Chapter 32

4K 185 39
                                    

Valerie pov..

                  Yung pakiramdam na, kung pwede lang ayoko nang humiwalay sa kanya.. Kaso-- tuwing naiisip ko yung sitwasyon naming dalawa, napaka imposibleng mangyari lahat nang nais nang aking puso..

                   "Sav... Kailangan na nating bumalik sa loob." Unti unti akong kumalas mula sa mahigpit nitong yakap sa akin at halos ayaw akong bitawan. Na kina hugot nito nang malalim na paghinga.

                 "Vale' please, huwag kang pumayag sa gusto nilang mangyari.." Nangungusap ang mga mata nitong pilit kong inaaninag nang tumitig sya sa akin na kina pikit ko naman nang mariin nang sandaling iyon.. Ayoko din naman, sana-- Oo sana, kaya lang anong laban ko sa kanila masyado na akong naiipit sa sitwasyon.. Mag- isa ko lang kasing--

               Hmmnn..  Gosh..Naramdaman ko nalang ang pag sayad nang malambot na labi ni Savanna sa aking labi. Awtomatiko din ang pag bilis nang tibok nang aking puso. Hindi ko na rin napigilang hindi gumanti sa halik nito.. Narinig kong kina ungol din nya na lalong kina bilis nang tibok nang aking puso. Isang taon, isang taon akong nangulila sa kanya. 

                I love you Sav..  Bulong nang aking puso.. Sya din lang ang kusang naglayo sa kanyang mga labi pagka tapos nang masuyong halik at punong puno nang pagmamahal.

                 Napa ngiti naman ako tsaka ko marahang pinahid ang dumikit na pulang lipstick sa labi nito na galing sa akin. Sabay pa kaming nagtawanan nang mahina pagka tapos.

                Oh Sav.. Sobrang sarap lang sa pakiramdam na kahit sobrang gulo nang sitwasyon nang pamilyang ito. Meron isang taong nagpapa gaan nang lahat.. "Pa kiss pa nga-" Parang bata nyang maktol na kina singhap ko naman.

               Ang cute lang nito habang napapa labi sa harapan ko. Nakagat ko tuloy ang pag ibabang labi ko para pigilan ang kilig kong nararamdaman nang sandaling ito. "Sige na- last na!" Hayss hihirit pa talaga.

              Dumukwang ako para gawaran sya nang mabilis na halik. Sobrang bilis lang na lalong kina tulis nang nguso nito. Natatawa na tuloy ako nang hindi ko napigila--

             "Love.." Boses ni Xavier. Na kina kabog bigla nang dibdib ko. Ako na din ang kusang dumistansya kay Savanna kahit pa labag sa loob ko ang aking ginawa. Dahil kahit bali- baliktarin man ang mundo, hindi parin namin pwedeng kalimutan na may asawa parin ako at ang kapatid nito.

               Nagkatitigan kami at nababanaag sa kanyang mga mata ang kalungkutan na kina kirot naman nang aking puso.. Nag senyas na sya na mauna na akong umalis nang green house. Labag man sa loob ko, pikit mata na akong tumalikod sa gawi nito.

                Ilang hakbang ko lang nang nasalubong ko si Xavier.. halatang kanina pa ako hinahanap. Napa hinto sya nang makita nito ako at pinasadahan nang tingin..

                  Medyo may kadiliman kaya pilit akong inaaninag. "I'm sorry." Hugot nito nang malalim na paghinga, nang tuluyan syang maka lapit sa akin. Hindi ko alam kong para saan ang pag hingi niya nang tawad. "Asan si Savanna?" Tanong nito pagka tapos.

              "Ahm-" tikhim ko. Sasagot palang sana ako nang muli syang magsalita.

             "Hindi ko alam kong-- kong dapat pa kayong magka lapit nang kapatid ko.." Seryosong wika nito na kina kabog nang dibdib ko. Bigla nalang akong nakaramdam nang matinding kaba nang marinig iyon mula sa kanya..

               Isang taon na nga syang nawalay sa akin- hindi lang yun! Sa kanya nalang ako humuhugot ngayon nang lakas. Dahil konting konti nalang bibigay na ako. God! Huwag namang pati si Savanna ipagkakait din nila sa akin-

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon