung papaano sisimulang mag-explain, kasi tumatawag naman ako sa kanya kanina. Understood na sana yun na nagpapaalam ako! Di yun ang sabihin mo sa kanya?? Sabat tuloy nang aking isip.
"Sav, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" Tanong nyang muli. Lalo namang kumabog yung dibdib ko. Lalo na nang biglang bumukas ang pintuan nang kotse sa tabi ko. Akmang magsasalita sana si Spencer, buti nalang nai-senyas ko kaagad itong hawak kong phone na naka dikit sa kanan kong tainga. Mukhang naintindihan naman niya nang biglang napatango naman at muling isinara ang pinto.
Pasimple akong napa buga nang hangin, tsaka napa hilot nang sentido gamit ang libre kong kamay. "Babe-- kaya kita tinatawagan kanina para sana magpaalam saiyo na pupunta ako dito sa Bulacan. Kaso hindi ka naman sumasagot, e male-late na ako sa appointment ko--."
"Anong ginagawa nang text.. Pwede mo naman akong e message nalang!" Putol nito habang nagpapaliwag ako. Yun na nga sana yung balak kong gawin kanina.. "At tsaka, ang layo nang Bulacan para magbeyahe ka nang mag-isa. Alam mo namang hindi pa ganun kagaling yang sugat mo!" Napa ngiwi tuloy akong muli. Heto na nga po ang katakot takot na sermon, di mas lalo na kong malaman nitong may kasama akong nagpunta. At ang taong ito ay si Spencer ang aking ex-girlfriend.
Kung kanina hilot lang nang sentido, ngayon nasabunot ko na ang sarili kung buhok. Ganito pala kahirap magpaliwanag sa isang taong- yung tipong hindi sana sya magagalit dahil wala naman akong ginagawang masama. Kaya lang kasi, mamaya iba yung iisipin niya-- "Sige na, andyan ka na e- ano pa bang magagawa ko, mag-iingat ka ha.." Bigla itong napa hugot nang malalim na paghinga. At muling nagbaba nang boses. Luh! Bakit pakiramdam ko, parang mas lalo pa siyang nagalit!?
"Babe.. Ano kasi--"
"Sige na,mamaya ka nalang mag kwento pagka-uwi mo okay.." Putol na naman nito sa sinasabi ko. Gusto ko lang sana sabihin yung kay Spencer.. Pero sige na nga, mamaya ko na explain lahat pag uwi ko. Lahat lahat nang detalye sasabihin ko talaga sa kanya. Walang labis at walang kulang. "Sure naman akong hindi kana makaka habol nang lunch, so-- dinner nalang ha babe. Make sure na hindi ka magpapagabi sa pag-uwi.." Malambing na uli nitong turan. Ang aking Valerie.
Muli akong napa pikit nang mariin, nang medyo kumakalma na itong puso ko. Lalo na nang nakaramdam ako nang malamig na hanging humaplos doon. "Okay babe.. I can't wait to see you.." Malambing ko ring turan. "I love you so much my Vale.." Dagdag ko pa.

BINABASA MO ANG
"ALL ABOUT HER" (GXG)
RomanceValerie Tan- Chua, walang ibang hangad kundi maging isang mabuti at mapagmahal na asawa kay Xavier Chua. Gagawin ang lahat para magkaroon sya nang isang perfect na pamilya. katulad sa parents nya at sa parents nang kanyang napangasawa. Kaya lang kah...