Chapter 13

5.8K 222 82
                                        

Valerie pov..

Napa ungol ako sabay inat nang dalawang braso, pagka tapos ay marahang nagmulat nang mga mata.
"Good morning beautiful!!" Ay kabayo!! Bigla nalang akong napa balikwas nang bangon sa pagka gulat.

Naka ngiting naka tunghay si Savanna sa mukha ko. Napa hawak tuloy ako sa aking dibdib. "Sav ano ka ba!" Sabay reklamo sa kanya.

"Breakfast is ready.." Masigla pa nyang turan tsaka sumampa sa kama dumukwang at ginawaran ako nang masuyong halik sa labi.

Masakit ang buo kong katawan, samantalang sya parang wala lang!
"Sav..." Anas ko namang bigkas nang bitawan nito ang labi ko. "Pwede pa tayong mag usap.." Buntong hiningang turan ko na kina wala nang pagkaka ngiti sa nito. Wala akong pinagsisihan kong ano man ang nangyari sa amin dahil ginusto ko yun. Pero sa simula palang alam naman na nito ang sitwasyon ko.

"Vale.." Hugot nito nang malalim na paghinga. Pagka tapos ay marahang kinuha ang dalawang palad ko tsaka dinala ang labi nito. "Pwede bang akin ka muna hanggat andito tayo.." Seryosong titig nya sa mukha ko. Na kina singhap ko sabay iwas ko nang tingin.

"At pagbalik natin nang bansa, kakalimutan na natin kong anumang nangyari dito sa Melbourne?" Seryoso kong sabi sabay titig naman sa kanya. Hindi ko alam kong sakit ba ang nakita ko sa kanyang mga mata! Pero bigla itong napa tikhim sabay tipid na ngumiti.

"Maligo kana para makakain na tayo at-- makakapag libot." Umalis na sya sa may kama at napa talikod sa gawi ko. Naramdaman ko ang panlalamig nito hanggang sa tuluyan na syang lumabas nang pinto. Naiwan akong napapa hugot nalang nang malalim na paghinga. Sya naman yung nagsabi na hanggat andito lang kami--
Kumilos ako nang biglang napa ngiwi dahil sobrang sakit talaga nang buo kong katawan. Hindi lang naman kasi iisang beses kaming nag niig--

Pinilit ko paring kumilos at umalis sa ibabaw nang kama. Hindi alintana ang hubad kong katawan nang muling bumukas ang pintuan. Napa singhap si Savanna at napa titig sa kabuuan, hinayaan ko lang. Bakit pa ako mag iinarte wala naman na akong dapat itago sa kanya!

Ako naman ang biglang napa singhap nang yakapin ako nito mula sa aking likuran.. Lalo na nang kinintalan ako nang maliliit na halik sa aking balikat, patungo sa aking leeg.

"Sav..." Anas ko. Hanggang sa marahan akong hilahin paharap sa kanya. Pinag dikit ang aming noo sabay kumilos pababa ang dalawa nyang palad at marahang hinaplos haplos ang aking magka bilang tagiliran.

"Paliguan na lang kaya kita.." Malambing niyang wika. "Paliguan nang halik.."

"Ang dami mong alam!"Kontra ko na kina tawa naman nito. "Istorbo ka imbes na maka maligo na sana ako." Turan ko pa.. "Ayy!!" Bigla nalang niya akong pinangko, binuhat na parang ang gaan gaan ko lang. Dinala na nito ako patungo sa loob nang banyo. Natatawa nalang ako dahil ang dami talagang alam na kalokohan ang babaeng ito..

___

Magka hawak kamay kaming naglakad nang maka labas na kami nang apartment.Pupunta daw kami sa isang museum na malapit lang dito. Habang naglalakad ay panaka naka akong hinahalikan ni Savanna sa ulo.. Napa sweet talaga nito kahit sa public--

"Hey, Saveyna.." Kaway nang isang babae sa isang iskenita na nadaanan namin. Kaagad naman akong binitawan ni Sav at mabilis na lumapit doon sa babaeng yun.

"Sheera how are you?" Magiliw namang bati nitong isa at nagyakapan pa sila nang mahigpit. Napa ingos pa ako nang magbeso ang mga ito. Hanggang dito ba naman, hindi mawawala ang mga malalanding babae.

''I'm good.. Namiss kita, so kelan tayo mag co-coffee.." Napa singhap ako nang umangat ang braso nang babae at pinatong sa magka bilang balikat ni Sav.. Itong isa naman kung maka tawa, sumasakay din sa kalandian.

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon