Chapter 14

5.2K 197 42
                                    

Valerie pov..

           "Ihatid na kita." Mahigpit na hinawakan ni Savanna ang kaliwang braso ko. Naka balik na kami nang pinas at babalik na kami sa dati naming buhay pero marami nang nagbago, kaya lang kailangang kalimutan na lahat kong anumang nangyari sa Australia.

             "Sav please.." May diin kong bigkas.. "Kaya ko na ang sarili ko at salamat sa lahat." Cold kong turan. Marahan na nitong binitawan ang braso ko. Pikit mata na akong naglakad palayo sa kinatatayuan nito, walang lingon likod na tumungo ako sa sakayan nang cab dito sa NAIA.

             Hindi ko naman kasi dala yung sasakyan ko noong umalis ako nang resort, magkasama  kami ni Sav umuwi kami nang condo nya at basta nalang naisipan na pumuntang Australia. Kanina wala pa akong ganitong pakiramdam, pero ngayong lulan na ako nang taxi at pauwi na nang bahay. Gusto kong maglahong parang bula nang sandaling ito.

              Napa singhap ako sabay takip nang mukha ko nang dalawa kong palad. Pagka tapos ay bigla nalang akong napa hagulgol nang malakas. Alam kong naagaw na nang cab driver ang atensyon ko pero wala akong pakialam.. Ano ba itong nagawa ko, nagtaksil ako sa asawa ko- at sa kapatid pa nya mismo.

           "Ma'am, ayos lang po kayo?" Hindi yata naka tiis ang cab driver at bigla akong tinanong. Napa iling naman ako bilang tugon. Napakalaki nang kasalanang nagawa ko kay Xavier. "Ma'am malapit na po tayo. Sure po kayong gusto ninyong umuwi." Shit!! Heto na, malapit na ako sa asawa ko.

                Kahit anong pagtakas ang gawin ko alam kong guguluhin lang din ako nang konsensya ko. Please self kalma lang, kung anuman ang nangyari sa Melbourne-- wala namang nawala sa amin ni Savanna. Nag sex kami nang ilang beses pero hanggang doon nalang yun.. mahal ko si Xavier, mahal ko ang aking asawa.

              Hindi ko namalayang naka hinto na pala ang sinasakyan ko.
"Ma'am okay lang, ayusin niyo muna yung sarili ninyo bago po kayo lumabas. Hindi ko na ipapatak yung metro ko." Wika pa ni manong driver.

               "Salamat.." Tugon ko naman at nanginginig pa yung boses ko. Sinunod ko naman ito at inayos ko yung sarili ko. Nagpahid ako nang luha at naglagay ako nang powder sa mukha. Nang makita ko sa salamin na okay na yung aking itsura, kumuha na ako sa wallet ko nang 300 pesos at inabot ko na sa driver.. Muli akong nagpasalamat bago ako tuluyang umibis nang sasakyan.

              Huminga muna ako nang malalim bago ko  sinusian at binuksan ang maliit na gate na kasya lang dumaan ang isang tao. Medyo naka hinga naman ako nang maluwag nang mapansing tahimik ang buong kabahayan at mukhang hindi pa nakaka uwi nang bahay ang asawa ko. Malamang busy pa yun sa opisina nya.

               Napa buga nalang ako nang hangin nang naka pasok na ako sa loob nang bahay namin. Marahan akong napa upo sa may sofa na parang nanghina ako bigla. Natatakot akong umakyat nang hagdanan- natatakot akong tumungo nang kuwarto namin ni Xavier. Gosh! Naiiyak na naman ako.

               Hindi dapat ako ganito' ginusto ko kung anumang namagitan sa akin ni Savanna. Kailangang harapin ko at kailangan kong kalimutan na kong anumang namagitan sa aming dalawa. Napa hilot ako nang aking sentido habang mariing pinikit ang aking mga mata.

            Napa balikwas ako nang bangon nang bigla akong nagmulat nang mata, paano ako napunta dito sa kuwarto-
"Hi love, I'm glad you're awake." Malambing na turan  nang aking asawa at marahang sumampa sa ibabaw nang aming kama. Naka bihis na ito nang pambahay.

          Papaanong-- huling tanda ko nasa may living room ako naka upo sa couch. Ibig sabihin hindi ko namalayang naka tulog pala ako doon! Naramdaman ko nalang ang pag gagap ni Xavier sa dalawang kamay ko.

"ALL ABOUT HER" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon