Introduction

14.5K 213 6
                                    

   

           Halos lahat nang ikakasal lalo na kapag nasa simbahan kana at hinihintay ka na lang  nang iyong groom ay nakakaramdam tayo nang kakaibang saya, kaba at may halong excitement. Basta andun na lahat labo labo na..
Kaya lang iba ang  nararamdaman ko ngayong araw nang aking kasal, pagka inip, inis at ah basta nanggigigil ako... Habang nandito parin ako sa loob nang bridal car.







              Paano ba naman kasi ten minutes na dapat nag umpisa na yung ceremony kaso nga lang meron kasing epal at paimportante. Walang iba kundi ang nakaka bata at bunsong kapatid ni Xavier na aking fiance na si Savanna.  Andito na akong bride, kanina pa pero siya wala pa! Nang tinawagan nila kanina, kakarating lang mula sa flight galing Thailand at aayusan pa sya hindi ko alam kong saang hotel pa. God!. Paano alam nyang kasal nang kuya niya inuuna pa ang pag babakasyon sa ibang bansa.







           May narinig pa akong bulong bulungan kanina na kong hindi daw makakarating ang Savanna na yun hindi matutuloy ang kasal? Aba sino ba sya.. maid of honor lang naman! Andito naman ako na bride at ang groom ay kanina pa naghihintay at kung hindi lang sya kapatid nang mapapangasawa ko hindi ko sya kukuning bride's maid nang kasal ko.







          Kaya lang wala akong choice dahil, karamihan nang angkan ko ay puro lalaki hanggang sa mga pamangkin.. at sa angkan naman si Xavier puros mga babae.. kaya dun lahat nang mga abay na babae.. Kaya pati ang kapatid ni-
Hanggang sa isang sports car na pula ang huminto sa kabilang gilid nang simbahan. Si Savanna ang bumaba mula roon. Nakaka inis na talaga! Naantala ang kasal ko dahil sa kanya?  







              Sa tatlong taon naming pagiging mag boyfriend/girlfriend ni Xavier dalawang beses ko palang yata nakikita nang personal si Savanna lagi daw busy sa pag aaral, ang tanong nag aaral nga ba!? Lagi ngang nasa ibang bansa at pangatlong beses ko palang itong  makikita ngayon.. Kita kong nagmamadali na itong naglakad patungo sa harapan nang simbahan suot ang kanyang gown kaya lumabas na din ako nang sasakyan. At sinalubong na ako nang parents ko na mag escort sa akin.
Huminga ako nang malalim pagka tapos ay hinihimas himas ko ang tyan ko, dahil tatlong buwan na akong buntis na hindi pa naman halata dahil may kapayatan ako at maliit lang yung aking tyan. At kalakasan pa nang lihi ko ngayon.
Gusto ko pa sana kahit pagka panganak ko nalang tsaka kami magpakasal kaso, atat na rin yung mga parents namin. Mas mainam na daw habang hindi pa lumalabas yung anak namin..






             Naka hinga naman ako nang maluwag nang mag simula na ang wedding ceremony. Kaya lang twenty minutes ang delayed, mahirap naman kasing komontra lalo sa angkan nang aking mapapangasawa..
Dun na ako nakaramdam nang excitement sa wakas-- napapa ngiti ako habang naglalakad, kaya lang nang biglang lumingon si Savanna napawi ang mga ngiti ko. Naiinis parin ako sa kanya lalo na nang nakita ko ang pag ngisi nito na parang nananadya pa..Kaya lang may napansin ako sa kanya ngayon- ang ganda nya o dahil lang sa nakaayos sya at nala make up..bakit naman yun ang pinag tuunan ko nang pansin, dapat mag concentrate ako sa kasal ko.







           "You may now kiss the bride.." Masiglang turan nang pari. Marahan namang itinaas ni Xavier ang aking belo at kita ko ang ningning nang kanyang mga mata. Napangiti ito bago dumukwang at ginawaran ako nang matamis na halik sa labi. Rinig ko na ang palakpakan at hiyawan nang lahat.. Hindi ko naman maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon halos maluha luha na rin ako.






            Niyakap naman ako ni Xavier nang sobrang higpit at kaagad din akong gumanti habang hindi maalis alis ang ngiti sa aking mga labi. Mahal na mahal ko sya at gagawin ko ang lahat, maging mabuti akong asawa at Ina nang aming magiging mga anak.
Pagka tapos nito ay titira na kami sa isang  two storey house sa isang subdivision na pinundar ni Xavier. Gusto ko man syang tulungan sa paghahanap buhay, kaya lang kasi nag usap usap nang ang parents namin na sa bahay nalang ako manatili. Para maalagaan  ko daw nang husto itong pinag bubuntis ko, lalo na at unang apo ito nang parents ni Xavier kaya todo bantay sila sa kalagayan ko.






            Isa isa na silang nag congratulate sa amin bago kami lumabas nang simbahan para tumungo sa reception. Ang reception ay isa sa mga hotels na pag aari nang mga Chua na si Xavier mismo ang humahawak..
"Congrats ate..." Masayang bati ni Savanna sa akin, dumukwang sabay mariin akong hinalikan sa kaliwang pisngi na kina singhap ko naman nang hindi ko maintindihan. Akala ko hahalik lang nang bigla naman akong yakapin nang mahigpit..






           Hinayaan ko nalang.. hindi naman ako ganun kasama para magpakita ako nang hindi maganda sa kanya.
"Savanna let's go.." Hila bigla sa kanyang braso nang isa sa mga abay na pinsan nito.
May pagka bastos lang kasi kita ngang naka yakap pa sakin yung tao-






          Halos ayaw pa sana itong bumitaw kaso hindi na binitawan ni Ella ang braso niya.
"I'm sorry ate.." Pabulong niyang turan sa tainga ko dahilan para tumama ang mainit nitong hininga sa aking balat. Na lalo kong kina singhap. "Congrats ulit ate." Pahabol pa niya bago tuluyang umalis, hila na sya  patakbo  kanyang pinsan palabas nang simbahan na parang bata..Napapa ngiti nalang ako mag isa.




           Anne Curtis as.. Valerie Tan- Chua..





AN:  Sana po magustuhan ninyo itong bago ko na story ang "All about her"
Salamat po sa lahat nang sumusubaybay sa mga on-going kong stories at sa mga nabibitin po sa mga una kong stories. Hehehe.. Pasensya na po kasi short stories lang po ang mga yun. ✌️✌️😘😘😘😘😘
Thank you po nang madami. Dahil po sa inyo nai-inspired po ako lalo sa aking pagsusulat..
          Sa mga nag rerequest po nang book2.. not sure po kung makaka gawa po ko kasi bloated pa po yung utak ko..
Thank you, thank you po sa inyo..😘😘😘

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon