Chapter 40

3.9K 128 8
                                    

Valerie pov..

                "Dito ka lang ha, kahit anong mangyari huwag na huwag kang lalabas nang kuwarto.." Seryosong bilin sa akin ni Sav. Makaraang umalis sa higaan at nagmamadaling nagbihis. Ayaw parin kasing tumigil kung sino man ang kumakatok sa labas nang pinto.

             Nababakas sa mukha nang pinakamamahal ko ang takot at pangamba nang sandaling pinasadahan ako nang tingin bago sya tuluyang lumabas nang kuwarto. Naiwan naman akong napapa hugot nang malalim na paghinga. Sino naman kaya kayang kumakatok nang ganito kaaga!

           Ilang minuto na ang lumilipas nang hindi parin  bumabalik si Sav at nainip na ako kaya naman nagpasya na akong umalis nang higaan.  Nag bihis pagkatapos ay bumalik na naupo sa gilid nang kama.

                  Pansin ko kay Sav magmula nang nagtanan kami-- of course, ano pa bang tawag sa ginawa namin kundi pagtatanan. Hugot ko nang malalim na paghinga. Palagi na itong  balisa at matatakutin. Ano bang kinaka takot nya--takot na baka iwan ko sya- or takot na masundan kami ni Xavier?

                Muli akong napa hugot nang malalim na paghinga..  Ako din naman hindi maiaalis ang pangamba sa aking dibdib. Kaya lang kasi,kahit pagbali baliktarin man ang sitwasyon maling mali parin itong desisyon namin. At kahit ano pang gawin naming pag iwas at pagtago hindi namin matatakasan ang lahat. Kaya naman, buo na ang pasya kong--

            "Babe--" Biglang bumukas ang pintuan na mabilis ko namang kina baling doon... Mukhang nabigla pa sya nang nakita akong nakabihis na, pero hindi naman nito pinuna. "Ahm- yung care taker pala ang kumakatok, pinapa sabi nya na kung ayos lang na ilipat yung kotse sa kabilang side nang parking lot. May nagpa park daw kasing mas malaking sasakyan, medyo may kaliitan yung space sa kabila. Hindi kakasya kaya, iayos ko lang saglit ha!" Paliwanag at muling paalam nito.


              Napa ngiti ako nang tipid at napa tango nalang biglang pag tugon. Habang nakasunod ang paningin ko sa kanya nang kinuha ang susi nang sasakyan na naka patong sa ibabaw nang drawer. Lalabas na sana syang muli nang biglang ko siyang tinawag nang may naalalang itanong, na kaagad naman nyang kina lingon.
"Sav... Ano yung putok nang baril na narinig natin kanina--"

                  "Ano daw-" Putol naman nito. Sabay kamot nang batok. "Naitanong  ko nga e, normal lang daw yun dito na nakaka rinig nang ganun. Dahil may mga matitigas ang ulo na nangangaso sa may kagubatan malapit dito.. Kaya-- huwag ka nang mabahala ha.." Paliwanag niyang muli, bago tuluyang lumabas muli nang kuwarto.

            Naka hinga naman ako nang maluwag, atleast hindi na ako mag iisip, kung safe ba talaga dito sa pinagdalhan nya sa akin.. Napa buga ako nang hangin, tsaka nagpasyang lumabas na nang kuwarto nang naalala kong hindi pa pala ako nakakapag prepare nang aming agahan.

              Nakaka bahala lang naman, baka kong ano nang kaguluhan ang  nangyayari kanina. Lalo na at dayo pa naman kami dito.. Hindi naman ako natatakot na baka masundan kami ni Xavier- napaka imposibleng mangyari ang bagay na iyon!

            Kaya malakas ang loob kong umalis nang mag-isa at tumungong bayan kanina.. Bukod sa ilang pirasong maisusuot, namili na din kasi ako nang konting stock namin ni Sav. Tsaka yung perang inipon ko- halos nilabas ko na lahat para hindi na kami paalis alis ditong  dalawa.


              Inumpisahan ko nang mag luto nang agahan, nang kusang nangingiti ang aking mga labi.. Gustong gusto ko itong mangyari, yung pinagsisilbihan ko si Sav. Yung tipong misis na misis ang dating. Kaya lang kaagad ding naglaho ang mga ngiting iyon.. Sabay napa hugot nang malalim na paghinga.

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon